CHAPTER 2

55 5 0
                                    

****

JEAN'S POV

Lumabas na agad ako ng bahay at dumiretyo sa garahe nilabas ko ang black ducati ko para sana pumasok. Isusuot kona sana ang helmet ko ng may pumigil sakin pagtingin ko si John pala.

Nainis ako ng makita ko siya kaya binawi ko ang kamay kong hawak niya. Hindi niya manlang pinigilan si dad sa gusto niya.

"You knew about this but you didn't even tell me, huh!? - galit kong sabi sa kanya.


Hindi agad siya nakasagot dahil sa tono ng pananalita ko. Nakabawi agad siya sa pagkakagulat kaya hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sakin ng seryoso.

"Jean, believe me kagabi kolang nalaman ang tungkol dito sasabihin ko sana sayo kaso tulog kana kaya hinayaan kona lang si dad na magsabi sayo, sorry jean."- mahinang sambit ni john.

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya, hindi niya rin naman mapipigilan sila dad sa gusto nila eh Kaya Wala akong rason para magalit sa kanya.

"Wala nakong magagawa nangyare na eh."- ako

"Sisiputin mo ba siya mamaya?"- tanong niya.

Nagisip muna ako saglit sa naging tanong niya ngunit Wala akong ibang maisip kundi ang pumunta dahil wala naman akong magagawa sa gusto ni dad ngayon baka mas lalo lang siyang magalit sa akin.

"Well, like what dad said earlier i can't do anything but to follow him this time, and besides its just a simple meet up, don't bother, I'll be fine."- nginitian ko siya para masigurong magiging maayos lang ako.

"Galit kaba sakin dahil hindi ko sinabi agad sayo?"- marahang tanong ni John.

Napatingin ako sa kanya pagka tanong niya non. Sa totoo lang hindi ko rin naman siya masisisi naunahan lang siguro siya ni dad.


"Hindi ako galit John nabigla lang ako kanina, sorry." niyakap ko siya para hindi na siya magalala.


Mahal na mahal ko ang kakambal ko at hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagal dahil siya lang yung palaging andyan para intindihin ako, kahit salungat si John sa lahat ng gusto ko palagi niya pa din akong sinusoportahan sa lahat kaya hindi na ako magtatakang ganon nalang ang galit ni dad sa akin kanina dahil nga hindi siya pabor sa gusto kong maging propesyon.

Pero anong magagawa ko kung ito ang gusto ng puso ko. Kahit ipilit ni dad ang gusto niya hinding hindi ako magiging masaya.

****

@zachyy

A chance to Love Where stories live. Discover now