Kabanata 12: Pagpapatawad

97 12 0
                                    

MAHALIA

Lumiwanag na muli sa loob ng simbahan nang matapos ang mga kanta at kami'y naupo na. Sa bawat pagluha ko kanina'y tila napalitan naman ng kapayapaan at kaginhawaan. Nawala ang tila nagpapabigat sa puso ko.

Mahinang pag-uusap na lang ang namayani nang magsalita ang isang babae sa harapan, "Batiin niyo naman ng, 'Maganda ka pa sa umaga,' ang mga katabi ni'yo." Nagkatinginan naman ang bawat isa sa loob at hindi napigilang mapahagikgik.

Natatawa rin akong bumaling sa aking kaliwa. "Maganda ka pa sa umaga," pagbati ko kay Felice at gano'n din siya.

Naramdaman kong tumingin din sa akin si Isaiah matapos batiin ang iba niyang katabi, kaya naman kahit nahihiya, tumingin na rin ako sa kaniya upang batiin siya.

Wala siyang sinabi ngunit tumango naman at ngumiti.

Maya't maya pa ay tumayo sa isang plataporma ang isang lalaking mukhang nasa 40's pa lamang ang edad. Ipinakilala niya ang sarili bilang si Pastor Jesse. Gustong-gusto kong mapakinggan kung ano man ang mensaheng mayroon ang Panginoon ngayong araw.

Ngunit bago iyon, tila ba narinig ko ang isang mahinang bulong ni Isaiah sa akin. "Napakaganda mo." Mabilis naman itong nasapawan dahil sa pag-uusap ng mga tao sa paligid. Umayos ako ng upo at pinigilan sa pagkurba ang aking mga labi. Baka naman iba ang tinutukoy niya.

"Ehem, magsimula na tayo. Paalala lang na h'wag masiyadong mahumaling katitig sa mga nilikha ng Diyos. Ipanalangin ni'yo na lang sila at ituon pa rin ang buong puso, isip, at kaluluwa sa Naglikha," wika ni Pastor Jesse. Muling nagtawanan ang mga tao sa kaniyang sinabi. Hindi ko rin napigilang matawa nang mahina at naitakip ko ang aking bibig gamit ang panyo ni Isaiah.

"Sino ba rito ang nagkasala na? Pakitaas nga ang kamay."

Ilang saglit pa'y may iilang mga nagtaas ng kamay. "Isa, dalawa, tatlo lang ba?"

Tinaas ko rin ang kamay ko, at dahil doon ay mukhang nakuha ko ang atensiyon ni Pastor Jesse. Bumaba siya at nagsimulang maglakad papunta sa direksiyon ko.

"Ano'ng pangalan mo hija?"

Tumayo ako. "Mahalia po."

"Parang isang matatag na bulaklak ang naaalala ko sa pangalang 'yan. Salamat sa pagdalo mo, hija. Ang presensiya ng bawat isa sa inyo ay mahalaga sa simbahang ito. At dahil nagtaas ka ng kamay, paano mo nasabing ika'y nagkasala na?" mahinahong niyang tanong.

Ang daming mga mata ang nakatitig sa akin. Tila mas lalo akong nahiya. Para bang huminto ang mundo ko.

Lumunok ako ng laway bago ko itutok ang bibig sa mikropono. "Nagkasala ako dahil.. dahil nakasakit ako ng kapwa, nagkasala ako sa simbahan, at maging sa aking sarili." Kinakabahan man, ngunit buong puso at buong kumpiyansa ko iyong sinabi.

Pakiramdam ko, ang tanging kausap ko lang sa mga sandaling 'yon ay ang Panginoon. Tila nawala ang mga tao sa paligid ko, nawala ang pangamba na ako'y mahusgahan.

Marahang tumango si Pastor Jesse. Kita ko ang sinseridad sa mga mata niya habang pinakikinggan ako.

"Sa simbahan, sarili, at sa kapwa.. mukhang mabigat iyon," wika niya. "Pero tingnan ni'yo at basahin ang bersikulong ito." Nagpasalamat siya sa sagot ko at muling bumalik sa platapormang kanilang inaapakan sa harap.

Nakabukas at nakatapat ang proyektor sa puting pader upang maipakita roon ang mga salitang babasahin.

Mula sa Lucas 7:47, "Kaya sinasabi ko sa iyo na ang malaking pagmamahal na ipinakita niya sa akin ay nagpapatunay na pinatawad na ang marami niyang kasalanan. Pero ang taong kaunti lang ang kasalanang pinatawad ay kaunti rin ang ipinapakitang pagmamahal."

Iniibig KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon