CHAPTER 18

17 2 0
                                    

*****

JEAN'S POV

Nandito lang ako sa kwarto at nakaupo sa kama habang nagbabasa ng libro ng maramdaman kong may kumatok sa pinto.Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa ng may kumatok ulit. Tumayo na ako at inis na binuksan ang pinto,pagkabukas ko sinalubong ako ni mom, nakalutang sa ere ang kanyang kamay na parang kakatok ulit.Tumikhim ako at umayos ng tayo.

"Ikaw pala mom" sabi ko habang niluwagan ang pagkakabukas ng pinto at pinatuloy sa kwarto.Umupo siya sa gilid ng kama ko at tumabi ako sa kanya at sumandal sa headboard ng kama.Humarap sa akin si mom at hinaplos ang pisngi ko at bahagyang ngumiti.

"Kamusta ka anak?"nabigla ako sa naging tanong niya dahil hindi ko inaasahang ayun ang itatanong niya sa akin.Hindi ako nakasagot sa tanong niya kaya ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Nagtatampo ka ba sa akin anak?" napakunot ang noo ko sa tinanong niya kaya bahagya siyang napatawa sa akin dahil sa naging reaksyon ko sa tanong niya. Hindi ako makasagot dahil nabibigla ako sa mga tinatanong niya sa akin. Bahagya lang akong umiling sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.Hinaplos niya ang kamay ko at ngumiti ngunit ramdam kong malungkot siya sa ngiti niyang iyon."Naiintinidihan ni mommy kung nagtatampo ka sa akin dahil hindi kona kayo masyadong naaasikaso ng kapatid mo dahil sobrang busy namin ng daddy mo sa kompanya" malungkot na saad niya kaya bahagya akong umiling sa kanya at niyakap na lang siya. Totoo yung sinabi niya na hindi na niya kami masyadong naaasikaso ni John dahil sobrang busy na nila ni dad sa kompanya hindi tulad dati na lagi kaming lumalabas at halos araw araw kaming namamasyal at kumakain sa labas.

"Mom,ayos lang sa amin yun ni John. Besides,malaki na kami hindi na kami kailangan asikasuhin." pagpapaliwanag ko sa kanya para hindi na siya mag isip pa at tsaka hindi naman ako nagtatampo sa kanya. Alam kong marami silang ginagawa sa kompanya kaya naiintinidihan ko sila kaya nawawalan na sila ng oras sa amin ni John. Yumakap lang siya sa akin at nag kwento ng kung ano ano ang ginagawa nila sa kompanya ni dad at tinanong niya naman ako tungkol sa school.

"Ayos lang naman ako sa school mom." paninigurado ko sa kanya para hindi niya na ako alalahanin pa dahil baka makadagdag lang ako sa problema nila sa trabaho.

"Sigurado kaba anak" tumango ako habang hinahanaplos niya ang buhok ko at ngumiti.

"Sige na mom,baka maaga kayo umalis ni dad bukas ayos na po ako dito wag niyo na kami alalahanin ni John malaki na kami." sabi ko sa kanya at tipid na ngumiti.

"Dalaga na talaga ang anak ko, siguro may nanliligaw na sayo no?" she said while teasing me. Napasimangot lang ako dahil sa sinabi niya. Tumawa lang siya at bahagyang umayos ng pagkakaupo. Tumigil naman siya sa pagtawa at tinignan ako sa mata. Siguro napapansin niyang medyo hindi ako sumasabay sa tawa niya at napansin niya ang pagiging seryoso ko habang kinakausap ako.

"Nagbago kana" malungkot na sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapalunok."this is not you Jean, what happened to you?" hindi ako sumasagot sa tanong niya dahil hindi ko malaman kung paano ko masasagot ang mga tanong niya.

"Tell me baby, is it because of him?" tila lumambot ang puso ko dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Dahan dahan akong yumuko at hindi mahanap ang salita na pwede kong sabihin sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito ng marahan at inangat ang paningin ko upang makita niya ang muka ko.

"Jean anak,ayokong nakikitang tuluyan kang nagbabago dahil sa nakaraan mo. Hindi ikaw to,ang sakit para sa akin na tuluyan ng tumitigas ang puso mo. Ayokong nakikita kang nawawalan ng pakealam sa mga nasa paligid mo anak." nakikinig lang ako sa sinasabi niya dahil parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi mailabas ang gusto kong sabihin.

"Naiintinidihan ko anak na masakit yung nangyare,pero sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nalaman niyang nagkakaganito ka." umiling ako bilang sagot sa kanya.


" Anak" malungkot niyang saad at nakikita ko sa mga mata niya ang awa,awa para sa akin. I hate it. Naiinis ako sa sarili ko sa mga oras na ito dahil ipinangako ko sa sarili kong hindi na ulet ko iiyak,ngunit sa mga binibitawang salita ni mom tila lumalambot ang puso ko. Tumingin lang ako sa mata niyang punong puno ng awa sa akin.

"Mom" sa wakas nakaya kong magsalita. Nararamdaman kong nagiinit na ang sulok ng mata ko at ayoko sa pakiramdam na ganto dahil nagiging mahina na naman ako.

"It's okay sweetie,you can cry. You are not weak Jean always remember that.Come here." dahan dahan akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya at hindi ko napigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak,sunod sunod itong umagos sa aking pisngi kasabay ng mahinang hikbi na kumakawala sa akin. Hinaplos lang ni mom ang likod ko at pinapatahan ako. Habang umiiyak ako dahan dahan na akong hinatak ang antok at doon na ako nakatulog habang nakayakap kay mom.

****
Zachyy

A chance to Love Where stories live. Discover now