CHAPTER 20

20 2 0
                                    

➖➖➖

Mahigit alas nuebe na ako nakauwi ng bahay dahil hindi ko na namalayan ang oras kaya eto ako ngayon nasa kusina at umiinom ng kape dahil naparami din ang inom namin para na rin mahimasmasan ako dahil sumasakit na ang ulo ko sa dami ng nainom.

"San ka galing?" napaangat ang tingin ko kay John na kakapasok lang sa kusina at nakahalukipkip doon sa may bungad ng kusina at nakataas ang kilay.

"Somewhere" balewalang sagot ko dahil masakit talaga ang ulo ko at ayokong magsalita muna at umiikot ang paningin ko.

"Somewhere huh?! Alam mo ba kung anong oras na ha?! Uwi pa ba ng tamang babae yan ha Jean" napairap na lang ako dahil sa inaakto niya.'tss eto na naman po siya'

"Sagutin mok- Teka nakainom ka ba?" lumapit siya sa akin at inamoy ako at sinuri pa ang muka ko kaya tinulak ko ang muka niyang sobrang lapit sa muka ko. "Tss ano ba lumayo ka nga!"

"Bakit ka naginom. Sino kasama mo ha. Sumagot ka nga. " sunod sunod na tanong niya, inirapan ko lang siya kaya bahagya siyang nainis.

"Wag mo kong tignan ng ganyan Jean mas matanda pa 'ko sayo ng trenta segundo kaya kuya mo pa din ako. Tinatanong kita sinong kasama mo! " naiinis na talaga siya niyan. Hindi ko na lang siya pinansin at inubos na lang ang kapeng iniinom ko at nilagay na iyon sa sink at hinugasan.

Pagtapos kong gawin yun aakyat na sana ako sa kwarto ng higitin niya ako sa braso at pinaharap sa kanya. Tinignan ko na lang siya ng walang gana at naningkit ang mga mata niya at dinuro duro ako kaya hinawakan ko ang hintuturo niya at binaba ito kaya napasabunot na lang siya ng buhok niya at inis na tumingin sa akin.

"Aishh, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Jean pa'no kung mas nauna pang umuwi sayo sila mom siguradong papagalitan ka non dahil late ka na nakauwi at nag inom ka pa"

" Bitaw nga, para kang bakla ang ingay mo." inis na sabi ko sa kanya at hinigit ko naman ang braso ko pabalik sa akin at tinignan siya.

"Hindi nila malalaman unless you'll tell them." naniningkit mata kong sagot sa kanya. Bahagya siyang napalunok at lumayo ng bahagya sa akin at hindi nakapagsalita.

"Are you planning something,do you?" mas lalong naningkit ang mata ko dahil umiwas lang siya ng tingin.

Alam kong kapag nalaman to ni dad magagalit yun sa akin at baka magrounded pa ako pag nagkataon.

"A-ano kase, bakit ka ba kase nag inom hindi ka naman ganyan eh nakakainis ka na talaga pati ako dinadamay mo diyan sa kalokohan mo."

" Well it's up to you if you'll tell them" nakataas kilay kong sabi sa kanya.

" Ewan ko sayo, kinokonsensya mo lang ako dahil alam mong kapag nalaman to ni dad magagalit yun sayo. " I just shrugged my shoulder and look at him." Geez, umakyat ka na nga sa taas naiinis ako sayo"

"Okay, goodnight. Bye" pinat ko na lang ang balikat niya at dumiretso na sa taas at naghalf bath lang. Pagkatapos ko ay dumiretso agad ako sa kama at tumitig sa kisame at inalala ang nangyare kanina.

*flashback*

6:30 na nang makarating kami sa isang bar, medyo malayo ito dahil mahigit isang oras din kaming nagbyahe papunta dito sabayan pa ng traffic.

Anyway, naghanap na kami ng bakanteng table para sa aming tatlo at nang makahanap ay umupo agad kami at umorder na ng maiinom.

Habang umiinom kami ay napapansin ko ang mga tingin ng kababaihan sa dalawang lalaking kasama ko. Well, hindi ko naman sila masisi dahil may mga itsura talaga sila, mas matangkad lang sila sa akin ng kaunti kaya kapansin pansin talaga silang dalawa pagpasok pa lang namin. Kaso eto namang dalawa ay wala lang pakiramdam sa palagid nila. Tss.

A chance to Love Where stories live. Discover now