CHAPTER 10: The grief

202 5 0
                                    

Sa isang linggo na pamamalagi ni Lacy sa bahay ni Rafael napagtanto niya na matagal ng naitayo ang hacienda. Mula pa sa ninuno nitong mga kastila at pinanatiling maganda ito.

Napakayaman nga ng lalaki dahil marami itong hawak na negosyo gaya ng sa koprahan, maisan, tabako at marami pang iba na hindi malayo sa mansion nito.

Idagdag pa ang mga magagandang tanawin sa labas. Minsan na siyang ipinasiyal ni Rafael sa koprahan sobrang lawak ng lupang nasasakupan nito. Siguro wala pa sa kalahati ang ipinasyal sa kanya ni Rafael. 

The place is a paradise!

Hindi pa rin nawawala ang mga surpresa sa kanya ni Rafael tuwing umuuwi ito galing farm. Kaya hindi maikakaila sa kanyang sarili na nagugustuhan na niya ang lalaki.

"So, totoo nga Rafael na nag uwi ka ng babae dito!" natigil ang paghakbang ni Lacy nang marinig ang ingay ng isang babae nang malapit na siya sa may sala.

"She's my fiance, Gwen" si Rafael na halata ang boses sa inis.

"Fiance, huh? I don't understand Rafael! I've waited for you for the long time sa pag-aakala na babalikan mo pa rin ako. Pinagsisihan ko na 'yong ginawa ko. Bakit naghanap ka pa rin ng ibang babae!"

"Umuwi ka na Gwen nag-iiskandalo ka na sa pamamahay ko!" pagtataboy ni Rafael nagkubli siya sa pader na malapit sa kinaroroonan ng mga ito habang siya'y nakasilip.

Maganda rin ang babae at sophisticated na sa tantiya niya mas matanda lang ito sa kanya ng isang taon.

"What is wrong with me, Rafael!?" Ang alam ko ako 'yong inaasahan mong magsisilang sa tagapagmana ng henerasyon mo. Bakit ibang babae pa, Rafael! Answer me !" she was shocked by what she had heard!

So naghahanap nga lang talaga si Rafael ng tagapagmana sa susunod na henerasyon and she found out that she was capable of it at walang pagmamahal na magaganap sa pagitan nila? Iyon pala ang rason kung bakit siya ang napili nito. Kung tutuusin malaki na ang ninakaw ng ama niya dito kumpara sa pagpapakasal niya sa lalaki.

"Stop, Gwen! Umuwi kana!"

"Answer me!"

"I have reasons kung bakit siya ang pinili ko."

"Whatever your reason is hindi pa rin sapat 'yan na dahilan para maikasal ka sa ibang babae! I know hindi mo mahal ang babaeng 'yon! At alam kong ako pa rin ang mahal mo! Kaya mo lang ginagawa to dahil gusto mo lang akong pasakitan! I want to see that woman Rafael where is she!" sabi nitong tumingin-tingin sa paligid at akmang tutungo ito sa kinaroroonan niya ng pigilan ito ni Rafael.

Totoo naman 'yun bakit siya pakakasalan ni Rafael? Hindi naman siya mahal nung lalaki. Naniniwala siya na ang pagpapakasal ng dalawang nilalang ay 'yong may pagmamahal sa isa't-isa pero sila ni Rafael? Exactly a marriage for convenience lang ang gusto ni Rafael! Kung anong klaseng marriage convenience ba 'yon its either sa gusto nitong gawin siyang baby maker nito o dahil sa gusto lang nitong saktan ang babae sa pamamagitan niya.

Pero bakit nasasaktan siya?

"Umuwi ka na Gwen o baka gusto mong ipakaladkad pa kita palabas. I'm warning you."

"What!? Talagang gagawin mo 'yan sakin?" hindi makapaniwala na sabi ng babae.

"Of course, now get out!" tinignan nito si Rafael ng masama.

"Hindi pa tayo tapos, Rafael!" pagkasabi nito'y lumabas na ang babae.

Habang siya'y hindi  pa rin makapaniwala sa mga narinig.

So 'yun pala ang sinasabi ni Rafael na balang araw malalaman niya din ang totoong dahilan nito.

Bago pa magtungo si Rafael sa kanyang kinatatayuan mabilis siyang kumilos at muling nagtungo sa kanyang silid.

