CHAPTER 5

29 5 0
                                    

****

Napaayos naman ng tayo ang mga kasama niya dahil sa biglaang pagdating ng prof at tumingin siya sakin bigla akong inakbayan.

Pansin kong masyadong mahigpit ang pagkakaakbay niya sakin ngumiti siya sa prof. namin at tumingin sakin ng may pagbabantang tingin, malamig kolang siyang tinignan at ang kamay niyang nakaakbay sa akin.

"Ahh wala naman ho sir may pinaguusapan lang ho kami nitong mga kasama ko, diba?" - tanong niya sa akin at binigyan ako ng may pagbabantang tingin. Kaya napatango nalang ako sa prof.

"Are you sure? Kanina parang hindi kayo okay eh."- si prof.

"Oo naman ho sir, masyado lang namin namiss ang isa't isa"- ngiting asong sabi niya.

"Ganun ba? Oh sige pumasok na kayo sa mga classroom niyo pagtapos niyo diyan."- Prof.

"Yes sir."- nakangiting sabi nitong tyron.

Umalis na ang mga nakakausisa kanina at kami nalang ang natira dito. Hinatak ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin at pabalang na binitawan.

Nabigla naman siya sa ginawa ko at ang mga kasamahan niya. Nakabawi agad siya at tumayo ng tuwid nakangisi siyang lumapit sa akin.

"Tama nga sila, masyado kang matapang. Pero babae ka pa din, kaya mag ingat ingat ka sa mga babanggain mo" - hindi ko alam pero medyo kinilabutan sa tono ng pananalita niya.


Pagkatapos non umalis agad sila at naiwan ako ditong tahimik na nakatayo nakitabko din si nerd at lumapit ako sa kanya. Nakatingin lang siya sakin kaya napakunot ang noo ko sa inasta niya.


"Are you okay?"- tanong ko.


Medyo nabigla yata siya dahil kinakausap ko siya. Pero hindi ko siya namumukaan dahil muka din siyang transfer.


Napaayos siya ng tayo at ngumiti ng pilit.


"Ah oo ayos lang, salamat nga pala" - napataas ang kilay ko sa sinabi niya, masyado siyang gwapo para maging nerd. I mean, masyadong malaki ung eye glasses niya tapos sobrang puti niya pa.


"That's fine, wag mo na lang ulit sila hayaang gawin sayo yon"- sabi ko.


"Salamat ulit, mauuna na ako sayo." - nerd.


Napatigil ako sa paglalakad dahil nagulat akong kilala niya ako. Binalewala ko na lang iyon at nagpatuloy nako sa paglalakad at pumunta sa canteen.


Pumila agad ako at pumili ng makakain. nang makabili ako ng pagkain ay humanap agad ako ng pwesto ko at nakita kong may bakanteng upuan pa sa dulo kaya umupo na agad ako duon.

Tahimik lang akong kumakain ng maramdaman kong may umupo sa harapan ko. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko si nerd.

Maraming studyante ang napatingin sa pwesto namin dahil may naglakas loob na namang lumapit sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi sila pinansin.

"It is okay with you to share your table?"- nahihiyang sabi ni nerd. Kaya tumango nalang ako dahilan upang mas lalong magsinghapan ang mga tao sa paligid tinignan ko naman sila kaya nabalik sila sa ginagawa nila.

Masyado naman yata silang OA. Napatigil ako sa pagkain ng makita ko sa entrance ng canteen ung kaninang mga ulupong at pansin ko ang mga studyanteng nagningning ang mga mata.

Hindi ko sila masisisi may mga itsura namang ipagmamalaki ang mga ulupong nato.

Pinagpatuloy kona lang ang pagkain dahil wala akong balak na maging isa sa mga babaeng nagkakandarapa sa mga ulupong na yan.

𝒃𝒐𝒐𝒐𝒈𝒈𝒈𝒔𝒔𝒔...

Napaangat ako ng tingin ng may nagbagsak ng isang tray sa table ko. Pagangat ko ng tingin nakita ko si tyron na nakangisi sa akin.

Hay nako mukang hindi makukumpleto ang araw nato ng hindi ako nabubwisit ng mga taong to. Hindi kona lang sila pinagtuunan ng pansin at tinuloy ang kinakain ko. Nabigla ako ng bigla nalang niyang kinuha ang juice at binuhos na akin. Maraming nagulat sa ginawa niya dahil wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Masyado kang matapang yan ang nababagay sayo." nangaasar na sabi niya.

Fuck.

Paano na to wala akong pampalit. Nakakainis ano bang problema nila.

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy ang pagkain, hindi alintana sa akin ang basang damit at ang mga nagugulat na tingin ng iba kaya mas lalong naasar si ulupong at gigil na hinawakan ako sa kwelyo at sapilitang itinayo makikiawat sana si nerd ng tinignan ko siya na sinasabing -don't-you-dare- look kaya wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa pagkakaupo tinignan ko naman ang lider ng mga ulupong ng malamig. Nanlilisik ang mata niya.

As if i'm scared.

"Sinusubukan mo talaga ako akala mo masisindak mo ko sa pagyayabang mo."- galit na sambit niya.

Mas idiniin niya pa ang pagkakahawak sa kwelyo ng jacket ko kaya medyo nasasakal ako. Hinawakan ko naman ang kamay niya at tinanggal yon ng walang kahirap hirap.

"Sino sa atin ang mayabang?" natatawang sambit ko dahilan upang mas lalo siyang nanggalaiti sa galit kaya sumugod agad siya sakin at susuntukin niya na sana ako ng mahawakan ko ang kamao niya, pinilipit ko ang kamay niya dahilan para magsisigaw siya na parang may nabaling buto sa kanya.

"You bitch!! You're gonna pay for this!" mas lalo siyang nagalit sa ginawa ko kaya naman sumugod ulit kaya lang naunahan ko ulit siya.

Maraming nakikiusisa sa nangyayare kaya naman biglang may dumating na prof. ung prof. kanina.

"Students what is happening here?! - sigaw niya.

Napaatras naman yung ibang nakikiusisa dahil sa biglaang pagsigaw niya. May estudyante naman na naglakas loob na magsabi kung anong nangyare.

"Sir si Tyron po ang nauna, bigla na lang po niyang binuhusan ng juice si Amber." sagot ng isang 3rd year student.

"Sinasabi ko na nga ba eh, kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko sa inyong dalawa. You two, to the guidance office now." napabuga na lang ng hangin dahil sa sinabi niya.

Matapos non kinausap kami ni sir at pinagalitan. Hindi na pinatawag ang magulang namin dahil first day of class baka makasira sa image ng school.

Pinapunta lang kami sa detention room at pinaglinis. Nakapagpalit na din ako ng damit dahil pinahiram ako ni nerd dahil may extra siyang damit sa locker niya.

****
@zachyy

A chance to Love Where stories live. Discover now