CHAPTER 18: The university

188 3 0
                                    

Lumipas ang mga araw ay pasukan na sa unibersidad. Kahit ayaw ni Lacy ang kursong kinuha ay wala siyang ibang choice kung hindi ang pumasok.

At sa mga araw na nagdaan simula 'nung huling pag-uusap nila ni Rafael sa puntod ng mga magulang nito, ay tila naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya.

Ni hindi na rin sila magkasabay kumain at lalong-lalo ng hindi niya alam kung saan-saan ito nag tutungo.

At nalaman niya na umalis ito ng bansa at hindi niya alam kung kailan babalik.

Pakiramdam niya wala siyang silbi sa buhay nito kasi hindi man lang ito magpaalam sa kanya tuwing aalis ito at pupunta ng malayo.

Dapat maging masaya siya kasi iniiwasan siya nito pero bakit nalulungkot siya?

Si Editha na lang ang nakakausap niya nang madalas sa loob ng mansion.

At dumadalaw naman ang kanyang ama pero umuwi din ito kaagad. Tinatawagan naman niya ang yaya Nelia niya pero ewan ba niya kung bakit nakakaramdam pa rin siya ng lungkot.

Nakasuot na siya ng uniporme ng unibersidad kasi lunes. At bumaba na siya para mag-almusal.

Habang papalapit siya nang papalapit ay tila kumabog ng mabilis ang dibdib niya nang makita ang likuran ni Rafael na naka-upo ito sa lamesa.

Lumiwanag ang mukha niya ng makita ito.

Pero nagtataka siya hindi ba't umalis ito ng bansa? Pero ano itong nakikita niya?

Habang papalapit siya nang papalapit ay nawala ang pagkasabik niya ng unti-unting nawala ang pigura nito.

Bakit nawala ito? Saan ito nagpunta?

Marahil nag-iilusyon lang siguro siya.

Hindi kaya ang ibig sabihin 'nun ay namimiss na niya ito?

Ipiniksi na lamang niya ang isipang iyon.

As usual mag-isa na naman siyang kakain ng almusal.

Habang kumakain siya ay hindi niya mapigilan ang hindi lumuha.

Sobrang nahahabag ang pakiramdam niya na sa tingin niya nag-iisa lang siya.

Kahi masasarap ang mga nakahain sa lamesa at hindi niya malasahan ang mga iyon.

Iba ang gusto niya hindi sa ganoong buhay!

Tinapos na niya ang kumain at nagdesisyon nang tumayo para makapasok na siya sa unibersidad.

Ihahatid siya ng mga bodyguard ni Rafael.

Habang nasa byahe sila doon na niya ibinuhos ang luhang kanina pa niyang tinitimpi.

Ang bigat, sobrang bigat ng pakiramdam niya!

Tahimik siyang humihikbi sa sasakyan. Kung pwede nga lang hindi na lang siya papasok dahil nawawalan siya nang ganang mag-aral. Kahit unang araw pa lang ng pasukan iyon parang ayaw na niyang tumuloy.

Nang sa tingin niya na malapit na siya ay inayos na niya ang kanyang sarili at pinunasan ang kanyang mga luha.

At nang bumaba na siya sa sasakyan ay mukhang susunod pa ang mga bantay niya. Pero naki-usap siya huwag na silang samahan at doon na lang sila sa labas magbantay.

Nagkatinginan pa silang apat kung papayag ba sila na huwag na siyang sundan. Kabilin-bilinan daw kasi ni Rafael na samahan siya kahit saan. Hindi niya alam na may concern pa pala ito sa kanya. Pero nasaan nga ba ito? Ni hindi nga siya nito magawang kamustahin kahit tumawag man lang sana siya nito.

Sinabi naman niya na wala namang masamang mangyayari sa kanya sa loob.

Mabuti na lang at napapayag niya ang mga ito na huwag na siyang sundan.

The Major EngagementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon