CHAPTER 5: Engaged

351 11 0
                                    

"N-no I was just dreaming this isn't true." she said while her whole body was now trembling of fear.

Tinignan niya ang ama na hindi makatingin sa kanya.

At tila mas tuamda pa ito lalo.

Halos gusto na lang niyang magpalamon sa lupa nang sa ganun hindi niya na lang nalaman ang mga hindi dapat niya malaman.

"You're not dreaming, you heard everything." sarkastikong sabi ng binata.

Tinignan niya ang kaharap nang masama. "At paano kung hindi ako pumayag sa pagpapakasal sayo after two years!?"

"Well, if you refuse it , will your dad take the consequences ang makulong siya ng habambuhay?" tila bombang sumabog iyon sa kanyang pandinig.

No! Hindi pwedeng makulong ang ama niya.

Halos gusto na niyang panawan ng ulirat sa isiping makukulong ang ama!

"H-hindi naman kaya kalabisan na 'yang ginagawa mo Mr. Delgado?" tanong niya.

Napangisi ito. "If you were my shoes and someone stole millions in your company. Will you just let it go?"

Nagitla siya sa sinabi nito. Kunsabagay tama namna ito. Kung totoo man ang sinasabi ng binata na nagnakaw ang ama, malaking pera nga iyon at ayaw din naman niyang mawala lahat ang pinaghirapan niya.

Hindi siya naka-imik.

"See? Alam kong hindi mo rin gugustuhin na mawala lahat ang mga pinaghirapan mo dahil lamang sa pagnanakaw ng ibang tao " patutsada pa na sabi nito.

Tinignan niya ang ama na ngayon nakatingin na sa kanya.

"E-enough, Mr. Delgado! This isn't right! You have no right to do this to us!" bulyaw niya sa binata.

Ang kanina pang pinipilang luha ay kusa nang naglandas iyon sa kanyang pisngi.

"Goddammit," mahinang bigkas ng binata at umiwas ng tingin.

Huminga siya ng malalim at pinunasan niya ang kanyang mga luha dahil kung maaari ayaw niyang mapalahaw ng iyak sa harapan ng lalaki!

Ayaw niyang ipakita na mahina siya sa harapan nito.

Pero bakit ang kanyang na na nangakong po-protekhan siya ay tila para itong kuhol na nagtago sa lungga nito?

"Iha, ayokong magsakripisyo ka sa kasalanang ginawa ko hayaan mong ako ang magbayad nun." salungat ng ama at inalo siya.

"But how Henares? Ni wala ka ng trabaho at lalong lalo na ang mga negosyo mo na nakasangla na din ngayon. Kung pipiliin mong makulong then well tapos na ang usapang ito there's no need to fill up the contract.....Bukas na bukas din ihanda mo na ang sarili mo, sa kulungan na ang bagsak mo. Time wasted, let's go attorney." diretsahang sabi nito.

No! Hindi pwedeng makulong ang ama niya hindi pwede!

"Mr Delgado!"

Ang akmang pagtayo ng dalawa kaagad niya iyong tinutulan.

Tila aliw na aliw sa kanya ang binata. "What is it, Rose?" nagulat siya sa itinawag nito sa kanya.

Only her mother called her by that name.

Rose... Rose... Rose.....
tila musika iyon sa kanyang pandinig.

"I am willing to take all the risks." matapang na sagot niya.

"A-anak hindi mo na kailangang gawin 'yan ayokong masira ang kabataan mo dahil sa ginawa ko." hinawakan niya ang kamay ng ama at tinignan ito.

"Dad, kung anuman ang dahilan kung bakit nagawa mo iyon. I know there's a reason behind it at ayokong makulong ka, kayo nalang ang natitira kong pamilya at ayokong mawala kayo sakin." mangiyak-ngiyak na wika niya.

"Oh, Lacy, anak how lucky I am to have you both with your mother. Sobrang napakaswerte ko sa inyo. Pero ano itong ginawa ko? Naging makasarili ako."

"Don't worry dad, we will fix everything kung may paraan naman."

