Kabanata 32: Tapat na Pag-ibig

27 5 0
                                    

ISAIAH

"Uwi na tayo, brad. Magsasara na ang restawran," paalala ni Dan at inayos ang mga upuan sa harapan ko.

"Sige. Uwing-uwi na rin ako." Niligpit ko naman agad ang mga libro, kuwaderno, at panulat ko na nasa mesa. Wala na rin namang mga kostumer kaya't kampante akong mag-aral sa loob ng restawran kapag oras ng pahinga ko o 'di kaya'y kapag tapos na ang trabaho.

"Bakit hindi ka muna tumigil sa pag-aaral? Alam mo 'yon, para makapag-ipon ka muna sa trabaho gaya ko," suhestiyon niya.

"Hindi puwede. Kailangan kong makapagtapos agad para maiahon ko ang pamilya ko," paliwanag ko naman.

Pabiro naman ako nitong siniko. "Aba, bumuo na pala kayo ng pamilya no'ng sinasabi mong Lia?"

"Sira." At siniko ko rin siya pabalik.

"Kumusta na pala 'yang Binibining Lia mo? Magiging isang Misis Faustino na ba siya?"

Napangisi naman ako. Misis Mahalia Faustino? Bakit parang napakaganda sa pandinig?

Ang kaso nga lang, "Hindi ko alam. Dalawang buwan na kaming walang komunikasyon. Hindi pa namin nakukumusta ang isa't isa."

Umakto naman ito na parang napipiraso ang puso niya. "Brad naman! Akala ko naman ay masayang pag-iibigan na 'to. Naghiwalay na kayo agad?"

"Hindi pa naman naging kami. At saka sa lugar na pinuntahan niya, walang signal masyado kaya't naiintindihan ko."

Gulong-gulo naman akong tiningnan ni Dan. "Hindi ko maintindihan. Paano mo nasabing siya ang para sa 'yo kung hindi pala naging kayo at ganito pa ang sitwasyon ni'yo ngayon?"

Tinawanan ko lamang ang reaksyon niya. "Makikita mo rin pagdating ng araw."

"Sinabi mo 'yan ah? Imbitado dapat agad ako sa kasal!"

"Oo naman." At sabay pa kaming nagtawanan.

Paglabas namin ay bigla naman niya 'kong inabutan ng sobre sa kamay.

"Ano 'to?"

"Konting tulong lang 'yan brad. Alam kong marami kang pinagdadaanan ngayon lalo pa't nasa ospital ang nanay mo. H'wag ka lang susuko sa mga hamon ng buhay at palagi kang kumapit sa itaas. Alam kong magtatagumpay ka rin." Tinapik niya ang balikat ko at nagpaalam nang umalis.

Pinagmasdan ko ang likod niya habang naglalakad na siya palayo. Kahit paano, pinagpala pa rin pala ako dahil may kaibigan akong tulad niya.

May mga pagkakaibigang hindi nagtatagal, ngunit may pagkakaibigan din na higit pa sa magkapatid ang pagsasamahan.
Kawikaan 18:24

Habang binabagtas ang daan papunta sa kabilang kalye upang mag-abang ng dyip, bigla akong nakaramdam nang matinding hingal. Humawak agad ako sa isang poste upang suportahan ang sarili.

Ano'ng nangyayari sa 'kin? Bigla na lamang akong naghahabol ng hininga. Hindi naman ako kulang sa ehersisyo at hindi rin ako tumakbo nang mabilis. Pagod lang siguro 'to.

Bahagya kong inalog ang ulo ko upang mahimasmasan. Nang may pumaradang dyip ay agad akong sumakay upang makauwi na 'ko sa Villoralba.

Nang makarating sa arko ay naglakad-lakad na 'ko papasok ng barangay patungo sa bahay nina Caroline. Halos doon na naninirahan ang dalawa kong kapatid. Palitan kasi kami ni Felice sa pagbabantay kay nanay sa ospital at madalas ay naiiwan ang bunso. Mabuti na lang at nandiyan si Carol, at siya mismo ang nag-alok na roon muna si Filip sa kanilang bahay.

Iniibig KitaWhere stories live. Discover now