CHAPTER 9

24 3 0
                                    

JEAN'S POV

Pagkagising ko dumiretyo agad ako ng banyo at naligo.

Pagtapos ko ay  nagbihis na agad ako dahil baka malate ako. Eh ano naman kung malate ako. Tss.

Habang nag aayos ako naramdaman kong may pumasok sa pintuan ngunit hindi kona iyon nalingon dahil alam kong si John yon.

"Aalis kana?" - tanong niya pagkaharap ko sa kanya. Tumango lang ako sa tanong niya at tipid na ngumiti.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako, medyo nabigla ako dahil minsan lang mag lambing si john ng ganto kaya hinayaan ko lang.

"Wag kana pumunta Jean please." - pagmamakaawa niya habang nakayakap.

Yumakap ako pabalik sa kanya at napangiti na lang dahil naaalala ko na naman ang kalokohan namin ni John.

"Naalala mo pa ba John nung nagpanggap kang waiter dun sa restaurant na kinainan namin ng naging fiance ko? "- natawa din siya sa naging tanong ko.

" Tinapunan mo siya ng juice sa damit niya tapos nagalit siya sayo pfft sobrang epic ng muka niya non haha tapos nalaman niya na kapatid kita kaya inurong niya yung agreement nila ni dad"-natatawang sambit ko upang pagaanin ang loob niya.

Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat, sobrang lawak na ng ngiti niya kumpara kaninang halos pinagsakluban ng langit at lupa.

"Ano kaya kung gawin ko ulit yun Jean?"- napatigil ako sa pagtawa matapos niyang sabihin iyon at tinignan siya Ng seryoso.

"No John, we're not going to do anything this time John. Promise me, you won't do anything. Dad will get mad at you John."- seryosong saad ko.

" Okay lang magalit si dad Jean, ayaw ko lang ipilit niya yung gusto niya tapos hindi naman pabor sayo. "- nakakunot noong sambit niya.

"John please, stop being like this. We will follow him this time huh."- ako.

"But Jean, he's being unfair to you."- inis na sambit niya.

"Shh no more buts. I'm still going"

"Kainis"

Natawa na lang ako sa kaartehan niya.

"Don't you trust me John? I'll be fine, besides it's just a simple meet up. We're just going to meet each other that's all."- pagpapaintindi ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim at medyo napasabunot sa kanyang buhok dahil sa frustration.

"Bahala kana nga kung ayan ang gusto mo pero kapag may ginawang masama sayo yang lalaki na yan sabihin mo agad sakin huh?"- nakabusangot na paalala niya.

Napangiti nalang ako dahil sa inasta niya.

"Sige na lumabas kana dun susunod na ako mag aayos lang ako saglit. Pakisabi na din kay manong driver magpapahatid ako, tinatamad ako mag maneho."- habilin ko sa kanya at tumango lang siya.

Pagkalabas niya ng pinto itinuloy ko na ang pag aayos ko sa aking buhok. Nang matapos ako kinuha kona ang aking cellphone at pouch.

Pagkababa ko naabutan ko si John na nakaupo sa sala at nanonood ng tv. Tumayo naman siya ng makita ako.

"Are you still going? You can still change your mind." taas bang kilay na sabi niya.

"You're not helping."

"Ang panget mo Jean" - sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

" Tss mas panget ka"- natawa kami pareho dahil sa kalokohan namin.

"I wonder what my fiance looks."

"Tsh mukang unggoy malamang" natatawang saad niya. Kaya inirapan ko lang siya.

"Sige na aalis na ko, lock the door" - humalik ako sa kanyang pisngi at umalis na.

"Magiingat ka ha, yung sinabi ko sayo kanina wag mong kalilimutan."- paalala niya.

Sumaludo lang ako sa kanya at lumabas na. Nakita ko si manong driver na nagiintay sa akin sa may tapat ng kotse.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at saka sumakay.

****

A chance to Love Where stories live. Discover now