CHAPTER 43

10 1 0
                                    


JEAN'S POV

Friday na ngayon at naiinis ako dahil ngayon ang araw kung kelan ako niyayang mag date ni Hunter at Matthew. Hindi ko alam kung Sino ang sisiputin ko sa kanilang dalawa. Kung pwede lang sana hindi na lang sila kitain ginawa ko na.

Nakahiga ako sa kama ko at nagpapahinga dahil kakauwi ko lang galing sa school.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko iyon.

Hunter

I'll pick you up later, be ready.

***

Hindi ko pinansin yon at pinatay na lang ang cellphone.

Hindi ako makapag isip ng maayos matapos ang naging usapan namin kagabe ni Mia.

Flashback

Pagkarating ko sa sinabi niyang Lugar ay nakita ko siyang nakaupo malapit sa veranda. Hindi niya agad ako napansin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ang kabuuan niya.

She cut her hair with blonde color.

Napansin niya ako nang malapit na ako sa kanya. Dali Dali naman siyang tumayo at yumakap sakin.

"I missed you" sabi niya habang mahigpit na nakayakap. Ginantihan ko lang ang yakap niya dahil na miss ko rin siya.

"How are you?" tanong ko sa kanya nang makaupo na kami. Inayos niya naman ang suot na sunglasses at sumimsim ng kape bago ako sagutin.

"I should be the one asking you that."

"Nah, I'm fine." sabi ko sabay iwas ng tingin.

"I doubt that" bumuntong hininga siya at tinanggal ang salamin bago kunin ang mga kamay ko sa lamesa at hawakan ng mahigpit yon. Napatingin naman ako sa kanya matapos niyang gawin iyon.

"I'm sorry." panimula niya.

Hindi naman agad ako nakasagot at hinintay ang kasunod na sasabihin niya.

"He doesn't want you to know that he's sick. There are many times that i convince him to tell you but he always choose to refuse and saying that he doesn't want to hurt you. " napalunok ako sa sinabi niya dahil pakiramdam ko ay hind ko kayang pakinggan lahat ng sasabihin niya.

"He already did. He already hurt me. For leaving me. For not saying anything. F-for marrying Kierra." pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang buuin ang huling sinabi ko dahil hanggang ngayon masakit pa rin.

Nakita ko naman sa mata niya ang away kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya at kinalas ang hawak niya sakin.

"I want to know the truth" lakas loob na sabi ko. Kahit masakit lahat ng sasabihin niya ay tatanggapin ko kung talagang wala ng pag asa.


"After his operation, he can't remember us. I tried to ask him about you but he keeps on saying that he didn't know you. He can't remember me also, even his family. It took years of his recovery but not remembering anything. His doctor says that he can't remember anymore and we should stop asking him about his past."

"What about my cousin? How did they end up together?" lakas loob na tanong ko.

Napabuntong hininga naman siya sa aking tanong. Sumimsim muna siya ng kape bago tumingin sa mga mata ko.

" After 2 years of his recovery, I was surprised that Kierra is there. Naabutan ko na lang siya sa hospital at kinakausap si Gio. I'm happy that one us know his situation."

"I did asked her about you. She said that you are so busy with your study. " napakuyom ako ng kamao dahil sa narinig ko. Hinayaan ko lang siyang magpatuloy habang unti unti akong nilalamon ng galit. Galit para sa pinsan ko.

"Palagi na rin siya andun sa hospital at minsan nga dun na siya natutulog. Nabalitaan ko rin na dun niya itinuloy ang pag aaral niya. Nakikita ko naman na masaya ang pinsan ko kaya hinayaan ko na lang. Nagalit ako kay Kierra nang nalaman ko na wala kayong alam sa sitwasyon ni Gio. Nagbalak ako na umuwi noon dito sa pinas dahil gusto ko pa rin ibalita sayo ang nangyare sa kanya pero bigla na lang inatake ng pananakit ng ulo si Gio. Hindi ako tumuloy umalis dahil nag undergo ulit siya sa panibagong operasyon." tila nanlambot ako sa narinig ko dahil iniisip ko pa lang ang hirap na pinagdaanan niya ay nasasaktan na ako. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko at patuloy na pinakinggan siya.

****

A chance to Love Where stories live. Discover now