CHAPTER 15: The honeymoon

238 5 0
                                    

"S-sandali a-anong gagawin natin?" natataranta na tanong ni Lacy kay Rafael nang maingat na ibaba siya nito sa ibabaw ng kama.

"Isn't it obvious my dear wife?" nakangiting tugon nito.

Nanginginig ang katawan na tumayo siya at lumayo ng kaunti kay Rafael.

"R-Rafael I can't hindi pa ako handa." she said while biting her lips.

Tumawa ito sa sinabi niya na ikinanuot ng noo niya.

"Come, here my innocent wife." utos nito.

Nag-alangan siyang sundin ang ipinauutos nito pero sumunod na lang din siya.

Nakaupo ito sa ibaba ng kama at kusa na nitong hinila ang kamay niya at pinaupo siya nito sa mga hita nito.

Hinawakan nito ang baywang niya.

Ngumiti ito at hinawakan ang kanyang baba. "I know. I'm willing to wait."

Tinitigan niya ito. Hindi naman kaya nagbibiro lang ito?

"P-pero bakit dinala mo ako dito?" Nagtatakang tanong niya.

"Why? Gusto ba ng asawa ko?" he said and tried teasing her.

Nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito.

Ang lakas din ng kabog ng dibdib niya sa mga sandaling iyon, na hindi niya mawari kung anong dahilan.

Possible kaya na dahil sa takot?

O baka naman dahil tinatangi na talaga ng puso niya ang asawa?

Asawa? Oo nga pala asawa na nga pala niya si Rafael.

"I only want to have privacy with you for just a few hours. Let's make this night special because we just got married."

"P-pero bakit dito pa?"

"Didn't you feel the beautiful ambiance of this place? Or were you just scared of me?"

Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Hindi naman talaga niya alam kung para saan siya natatakot.

"Hindi ba sinabi mo na gusto mo na munang makatungtong ng kolehiyo?"

Kailan niya sinabi iyon? Parang wala naman siyang maalala.

Tumango-tango na lang siya bilang sagot.

"My dear wife, you are beautiful. I don't want to ruin you and I am not selfish as you think, I even wanted you to fulfill your dreams. Hindi kita pinakasalan para lamang maging isang puppet ko."

She burst out with tears because Rafael understands her.

"Shh, stop crying, this is our special night."

"You don't know how scared I was Rafael!"

"You do? Do I look like a monster to you?"

"Hindi! Hindi sa ganun natatakot ako sa ganung bagay because I am not yet ready!" hagulhol niya.

"I told you I understand you,"

"Oh, God, Thank you!"

"You don't have to, I told I want you to pursue things first before anything else, sweetheart." nakangiting sabi nito at hinawakang muli ang kanyang baba mula sa kanyang pagkakayuko.

Kusa na lang muling tumulo ang mga luha niya.

Pinunasan iyon ng asawa gamit ang daliri nito.

"Shh, sweetheart I don't want to see you like this, don't ruin the night." nagsusumamong sabi nito kasabay niyon ay ang pagyakap nito sa kanyang baywang.

The Major EngagementDonde viven las historias. Descúbrelo ahora