CHAPTER 7: The debutant

338 9 0
                                    

ABALA ang lahat sa pag-aayos ng venue sa debut ni Lacy Rose. Gaganapin iyon sa maluwang nilang bakuran.

Hindi na sana niya gugustuhing mag celebrate pa ng debu at gusto niya simpleng handaan lang kaya nga lang mapilit ang daddy niya. Minsanan lang daw ang pagiging ganap na babae sabi ng ama niya kaya lubus-lubusin nalang daw niya.

Imbitado ang mga kaklase niya sa kolehiyo at mga ilang bisita ng daddy niya.

Kinakabahan siya ngayong gabi pakiwari niya may sisira sa okasyong iyon. Binalewala na lamang niya iyon.

Excited lang siguro siya.
"Dad, kinakabahan ako, pano kung dumating siya?" tanong niya habang nakatingin sa salamin.

She look stunning tonight. Ang kulay carnation niyang off shoulder long gown na hapit na hapit sa maliit niyang baywang ay kumorte pa lalo ang balakang niya. And exposing her fair shoulders.

Isinuot niya ang kwentas na binigay ni Rafael noong graduation niya maging ang engagement ring ay iyon lang ang tanging alahas na suot niya.

"Well, kilala mo naman 'yon anak pabigla-bigla 'yon."

"It has been two years dad, simula nung huli natin siyang nakita."

"I know him iha, maparaan 'yon lalong lalo na ngayong disi-otso ka na." malumay na sagot ng ama.

"And do you think anytime he could pick me up here dad?"

Nag-isip muna ang ama bago sumagot. "Oo marahil iha."

"Dad, ayoko munang mahiwalay sa inyo." natatakot siya na mangyari 'yon.

"Huwag mo munang alalahanin 'yan anak maging masaya ka ngayong gabi. Maligayang kaarawan ulit, iha." nakangiting wika ng ama mula sa salamin.

"Thank you dad!"

"Tara na sa baba, your party must begin now." tumayo na siya at ikinawit niya ang isang kamay sa braso ng daddy niya.

Nakangiting bumaba siya. Napapalibutan ng iba't-ibang kulay ng rosas ang bawat paligid. Marami na din siyang bisita na may kanya-kanya ring table.

"Happy birthday, Lacy!" sabay-sabay na bati sa kanya ng mga kaklase niya sa kolehiyo ng mapadaan siya sa gawi ng mga ito.

Ang ama niya ang naging scort niya.

"Thank you so much, guys!" pasasalamat niya.

Ganoon pala ang feeling kapag ang isang babae nagsi-celebrate ng debut. Napaka special lang ng feeling niya.

Nagtuloy-tuloy siya sa stage at inumpisahan na nila ang dapat na umpisahan. Mula sa candles , roses , baloons, at wine wala silang pinalampas na oras napuno ng halakhak ang paligid hanggang sa sinimulan na nilang kumain.

Pagkatapos ng mahabang sandali ang debutant naman ang magsasalita tumayo si Lacy at tinungo ang mic.

"Thank you so much, for coming this party ! I enjoyed it so much specially sa mga taong walang sawang nagmamahal sakin, lalong lalo na kay daddy my father and my bestfriend! At kay yaya Nelia na hindi kami iniiwan and of course to my dearest mother na nasa heaven na ngayon, I will never forget you mommy, and I love you so much kayo ni daddy." maluha-luhang sabi niya ng mag speech na siya.

The Major EngagementWhere stories live. Discover now