"Iha, I'm sorry." sabi nitong bumikig ang lalamunan.

"It's okay, dad." ngumiti siya bilang pagtugon sa sinabi nito at binitawan ang kamay ng ama.

Tumingin siya sa lalaki.
"P-pumapayag na ako, Mr. Delgado. But may I know your reason kung bakit mas ako pa ang gusto mong kabayaran kaysa ang ipakulong nalang ang daddy ko?"

Ngumiti ang lalaki sa sinabi niya. Ngiting hindi niya kailanman gugustuhing makita dahil may kasamang ngisi iyon.

"I like your question. You ask like business, manang-mana ka talaga sa ama mo puwera nalang syempre ang kalokohang ginawa niya." tinignan niya ng masama ang lalaki.

"About sa tanong mo kanina Rose, tama ka bakit hindi ko mas naisin nalang na ipakulong ang ama mo? Sabihin na lang natin a marriage for convenience, kung hindi ka marahil nagpakita ng araw na singilin ko ang ama mo malamang nakulong siya. As of now hindi mo pa marahil naiintindihan pero sa oras na makasal tayo doon mo maiintindihan ang lahat. Now sign the contract." may inilabas ang abogado.

Iyon marahil ang kontrata.

Naguguluhan siya sa sinasabi nito. Marahil ay hindi pa rin pumapasok sa kanyang isip ang lahat ng mga nalaman niya.

Hindi na siya nagdalawang-isip pinirmahan na niya ang dapat pirmahan maging ang kanyang ama.

"Good. Attorney, may I have the box." may inilabas ang abogado nito isang maliit na kahon.

Kinuha iyon ng lalaki at marahang lumapit sa kanya pumakabila ito sa mahabang mesa.

Binuksan nito ang kahon kasabay niyon napasinghap siya. Tumambad sa kanya ang isang singsing na hugis rosas na napapalibutan ng nagkikislapang dyamante at alam niyang mamahalin iyon.

Nagulat siya sa sumunod na ginawa nito.

Lumuhod ito at kinuha ang isa niyang kamay. Tila may kung anong kuryente na gumapang sa kanyang katawan.

Para siyang puppet na sunod-sunuran lang dito. Hindi humihiwalay ang mga mata niya sa binata. "Take this engagement ring as a sign that you're now mine. Sooner or later you will be my wife my beautiful Rose." pagkasabi nito'y isinuot nito ang singsing sa kanyang palasingsingan at hinalikan nito ang likod ng kamay niya.

Nag-init ang mga pisngi niya sa ginawa nito, ang lakas din ng kabog ng dibdib niya. Parang may mga bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa kanyang kamay.

Parang sila lamang ang tao sa paligid.

Tumayo na ito na hindi pa rin humihiwalay ang mga titig nito sa kanya na sa pakiramdam niya kanina pa siya nalusaw.

"Henares ,huwag kang magbabalak na itakas ang anak mo kahit saang lupalop pa kayo magtago hahanapin ko kayo." sabi nito sa ama, kasunod 'nun ay tumingin sa kanya."At huwag mo ng babalaking umalis ngayon, you're mine already at susundin mo lahat ng gusto ko. Do you understand?

Tumango-tango na lang siya.

Nanginginig ang buong kalamnan niya sa mga sinabi nito na parang anumang oras mabubuway siya.

"Let's go attorney." sabi nito.

Naiwan silang mag-ama sa loob na walang namutawing salita.

Nagulat na lang siya ng makitang humihikbi ang ama. Nabaghan siya sa nakikita niya ang ama sa ganung kalagayan.

"Patawarin mo ako, iha! Nilagay ko ang buhay mo sa alanganin."

Maging siya ang kanina pang tinitimpi niyang mga luha kusa na iyong naglandas.

"It's okay dad." pang-aalo niya. "Ang mahalaga sakin ngayon ligtas kayo at ayokong iwan mo din ako."

Sana nga isa lamang bangungot ang nangyayari sa mga sandaling iyon ng buhay niya.

To be continued...

Please vote, follow and comment! Thanks😍


The Major EngagementМесто, где живут истории. Откройте их для себя