CHAPTER 22

13 2 0
                                    

➖➖➖

JOHN'S POV

Pagkababa ko pinatay ko lang ang tv at pumunta sa garden dahil may importanteng tao akong kakausapin.

Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan siya.

"Nagawa mo na ba?" bungad ko sa kausap ko.

"Oo pare,nahanap ko na."  sagot ng kausap ko sa kabilang linya.

" Kamusta?"

"Pare wag kang mabibigla ah medyo mahirap paniwalaan eh pero ayun yung sabi nung katulong nila sa bahay" napakunot ang noo ko nung sinabi niyang wag akong mabibigla.

" Diretsohin mo na ako Troy ano ba yun pa suspense kapa eh" kunot noong sabi ko.

Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng sinabi niya ang totoo kaya tumayo ang ng maayos at tumikhim, lumingon muna ako dahil baka biglang bumaba si Jean.

"Totoo ba yang sinasabi mo Troy? Baka naman niloloko ka lang nung tinanong mo." paninigurado ko sa kanya dahil imposible talaga.

" Oh diba pati ikaw hindi makapaniwala.Totoo yun Aris maniwala ka." nanghihina ang mga tuhod ko kaya umupo muna ako sa may bench malapit sa pool.

"Sige Troy salamat maasahan ka talaga" sabi ko at bahagyang napasabunot sa buhok.

"Wala yun pre,sige na may gagawin pa ako tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka" Sabi niya bago patayin ang tawag.

'damn it' napasabunot na lang ako sa buhok ko at inisip mabuti kung anong pwedeng gawin ko.

➖➖➖

JEAN'S POV

Nagising ako na nandito na ako sa kwarto at medyo padilim na,bumangon na agad ako dahil naalala ko nga pala na may dinner kami ngayon.

Bumaba na ako at naabutan ko si John na nanonood ng tv.

"Oh,i thought we're going on dinner?" taas kilay kong tanong.

"Masakit pa ba ulo mo?" balik tanong niya.

"You're not answering my question and yes my head doesn't hurt anymore" sagot ko sa kanya at hinihintay ko lang ang sagot niya tungkol sa dinner.

"Hindi daw matutuloy sabi ni mama, nagkaroon daw ng problema sa kompanya tumawag siya sa akin kanina sabihin ko na lang daw sayo tulog ka kaya sa'kin sinabi" sagot niya habang nasa tv ang paningin,nagkibit balikat na lang ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig at kumuha ng makakain.

Bumalik ako sa sala at tumabi sa kanya para manood din. Inalok ko siya ng pagkain pero umiling lang siya. Napansin ko namang ang tahimik niya ngayon,kase usually sa mga gantong pagkakataon kung ano ano na ang kinukwento niyan sa mga nangyayare sa kanya.

"Are you okay?" pasimpleng tanong ko sa kanya pero sa tv ako nakatingin,napansin ko namang lumingon siya saglit sa akin at binalik din agad sa tv ang atensyon.

"Ofcourse I'm fine, why you suddenly asked?"

"Nothing,it seems that you're not in the mood" kibit balikat kong sagot.

"I'm fine don't mind me" natahimik na lang kami ng mga ilang sandali at hindi talaga ako sanay na ganto siya katahimik,pansin ko ding hindi naman talaga siya nag fofocus sa tv,nakatulala lang siya dito.

"Hey,are you sure you're okay?" kunot noong tanong ko sa kanya kase hindi talaga ako sanay
na ganto siya katahimik.

"I said I'm fine Jean." medyo napapataas niyang sagot kaya nabigla naman ako. Napansin niya naman ang pagkabigla ko kaya napaayos siya ng upo.

"Look,I'm sorry i didn't mean to raise my voice at you" hinging tawad niya sa akin at umiwas ng tingin.

" Well i guess you're not ready to tell me what is bothering you,I will just wait here okay." paalala ko sa kanya dahil mukang seryoso ang iniisip niya. Tinapik ko na lang ang balikat niya at hinayaan siyang magisip.

"Thanks Jean, I will tell you soon" tumango lang ako sa kanya.

" Wait! Don't tell me it's about a girl?"  pagbibiro ko sa kanya kaya napasimangot lang siya,natawa naman ako sa reaksyon niya dahil para siyang inagawan ng candy.pftt haha.

"Ewan ko sayo kung ano anong pumapasok dyan sa utak mo." nakabusangot niyang sabi sa akin kaya hindi ako natigil sa pagtawa.

"What? I'm just asking, you're being defensive." natatawang sagot ko sa kanya.

"Shut up,will you?!" naiirita na talaga siya kaya tumigil na ako baka mas lalo pang magalit.Napansin ko naman na madilim na sa labas kaya humarap ako kay John at nagtanong.

"Anong oras pala uuwi sila mom?" tanong ko. Nagkibit balikat naman siya kaya sinabi kong oorder na lang kami ng pagkain. Siya na ang tumawag para umorder dahil nasa taas ang cellphone ko.

Kumain na agad kami pagkarating ng order. Tahimik lang kaming kumain at pagkatapos namin ay ako na ang naghugas ng pinagkainan dahil umakyat na agad siya sa taas. Hinayaan ko na lang siya dahil baka nga seryosong seryoso ang problema niya.

Umakyat na din ako pagkatapos kong maghugas ng plato. Napadaan ako sa kwarto niya at nakita kong bahagyang nakabukas ang pinto niya kaya lumapit ako doon at narinig kong parang may kausap niya.

"Ewan ko pare pati ako nahihirapan, panigurado akong masasaktan siya kapag nalaman niya 'yon." rinig kong sagot niya sa kabilang linya kaya nagtaka ako kung sino ang tinutukoy niya kaya mas pinakinggan ko iyong mabuti.

"Hindi ko na alam pare,hayaan mo muna akong magisip ng paraan para hindi magtapo ang landas nila ni Jean" tila nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pangalan ko.Naguguluhan ako kung sino ang ayaw niyang makatagpo ko ng landas.'may tinatago ka ba sa akin john' tanong ko sa isip ko at nagsimula ng magsalubong ang kilay ko dahil parang may hindi siya sinasabi sa akin.

"Sige na pare bukas na lang ulit, tatawagan na lang kita" Sabi niya sa kausap at binaba ang telepono. Umalis na ako sa tapat ng kwarto niya at pumunta na lang sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama at inisip kung anong ibig sabihin ng lahat ng yun.

Kaya ba tahimik siya kanina kase ayun yung iniisip niya? Anong ibig sabihin non? Hindi ko mapigilang magbuo ng tanong sa isip ko dahil naguguluhan ako at sigurado akong ako ang tinutukoy niya hindi ako pwedeng magkamali.

Anong tinatago mo John?

Itutuloy..
➖➖➖

@zachyy

A chance to Love Where stories live. Discover now