CHAPTER 29

14 4 2
                                    

➖➖➖

John's POV

Kakauwi ko lang sa bahay at napansin kong parang hindi pa nakakauwi si Jean sa bahay dahil wala pa yung motor niya sa garahe.

"Ahh manang nakauwi na po ba si Jean?" tanong ko ng makasalubong ko si manang.

"Ayy naku hindi pa nga eh, dapat kanina pa ang uwi nun kaso naunahan mo pa siya" nagaalalang sabi ni manang kaya sinabi ko sa kanya na hahanapin ko si Jean para hindi na siya mag alala pa.

"Oh siya sige Basta mag iingat ka din ha, wala Naman sanang may mangyareng masama sa alaga ko"

Nagpaalam na ako at umalis. 6: 45 na kaya dapat andito na siya kanina pa, nalate lang ako ng uwi dahil may ginawa kaming report kanina pero naunahan ko pa din siya umuwi.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa habang nagmamaneho at tinawagan siya.

"Hello?" sagot ng kabilang linya.

"Do you know where is jean or nakita mo ba siya kanina sa campus?" tanong ko sa kanya dahil nagbabakasakali akong baka Alam niya kung nasan ang kapatid ko.

"Huh?I thought umuwi na siya kanina sa bahay niyo. Nakasalubong ko kase siya kanina around 2 in afternoon, then I ask her where is she going and she answered me that she's not feeling well so that uuwi na siya. Actually I ask her that I will drive her home but she refused,so I let her that's all man." mahabang lintaya niya. Pero wait? Jean is not feeling well? She should go home but where is she.

"Okay thanks, sorry din sa abala Chris. I'll find her." i hanged up my phone and put it on dashboard.

Habang nagmamaneho ako nakita kong umilaw ang cellphone ko at nakita ko ang mensahe ni Chris.

I will help to find her too man. I'm worried.

Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong magpupumilit lang siya.

Kung saan saan ko hinanap si Jean pero hindi ko pa din siya nakita. Halos libutin ko na ang buong city, nakailang tawag na din ako sa kanya pero out of coverage.

Inisip ko kung saan pwedeng pumunta si Jean.

Sa park..

Tama sa park. Stupid me bat ngayon ko lang naisip yun. Pumunta ako sa park na palagi naming pinupuntahan nung mga bata pa kami.

Ngunit nabigo ako ng pumunta ako doon, dahil hindi ko siya nakita doon.

Bumaba muna ako saglit at nagbabakasakaling andito siya.

Hindi na ako nagtagal doon dahil walang Jean akong nakita doon.

***

Chris POV

Natakot agad ako ng malaman kong hindi pa umuuwi si Jean sa bahay nila, I should drive her home.

Napasabunot ako sa buhok ko ng hindi ko pa din siya makita, pumunta na din ako sa bookstore na palagi niyang pinupuntahan. Siguro nagtataka kayo kung bakit ko Alam, dahil palagi din akong nakasunod sa kanya alam kong nararamdaman niya yun pero hinahayaan niya lang.

Mahigit isang oras na akong nagiikot at wala pa ding bakas ni Jean akong nakikita. Nagaalala na ako.

Tinawagan ko si John at kinamusta ang paghahanap kay Jean at gaya ko ay hindi niya pa din ito nakikita.

Asan ka na ba Jean?

Tumigil ako sa isang park at nagbakasaling makikita ko siya doon.

Pagkababa ko,i suddenly remembered our childhood days.This place change a lot. I wonder if she still remembered those memories.

A chance to Love Where stories live. Discover now