CHAPTER 24

16 2 0
                                    

➖➖➖

Kinabukasan maaga akong nagising dahil naisipan kong mag jogging dahil matagal na nung huli akong magjogging sa village namin.

Nagbihis lang ako ng black leggings at sports bra at rubber shoes. Pinusod ko na lang ulit ang buhok ko at lumabas na ng kwarto.

Sinilip ko muna si john at nakita kong natutulog siya kaya nagiwan muna ako ng note sa may fridge pagkababa ko.

Wala sila mom ngayon dahil pumunta sila sa Paris para bisitahin si grandma dahil nagkasakit ito, yung mama ni papa. Gusto sana kaming isama ni mom kaso ayaw namin ni John, mahirap na walang tao sa bahay kahit sabihin pang may mga guards na nagbabantay.

Anyways, nagsimula na akong magjogging. Medyo madilim pa dahil 5:45 pa lang naman kaya medyo malamig pa ang simoy ng hangin habang tumatakbo ako.

Medyo malayo na ang narating ko kaya umupo muna ako sa isang bench sa hindi kalayuan,tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na at nakita kong 6:30 na pala,so 45 mins na din pala akong nagjojogging kaya pala malayo na ang narating ko,hindi ko na namalayan dahil hanggang ngayon hindi ko pa din maalis sa isip ko yung narinig ko kay John kagabi.

Malinaw sa akin na pangalan ko yung binanggit niya pero hindi ko din maiwasang isipin na baka kapangalan ko lang 'yon.

Inalis ko na sa isip ko iyon at nagsimula na ulit magjogging.

Malawak itong village namin kaya naman malaya akong makapagjogging kahit saan,may park din dito pero medyo malayo sa bahay namin, siguro kung lalakarin malayo siya.

Tumigil muna ako saglit ng mapansin kong natanggal yung sintas ng sapatos ko kaya umupo muna ako ulit sa isang bench na nakita ko at inayos ang pagkakatali ng sintas ng sapatos ko,malapit ng sumikat yung araw kaya medyo mainit na yung singaw ng hangin.

➖➖➖

Pagkauwi ko, naabutan ko si John na nakahiga sa sofa at mukang malalim ang iniisip. Mukang hindi niya pa ako napapansin dahil tulala lang siya at nakatingin sa kisama kaya naman napatingin din ako doon at binalik sa kanya ang tingin na ganun pa rin ang posisyon. 'i wonder what is he thinking' kagabi pa siya ganyan. Gusto ko naman sanang tanungin siya kaso baka magalit na yan katulad kagabi kaya hihintayin ko na lang siya magsabi sa akin.

Hinayaan ko na lang muna siya doon at dumiretso na sa kwarto para maligo dahil sobrang lagkit na ng katawan ko dahil sa pawis.

➖➖➖

Pagkababa ko hindi ko na nakita si John sa may sofa 'baka nasa kwarto' pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig sa fridge ng makita ko ang isang note galing kay John binasa ko ito kaya napatango na lang ako.

'May pupuntahan lang ako saglit,wag kang lalabas,love you sis'

-john.

Yan ang nakalagay sa note niya 'okay' sagot ko sa isip ko,sana naman pagbalik niya sabihin niya na kung anong problema niya para matulungan ko siya.

➖➖➖

Andito ako ngayon sa kwarto ko at nagbabasa ng libro ng marinig ko ang sasakyan ni John sa labas Kaya sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang palabas na ng kotse niya kaya umupo na ulit ako sa kama at tinuloy ang pagbabasa ng libro.

Nakaramdam ako ng antok kaya sinara ko na ang librong binabasa ko at humiga muna, pumikit na ako at hinayaan hilahin ng antok,ang huli ko na lang natandaan bago ako makatulog ay ang pagpasok ng kung sino sa kwarto ko 'si John siguro' at naramdaman kong umupo siya sa kama ko at ang malambot niyang labi sa aking noo at ang salitang minsan ko lang marinig sa kanya bago ako tuluyang hilahin ng antok.

"I'm sorry jean"

➖➖➖

JOHN POV

"I'm sorry Jean" pagkasabi ko non ay tuluyan ng pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan ng makita ko ang muka niyang mahimbing na natutulog. Hinalikan ko siya sa noo at inayos ang buhok niyang bahagyang tumabing sa mala anghel niyang muka.

"Patawarin mo si kuya dahil wala akong magawa para sumaya ka ulit, gustong gusto kong sabihin sayong nakita ko na ulit siya kaso natatakot ako Jean,takot na takot ako"  naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa, pagdating sa kanya nagiging mahina ako.

"Natatakot ako sa mung anong mararamdaman mo Jean,ayokong tuluyan kang magbago.Ayokong lamunin ka ng galit Jean, natatakot ako na baka magalit ka sa mundo dahil sa mangyayare, hindi ko hahayaang mangyare yun sayo." pinagmasdan ko lang ang muka niya at hindi ko maiwasang maawa sa kanya dahil sobrang tagal niyang nalungkot,ayaw niyang ipakita sa tao na mahina siya. Sobrang tagal ko siyang pinagmamasdan sa pagbabago niya, limang taon kong tiniis na makita siyang nagbabago dahil sa nasasaktan siya.

'Masaya ako na buhay siya Jean,hindi siya tuluyang kinuha sa atin,pero ang walang kasigurahang babalik pa ba siya sayo ang iniisip ko dahil alam kong hanggang ngayon Mahal na Mahal mopa din siya' bulong ko sa isip ko bago ako tuluyang lumabas sa kwarto niya.

"I'm sorry Jean"

➖➖➖

A chance to Love Where stories live. Discover now