Padapa siyang humiga sa kama. Hindi na niya napigilang umiyak.

Talagang gagamitin pala siya ni Rafael para sa kayamanan nito. She already expected it pero bakit masakit pa iyon sa kanya?

"Are you staying here the whole day, sweetheart?" natigil siya sa pag-iyak ng marinig ang boses ni Rafael.

Hindi niya naramdaman ang presensiya nito. Pinahid niya ang kanyang mga luha at dahan-dahang tumayo at humarap dito.

"Don't you knock?"

Hinawakan siya nito sa mukha."I did pero hindi ka sumasagot. Are you crying?" tanong nito sa nag-aalalang tinig. Napansin siguro nito na mamasa-masa parin ang mata niya.

Umiwas siya ng tingin dito. "I just miss my dad." dahilan niya.

Namimiss na din naman niya ang ama pero mas mabigat na dahilan ang mga narinig niya kanina para magkaganun siya.

"I told you to stop thinking your father dahil hindi mo na pwedeng madalas makasama ang ama mo, beacause sooner or later magiging asawa na kita. Nandito ka para gampanan ang responsibilidad mo sa akin." sabi nitong may galit ang tinig. Tinignan niya ito ng masama.

"Bakit pati iyon pinagdadamot mo pa sakin na makasama ang ama ko? Sabagay tama nga naman bibigyan mo ako ng punla at ang punlang 'yon ang magpapayabong pa sa yaman ninyo!"

Nagdikit ang mga kilay nito sa mga sinabi niya at hinawakan siya sa balikat."Who told you that idea! You don't know what you're talking about."

Iwinaksi niya ang ang mga kamay nito sa balikat niya. "Ayoko ng magpakasal sayo gusto ko ng umuwi!" alam niyang napakaimposible iyon na sabihin.

"Really? Talagang ginagalit mo ako?" pagkasabi nito'y marahas siyang binitawan na kamuntik niyang ikatumba at lumabas ito ng kanyang silid.

Wala naman sigurong gagawin ito na ipag-alala niya. But who knows? Knowing Rafael gagawin nitong lahat para sa pansariling interes nito.

"Ano!?" hindi makapaniwala si Lacy sa narinig mula kay Yaya Nelia sa kanyang Cellphone.

"Hindi 'yan totoo, yaya!"  halos maiyak na siya sa sinabi ng kawaksi. Tumawag ito sa kanya nang hapong iyon upang sabihin ang masamang balita.

"Oo anak, hinuli ng mga pulis ang daddy mo!" sabi nitong garalgal pa ang boses.

"Bakit yaya ano'ng kasalanan niya?" sana nagkamali lang siya na walang kinalaman si Rafael sa pagkakulong ng ama niya.

"Pinakulong siya ng magiging asawa mo iha dahil hindi ka daw sumunod sa kontrata." sabi ng kabilang linya.

So tama nga siya ng hinala!

Sumosobra na si Rafael! Ang akala pa naman niya dito mabuting tao. Pero nagkamali siya dahil pakitang tao lang ang pinapakita nito.

Nagpaalam na siya sa kanyang yaya Nelia at hindi na siya nagdalawang isip na puntahan ang binata.

Alam niyang mahihirapan siyang mahanap ito dahil sa laki at lawak ng bahay nito. Magtatanong na lamang siya sa  mga kawaksi.

Nakasalubong niya ang isa mga kawaksi at tinanong ito ngunit hindi daw nito nakita ang binata.

"Nakita niyo po ba si Rafael, nana Sedang?" tanong niya sa mayordoma ng bahay. Alam niyang hindi siya gusto nito dahil sa ilang araw ng pamamalagi niya sa bahay pero kailanman hindi siya nito masyadong pinapansin.

"Magiging asawa mo siya tapos hindi mo alam kung nasaan siya?" sabi nitong nakataas pa ang isang kilay.

"May hindi po kasi kami napagkaunawan kanina."

Sumimangot ang mukha nito. "Naku-naku hindi pa kayo mag-asawa nag-aaway na kayo."

"Hindi naman po sa ganun nana Sedang. Kailangan ko lang siyang makausap hindi ko alam kung saang sulok ng bahay na ito ko siya mahahanap."

To be continued...

Please, vote, comment and folow me for more updates! Thanks..

The Major EngagementWhere stories live. Discover now