CHAPTER 17: Kill her dreams

216 6 0
                                    

"Sweetheart, wake up. It's your enrollment day,"

Naalimpungatan si Lacy nang marinig ang boses ni Rafael sa kanyang tabi.

At nang imulat niya unti-unti ang mga mata ay nakita niyang nakangiti ito.

Nakatukod ang isang kamay nito sa ulo nito habang nakahiga ang katawan nito.

Nakaligo at nakabihis na rin ito.

Napaka-presko nitong tignan. Rafael is a handsome man with a well-developed physique.

Nakaramdam siya nang hiya dahil nakabihis na ito.

Samantalang  siya ay bagong gising lang.

Ganoon ba talaga ito kaaga nagigising?

At siya kulang ang tulog niya dahil mahapdi ang kanyang mga mata.

Nakaramdam din siya ng sakit sa mga binti dahil sa maghapon siyang tinuruan ni Rafael mangabayo sa rancho nito.

Parang lalagnatin din ang pakiramdam niya.

"What time is it?" tanong niya.

Hinawakan nito ang tungki ng kanyang ilong. Ewan ba niya nagiging paborito nitong hawakan iyon.

"It's quarter to five," anas nito at hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha at iniipit nito iyon sa kanyang punong tainga.

"What!? I think m-masyado pang maaga para sa enrollment." hindi makapaniwala na sabi niya.

"Didn't I say yesterday that we were going to visit my parents' grave before we go to the university?"

Oo nga napag-usapan nila kahapon na dadalaw sila bago siya mag-enroll sa unibersidad ng Santa Elena. Pero hindi naman niya alam na ganun kaaga siya nito gigisingin!

Parang nasasanay na siya na pinupuntahan siya ni Rafael sa kanyang silid ng ganun kaaga.

Siguro dahil negosyante ito kaya nakasanayan na lang ng asawa niya ang magising ng ganun kaaga.Pero kapag sa gabi naman nagkakanya-kanya sila ng silid tulugan.

Asawa? Mukhang nakakasanayan na din niyang sabihin iyon sa kanyang isip.

"Kung hindi ka pa tatayo diyan, ako na ang magpa-paligo sayo," pilyong wika nito.

Sukat sa sinabi nito ay mabilis siyang tumayo ng kama at tinungo ang banyo.

Grabeng kabog ng dibdib ang nararamdaman niya sa sinabi nito.

Naririnig na lang niya ang mga halakhak nito.

"Take your time, sweetheart!" kapagkuwan sabi nito mula sa labas ng banyo.

Sinugurado niyang naka-lock naman ang banyo para hindi ito makapasok.

Nagmadali siyang naligo at nagbihis.

At nang matapos siya sa pag-ayos ng sarili ay bumaba na siya para sabayan sa almusal si Rafael.

Nang matapos sila ay tinungo na nila ang sementeryo kasama ang  dalawang bodyguard ni Rafael na nasa harap ng sasakyan at nasa gitnang upuan naman sila ni Rafael sa loob ng SUV.

At meron ding sasakyan sa kanilang likuran na sumusunod sa kanila at mga bodyguard din ni Rafael.

Tila napaso ang kamay niya nang walang paalam na hawakan nito ang kamay niya at pinagsalikop nito ang mga iyon.

Dinedma na lang niya iyon dahil nakakasanayan narin niya na hawakan nito siya sa kamay.

Naalala na naman niya sa tuwing dinadalaw nila ng daddy niya ang puntod ng kanyang ina.

The Major EngagementWhere stories live. Discover now