CHAPTER 19: A thorn without a rose

600 12 6
                                    

Nang makauwi si Lacy sa mansion ay nagulat siya nang makitang maraming tao sa loob.

Mukhang may mga bisita ang asawa niya. 

Nasa salas kasi ang mga ito. At mukhang mga may lahi ang bisita ng asawa niya.

Mukhang nakauwi na si Rafael.

Pero bakit ganun ang nararamdaman niya? Nung wala si Rafael sa loob ng mansion namimiss niya ito, pero ngayon dumating na nga ito parang mas gusto niya ulit na wala ito.

Ano ba kasi ang nararamdaman niya sa asawa? Hindi niya kasi maipaliwanag ang nararamdaman niya.

Sa batang puso niya masasabi naman niya na gusto niya si Rafael na mahal niya ito. Pero may bahagi sa kanyang kaloob-looban na namumuhi siya sa asawa. 

Dahil sa mga nagdaang araw unti-unting tinatakpan ng galit ang pagmamahal niya kay Rafael.

Nang lumingon siya sa kanan ay nakita niya si Rafael may kausap itong isa. 

Nagtama ang mga mata nila ng asawa pero kaagad din siyang nagbawi ng tingin.

Dumiretso na lang siya sa kanyang silid para makapagpalit.

Wala naman siyang alam sa mga negosyong kalakaran na ginagawa ng asawa.

Pagpasok niya nang silid ay kaagad siyang nakaramdam ng ginhawa.

Ang silid na lang yata niya ang nagiging comfort zone niya.

At nang akmang isasara na niya ang pintuan ay sakto namang pumasok ang katawan ni Rafael at ito na ang nagsara ng pintuan.

Nakaramdam kaagad siya ng matinding kaba.

"Are you done with disrespecting me yet?" nang-uuyam na sabi nito at siya napaatras na lang dahil lumalapit ito sa kanya.

Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Parang galit na naman ito.

"W-what are you talking about?" nagtataka na tanong niya. 

"You come home without even coming straight to me?"

Huminga siya nang malalim.

"Rafael, please I'm tired. I got a lot of stress in that school. I don't want to talk to you now." sabi niya at tumalikod.

Nakakailang hakbang pa lang siya nang hawakan nito ang braso niya at pinaharap siya.

"What happened to your uniform? It looks like you've messed up."

Umiwas siya nang tingin. "N-natapunan lang ako," pagsisinungaling niya.

Kung alam lang nito kung ano ang ginawa sa kanya ng mga iyon. Pero hindi dapat siya humingi ng tulong dito.Ayaw na niyang magkaroon pa ng ugnayan kay Rafael sa personal niyang buhay.

Alam niyang makakaya niya ang lahat ng problemang dumarating sa kanya. Gaya na lamang ang solusyon sa ginawa ng kanyang ama ay ang sapilitan niyang pagpapakasal kay Rafael.

"Okay, magpalit ka muna and after that follow me downstairs and let's meet our visitors. Gusto ka nilang makita,"

Napabuga siya nang hangin sa sinabi nito. Pagod na pagod siya sa araw na iyon tapos gusto pa nitong samahan ito na harapin ang mga bisita nito?

"Rafael, pagod ako ngayon. Can you do that all by yourself?" sabi niya at ipiniksi ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso atsaka tumalikod.

Muli siya nitong hinaklit sa braso. "You know I'm just trying to stop myself from getting annoyed by your tantrums. Ipakita mo man lang sakanila na kasal ka sa akin." 

The Major EngagementDonde viven las historias. Descúbrelo ahora