CHAPTER 1: The first bloom

536 9 0
                                    

LUMABAS ng hardin ang nagdadalagang si Lacy Rose, tangan ang meryenda na inihanda niya para sa kanyang mommy.

Paglabas niya ng hardin nasasamyo kaagad niya ang halimuyak ng mga rosas sa paligid napakadami niyon.

Nakapagtataka't nabuhay lahat iyon ng kanyang mommy.

"Mommy, meryenda time!" inilapag kaagad niya ang dalang cookies at juice sa mesa.

"Sure darling, tatapusin ko lang ito," ganting sagot ng mommy niya.

Nakatalikod ito at pinuputol nito ang stem ng rose at marahil papalitan na naman nito ang mga bulaklak na naka-display sa living room. Nilapitan niya ang kinaroroonan nito.

"Mommy, paano niyo napalago ang mga bulaklak na iyan?" kapagkuwan tanong niya ng marating ang kinaroroonan nito
Ngumiti ang mommy niya.

"Madali lang anak kapag alam mong masaya ka sa ginagawa mo sa mga ito in response susuklian ka nila ng napakaraming punla nila."

Namangha siya sa sinabi nito. "Really, mommy?"

"Alam mo bang diyan ko rin nakuha ang pangalan mo."

"Yes, I know mom, that's why I'm rose." sabay hagikhik sa sinabi niya.

"The rose petals are lacy and delicate. Their beauty never lasts it stays hangga't hindi nalalanta but their thorns remain. Mahihirapan ka munang makamtam ang kagandahan ng bukaklak ng rosas hanggang ang mga tinik nito ay naroroon pa rin. You're like that rose darling. Your thirteen now at lalo ka pang gumaganda anak how I wish I still be there to witness your graduation." ngumiti siya sa sinabi nito.

Napakalalim ng sinabi ng mommy niya tungkol sa isang rosas.

Hindi niya maintindihan marahil maintindiha  ang ibig pakahulugan ng sinabi nito ngunit hindi ang huling sinabi nito.

Tatanungin na sana niya tungkol doon nang marinig ang boses ni yaya Nelia.

Maya't-maya lumapit ang yaya Nelia nila at pinapatawag ang mommy niya dahil may tawag daw ito.

"Maiiwan muna kita dito, Iha." ibinaba nito ang hawak na gunting.

"Sure, mom." sabi niya ng tuluyang iwan siya nito.

Tila may naglaro sa kanyang isip. Kinuha niya ang gunting at ginaya niya ang ginawa ng mommy niya sa pagpuputol ng mga rosas.

Napakayabong ng mga ito at may iba't ibang klase ng kulay.

Marahil nagkaroon ang mommy niya ng malamig na kamay kaya madali lang itong magpayabong.

Pero siya kaya? Nasubukan na niyang magtanim pero hindi nabuhay. Marahil mali ang pagkakatanim niya o di kaya nama'y hindi malamig ang kamay niya.

Naghanap siya ng mapuputol niya. Medyo natatakot siya sa tinik niyon at baka matusok siya.

Hinawi niya ang mga rosas bagama't ang mga tinik nito sumasagi sa kanyang kamay ngunit nag-iingat siya.

Tumambad sa kanya ang napakalaking bulaklak ng pulang rosas na iyon. Napapahanga siya sa laki at ganda niyon. She was enchanted of that beauty of rose na tila kakaiba iyon sa lahat.

The Major EngagementWhere stories live. Discover now