CHAPTER 16: Hacienda, Lacy Rose

197 6 0
                                    

Naalimpungatan si Lacy nang parang may humawak sa tungki ng kanyang ilong. At nang magmulat siya ng mga mata ay nanlaki ang mga iyon dahil bumungad sa harapan niya ang mukha ni Rafael.

Papaanong nasa loob ng silid niya si Rafael gayong naka-lock ang pinto niya?

Bakit pati panaginip kasama niya si Rafael? Nag-aagaw pa rin kasi sa kanya ang antok at karimlan kung kaya't muli niyang ipinikit ang mga mata.

Mukhang maaga pa naman at kung bakit antok na antok pa siya.

"Good morning sleepy head,"

No, panaginip lang ito. anang utang niya kung kaya't tumalikod siya rito.

"Hey wake up," sabi ulit nito.

"Stop, bothering me you impostor!" inis na wika niya.

Narinig niya ang malakas na halakhak ng isang impostor dahilan para tuluyan siyang magmulat ng mga mata.

"Are you still daydreaming, sweetheart?"

"R-Rafael! What are you doing here?" akmang babangon siya nang pigilan siya nito at dumagan ito sa kanya.

Nasama ang bigat ng katawan nito sa kanya dahilan para hindi siya makabangon.

"Hindi ba't sinabi ko sayong gumising ka ng maaga?"

Sinulyapan niya ang orasan sa wall clock and it was already eleven in the morning.

Lagot mukhang magagalit na naman yata si Rafael sa kanya.

"I-I'm sorry, I forgot to set my alarm clock," sabi niya na hindi makatingin ng diretso sa asawa.

Paano naman kasi ang lapit-lapit ng mukha nito sa kanya. Ilang na ilang siya sa mga tingin nito sa kanya na para siyang nalulusaw.

"No worries, its okay if we stay here the whole night." sabi nito at marahan nitong hinawakan ang kanyang pisngi gamit ang daliri nito.

Nakaramdam siya ng kiliti sa ginawa nito at kusa na namang pumikit ang mga mata niya.

Napamulat lang siya ng mga mata nang maramdam ang malambot na labi nito.

Sinakop nito ang kanyang mga labi.

Nagpumiglas siya sa ginawa nito pero hindi man lang siya nakawala mula sa pagkakadagan nito sa kanya, pero 'nung kalaunan na ay sumasabay na siya halik nito.

Iyon ang unang beses na hinalikan siya ni Rafael marubdob at mapusok.

Nakaliliyo ang sensasyong naidudulot ng halik nito.

Ganoon pala ang pakiramdam, nakakawala ng katinuan ang ginagawa nito.

Napapitlag siya nang bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg.

Para siyang naging tuod at hindi makakilos. Naghihintay na lang siya sa susunod na gagawin nito.

Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang tagiliran.

"Sweetheart, why are you so stiff? Don't you give me permission now?" anas nito at tumigil sa pagjalik sa kanyang leeg at umangat ang mukha nito.

Hindi siya nakapagsalita. May bahagi sa kanyang puso na gusto niya ang ginawa ni Rafael.

Hindi niya maitatanggi iyon dahil sa una pa lang na hinalikan siya nito ay nagpa-ubaya na siya.

Sinalubong niya ang mga titig ni Rafael at ang mga mata nito ay parang nagsusumamo.

Bakit kahit umaga ay napakagandang lalaki pa rin nito?

At siya ano ang itsura niya ng umagang iyon? Tila nahiya tuloy siyang titigan ito.

The Major EngagementWhere stories live. Discover now