CHAPTER 38

17 2 0
                                    

Sa wakas.

Natapos na din ang examination.

Wednesday ngayon at katatapos lang ng exam kaya maaga ang uwian namin ngayon. Pasakay na ako ng motor ko dito sa parking lot dahil handa na akong umuwi nang maaninag ko si Matt na tumatakbo papunta sa direksyon ko.


Hinubad ko ang helmet ko at tinignan siya na tumatakbo hanggang sa makarating na siya sa harapan ko na hingal na hingal.

"U-uuwi k-ka n-na Jean?" tanong niya habang nakahawak sa dibdib at hingal na hingal. Natawa ako sa itsura niya kaya napasimangot siya ng makita ang reaksyon ko.


"What?Sino ba kasing nagsabi sayong tumakbo ka diyan. You look like an idiot while catching your breath." tatawa tawa kong sabi sa kanya kaya sumama lalo ang timpla ng muka niya.


"Ahh ganon? Tinatawanan mo pa talaga ako ah" sabi niya habang nakapameywang sa harap ko at masama ang tingin sa akin kaya tumigil na ako sa pagtawa. Tumingin ako sa kanya ng seryoso.


"Bakit ka ba kase tumatakbo para kang hinahabol ng sampung bakla?" 

"Date me!" biglaang sabi niya kaya nagulat ako at hindi agad ako nakasagot.


"What?!" gulat kong tanong sa kanya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.


"I'm serious Jean, date me." seryosong sabi niya.

" Yes I know. I can see that you are serious. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit biglaan naman yata." tanong ko sa kanya at napabuntong hininga nalang siya


"Wala lang. Basta ah susunduin kita sa Friday,6 pm.Sige na uuwi na din ako Basta sa Friday ah bye." sabi niya at tumakbo ulit patungo sa kotse niya.


Nagkibit balikat na lang ako at sumakay na sa motor ko. Pumunta muna ako sa isang kainan dahil nagugutom na ako. Panigurado namang wala pa si john sa bahay eh. Pumasok na ako sa isang restaurant na hindi naman ganon kaengrande.

Umuwi na ako sa bahay at wala akong naabutan doon kundi ang mga maid na naglilinis. Dumiretyo na ako sa kwarto ko at humiga agad sa kama. Nakatingin lang ako sa kawalan ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sinong nagtext.

What the..

Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko ang mensahe galing kay hunt. Lintek. Naalala ko nga pa lang lalabas din kami sa biyernes.

Hey, Don't forget our date on Friday. Susunduin kita.

****

Guyss sorry po sobrang short ng update ko ngayon. Isang linggo po kase akong trinangkaso eh kaya ito lang po ang naisulat ko. Pero guys maguupdate po ako ng mahaba sa next chapter po. Ayaw gumana ng utak ko eh. I'll be back po kapag okay na po ako.salamat sa suporta Mahal ko kayo.❤️

Zachyyy

A chance to Love Where stories live. Discover now