Kabanata 11: Simbahan

121 10 0
                                    

MAHALIA

Inabot sa akin ni Isaiah ang gamit ko na binitbit niya kanina. Nagpasalamat ako. "Lia, puwede ba kitang imbitahan sa simbahan na dadaluhin namin ng mga kapatid ko bukas?" tanong niya bago umalis.

Napangiti ako nang marinig ang salitang simbahan. "Oo naman. Ano'ng oras mag-uumpisa?"

"Alas-siyete ng umaga. Susunduin ka na lang namin ni Felice."

"Sige, gigising na lang ako nang maaga. Isasama ko na rin si Lisay."

Tumango siya at tila mas natuwa. "Kung gano'n, salamat Lia. Uwi na kami ng mga kapatid ko. Magkita ulit tayo bukas," huli niyang sinabi bago tuluyang tumalikod.

Salamat din Isaiah. Napakabuti mong kaibigan. Bago lang tayong magkakilala, pero biniyayaan agad ako ng isang mabuting kaibigan na tulad mo.

Tiningnan ko ang mga papalayo nilang likod bago tuluyang pumasok. Pagpasok ko, agad akong sinalubong ni Lola Cielo. "Mabuti naman at dito na matutulog ang apo ko," malambing niyang sabi. Tinulungan niya ako sa pagbitbit. Halata sa mukha niya ang saya.

Siguro ay parati siyang nag-iisa sa bahay. May iba pang trabaho si Lisay bukod sa pagiging kasambahay at malamang ay madalas siyang naiiwan. Pinagmasdan ko ang aking lola. Bakas sa kaniyang mukha, balat, at buhok ang katandaan. Bakas sa kaniya ang maraming mga karanasang nagdaan sa kaniyang buhay.

Pasensiya na lola at hindi ka namin masyadong naaalagaan, pero nandito na ako. Tama lang na umuwi ako rito.

"Apo, may tumawag nga pala sa telepono kanina. Ikaw ang hinahanap," banggit niya.

"Sina mama po ba?" Hindi ko napigilang mapangiti. Hindi na ba sila galit sa akin?

"Hindi, apo. Adaly raw ang pangalan niya. Malapit mo raw siyang kaibigan at mukhang taga-doon siya sa Salomé."

Napaawang ang bibig ko. Binalutan ako ng kaba, ngunit mas nangingibabaw ang pagkasabik kong makita ang taong iyon.

Kumusta ka na Adaly?

Alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na ako. Sinilip ko si Lisay sa kaniyang kuwarto, mahimbing pa ring natutulog. Malalim na ang gabi nang makauwi siya. Nakapapagod ang ginagawa niya. Kahit sapat naman ang binibigay ni Lola Cielo, patuloy pa rin niyang dinodoble ang pagpupursigi alang-alang sa kaniyang pamilya at sarili. Hanga ako sa katatagan ni Lisay, at mahal ko siya bilang tunay kong kapatid.

Kagabi ay binanggit ko na sa kaniya ang imbitasyon ni Isaiah tungkol sa pagdalo namin sa simbahan kasama si Felice. Tuwang-tuwa pa nga siya at agad na naghanap ng susuoting damit. Ang sabi pa niya'y alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw ay gigising na siya upang makapag-ayos. Pero habang pinagmamasdan ko siya ngayon, tila mahihirapan akong gisingin siya. Napakalalim ng tulog.

Nang mag-alas-sais na ng umaga ay gumising na rin ang lola ko. Nagpaalam na ako sa kaniya, kagabi pa lamang habang nag-aayos kami ng mga gamit. Pumayag naman siya basta't umuwi raw ako agad.

Ilang beses ko nang sinubukang gisingin si Lisay ngunit hindi ako nagtagumpay. Nakokonsensiya rin ako dahil hindi pa sapat ang kaniyang tulog. Gano'n na lamang ang kaniyang pagod.

Naghintay ako nang tatlumpung minuto pa, pero wala pa rin. Masarap pa rin ang tulog niya. Kasalukuyan akong nasa kusina, nakikipagkuwentuhan sa maalaga kong lola habang kinakain ang napakasarap niyang niluto. Nakapagbihis na rin ako ng kulay lila na bestida at nakapag-ayos. Ilang sandali pa'y narinig na namin ang tunog ng timbre. Siguradong sina Isaiah at Felice na 'yon.

Iniibig KitaWhere stories live. Discover now