CHAPTER 13: The wedding dress

189 5 0
                                    

Sinipat ni Lacy ang sarili sa full length body mirror nang matapos siyang ayusan. She was wearing her long white wedding dress. Na hindi niya alam kung magkano ang presyo nun at alam niyang mahal iyon, dahil na rin sa mga nakakabit na pearl diamonds and beads at hindi lang iyon may design pang rosas na nakapulupot sa kanyang kanang bewang.

Hindi niya maiwasang purihin ang sarili. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at kaunting make-up lang ang inilagay sa mukha niya dahil iyon ang request ni Rafael.

Ayaw na ayaw daw nito sa maraming kalurete sa mukha dahil baka ibang babae na daw ang mapakasalan niya.

She looks gorgeous and stunning!

Yes araw ng kasal niya! She was nervous! Hindi siya mapakali kanina pa. Gusto niyang tumakas na alam naman niyang impossible iyon..

Imbes na saya ang maramdaman niya kundi pagkalito at takot ang humahalili sa buong pagkatao niya.

She was sure of it! Mas may karapatan na ngayon si Rafael sa anumang kapangahasang gagawin nito sa kanya!

Handa na nga ba siyang isuko ang sarili?

Mga katok sa pinto ang nagpatigil sa humihiyaw niyang utak.

"Iha, can I come in?" tinig iyon ng ama.

"Y-yes dad!" mabilis niyang sagot at pumasok na ito.

"P-parang kailan lang anak ngayon ikakasal ka na." mangiyak-ngiyak na wika ng ama.

Humarap siya sa ama at nakita ang lungkot sa mga mata nito.

Nakaramdam siya ng awa sa ama. Alam niyang hindi nito gusto ang pagkakasal kay Rafael.

"Dad, it's okay you don't have to worry anymore." nakangiting sabi niya na gusto niya lang maging panatag ang loob nito.

Tumango-tango naman ito.

"You're beautiful darling. Can I hug you?"

"Sure dad!" kaagad niyang binigyan ito ng mahigpit na yakap.

Naramdaman niyang yumogyug ang balikat nito. "Let's go iha, ayoko ng magdrama baka masira ko lang ang kasal mo." natatawang wika ng ama atsaka bumitaw na din sa yakap.

"Dad, ikakasal lang naman ako hindi naman ako mawawala sa inyo."

Tumango-tango ang ama bagamat nakita niya ang mamasa-masa nitong mga mata

Alam niyang nagpipigil itong umiyak.

Nakaramdam siya ng bikig sa lalamunan. Kailangan niyang magpakatatag.

"Let's go iha." pilit na ngiti ng sinabi ng ama at iminuwestro ang siko nito at kaagad naman siyang kumapit.

Inihatid siya nito hanggang sa labas at nagsimula ang tugtog nang tuluyan na siyang makalabas.

The wedding venue was held near outside the house 400 meters away from the shore magtatakipsilim na din.

Napatayo ang mga bisita nang makita siyang papalapit sa kanyang groom. Maraming bulaklak at magagandang dekorasyon sa paligid.

Ang papalubog na araw ang nagbigay kaaya-aya sa paligid. And it was breathtakingly beautiful!

Katamtamang lakas ng hangin ang pumapalibot sa katawan niya which is natural and refreshing.

First time niyang maka-encounter ng ganitong event.

Napakaraming tao ang imbatado na malamang nasa mahigit dalawampung daan katao iyon. Mula sa mga hindi kilalang mga bridesmaid, groomsman at mga batang abay. Malamang ang mga malalapit na kamag-anak ni Rafael ang mga iyon.

The Major EngagementWhere stories live. Discover now