CHAPTER 8: Welcome to Sta. Elena

314 9 0
                                    

Lulan ng yate sina Lacy at Rafael walang pinalampas na oras ang lalaki upang tuluyan na siya nitong pag-aari.

Kinaumagahan pagkatapos ng kanyang debut kaagad siya nitong sinundo sa kanilang bahay. Sa labis na pagdaramdam hindi niya pinapansin ang lalaki buhat pa kaninang umalis sila sa kadahilanang hindi man lang nito sinama ang ama.

Nakikita pa niya kanina ang anyo ng ama napakalungkot ng mukha nito at pinipigilan lang nitong maiyak ng sapilitan siyang tangayin ni Rafael.

Nakita niya sa harapan niya mismo that Rafael has a cruel heart. Inaamin niyang likas na maginoo ito sa kanya pero kapag sa ibang tao na mas nangingibabaw ang pagka arogante nito.

Hilam na ng luha ang kanyang pisngi nasa loob siya ng cabin hindi pa rin siya lumalabas buhat kaninang umalis sila dalawang oras daw ang ilalagay nila patungo sa bayan ng Sta. Elena.

"Wala ka bang balak lumabas? You have to see the view outside." napapitlag siya ng marinig ang boses ni Rafael.

Hindi siya kumibo. Naririnig niya ang mga hakbang nitong papalapit sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatalikod.

Hinawakan siya nito sa balikat.

"Don't touch me!" mariing wika niya.

"Palalampasin ko ang tantrums mo ngayon."

Tinignan niya ito ng masama. "Ang sama-sama mo! Inihiwalay mo ako kaagad sa ama ko." galit na wika niya dahil saglit palang siyang naihiwalay namimiss kaagad niya ang ama.

"Don't worry susunod siya sa araw ng kasal natin."

"Bakit ba minamadali mo ang lahat!" singhal niya rito.

"You don't understand,"

"Talagang hindi! Napakabata ko pa para mag-asawa! Marami pa akong pangarap bakit ba pinagdadamot mo 'yon sakin kahit na sana sa edad na bente uno, ayos lang sakin na sumama sayo pero bakit ganito kaaga!"

"Malalaman mo din ang dahilan ko,"

"Ayoko na gusto ko ng umuwi! Pakiusap!"

pagmamakaawa niya.

Biglang sumiklab ang galit sa mga mata nito at hinawakan siya sa balikat. "Stop acting like a child, Lacy! O baka naman gusto mong makulong ang ama mo!"

Tila natauhan naman siya sa huling binanggit nito. Hindi na siya muling umimik pa.

"Ayusin mong sarili mo malapit na tayo baka hindi ako makapagtimpi ano pang magawa ko sayo." pagkasabi nito'y binitawan siya at lumabas ito.

Tulala pa rin siya sa sinabi nito. Alam niyang hindi nito magagawa ang hindi niya gustong mangyari. But who knows? Mayaman ito kahit siguro pumatay ng tao magagawa nito ang gusto.

Maya't maya hindi na niya naramdaman ang alog ng yate at malamang nasa pampang na sila.

Muli nakita niya si Rafael at sinuyo siya.

"Nandito na tayo halika na bababa na tayo." wika nito sa seryosong tinig.

"D-dito na muna ako." aniya sa paghihimutok.

"I'm warning you Rose! Bababa ka ba o gusto mong pwersahin pa kita!" galit na wika nito.

Nakipagsukatan siya ng titig dito.

"Why are you so cruel? I couldn't imagine myself living with you!"

"Then suit yourself!" pagkasabi nito walang sabi-sabing binuhat siya.

Tumili siya at nagpapalag.

"Ibaba mo na ako! Hindi mo nako kailangang buhatin susunod na ako sayo!" nakinig naman ito at ibinaba siya.

"Good, marunong ka rin naman palang makinig manang-mana ka talaga sa ama mo." sarkastikong sabi nito na may kasamang ngisi.

Hindi niya talaga maintindihan ang ugali nito.

Inutusan nito ang kasama nila na buhatin ang mga gamit nila.

Nagpapadyak ang mga paa niya sa buhangin dahil sa inis. Tinignan niya ang paligid dun lang niya napansin. It was beautiful!

Napaka natural ng paligid at di kalayuan sa pampang nakatayo ang malapalasyong bahay na kanyang natatanaw.

"Welcome to Santa Elena, Lacy Rose." sabi ni Rafael at hinawakan siya sa baywang na nagpadaloy ng kakaibang kuryente sa kanyang katawan.

"You're tense, sweetheart." bulong sa kanya ni Rafael na tila mahika iyon sa kanyang pandinig.

"O-of course not nanibago lang ako sa paligid."

Ngumiti ito sa kanya. "Let's get inside the palace, sweetheart" muli siya nitong iginaya papasok sa malapalasyo nitong tahanan.

Puti ang lahat ng kulay na bumagay sa baybaying dagat.

Napapikit siya at nilanghap ang sariwang hangin habang sila'y naglalakad papalapit sa malapalasyo nitong bahay. Nakalimutan niya ang kanyang suliranin.

"How do you like the place, sweetheart?" she opened her eyes and look at him.

Nakatingin pala ito sa kanya. Nakakahiya baka kung ano pang isipin nito sa ginawa niya.

Ngumiti siya."Napakaganda rito I like it here very much parang isang kastilyo ang bahay mo." hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at sinabi niya rito ang totoo dahil talaga nga namang napakaganda ng lugar.

"Talagang hindi ka magsisisi dito Rose, our ancestors built the house for so many years ago and please, always wear your smile mas bumagay lalo sa maganda mong mukha."

Nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito. Bakit ba lahat nalang ng mga papuri nito nag-iinit ang pisngi niya.

Pagkapasok nila sa loob ganun na lamang ang gulat niya ng makita ang mga kawaksi na talaga nga namang inaabangan ang pagdating nila.

Nakangiting binati sila ng mga ito ng sabay-sabay. Sa tantiya niya nasa trese ang mga kawaksi.

"Everyone, this is your señorita, Lacy Rose. At gusto ko na maayos ang pakikitungo ninyo sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo?" mauturidad na wika ni Rafael.

Sumang-ayon naman ang mga kawaksi. Para sa kanya ayaw na ayaw niyang inuutusan ang mga katulong kundi kusa na lamang kikilos ang mga ito.

"Sweetheart, pumunta ka na muna sa taas at ng makapagpahinga ka na muna. Naihanda na ang magiging silid mo." sabi ni Rafael at inutusan nito ang isang kawaksi na samahan siya sa magiging silid niya.

Nagpaalam na muna ito sa kanya at may importante daw na pupuntahan. Sinundan na lamang niya ito ng tingin habang papalayo sa kanya. At ang mga ibang kawaksi nagsi-alisan na din.

"Sabi ko na nga ba hindi nagkakamali sa pagpili si señorito ng mapapangasawa ang ganda-ganda niyo kasi, señorita." nakangiting papuri sa kanya ng kawaksi.

"Naku, hindi naman." kung alam lang nito ang totoo.

"Totoo kaya señorita, pumunta na po tayo sa taas." sabi  nito. Akmang bubuhatin na nito ang maletang dala niya ng pinigilan niya ito.

"Ako na ang magbubuhat sa bagahe ko."

To be continued...

Please, vote, follow, and comment down. Thanks!

The Major EngagementWhere stories live. Discover now