Kabanata 31: Nakaraan at Kasalukuyan

30 5 0
                                    

MAHALIA

Ang nakasisilaw na sinag ng araw ang gumising sa aking pagtulog. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mapupungay kong mata.

"A.. aray." Nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking sentido.

Habang iniisip ang nangyari kahapon, isang lalaki ang pumasok sa kuwarto ko. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Mabuti naman at gising ka na Lia."

"Paano ako nakauwi Amil?"

"Humingi agad ako ng tulong sa iba upang maiuwi ka rito. Kumusta naman ang lagay mo ngayon?"

Tiningnan ko ang mga pasa at bugbog sa aking braso. "Medyo masakit-sakit ang katawan. Nasaan sina mama't papa?"

"Lumuwas sila ng bayan para bumili ng gamot. Ang mama mo rin ang naglagay ng benda r'yan sa ulo mo." Kumuha siya ng isang maliit na tuwalya at ibinabad iyon sa isang palangganang may tubig at yelo.

"Akin na ang braso mo," wika niya at sinimulang pahiran ang mga pasa sa aking balat.

Napansin ko ring nakatamo siya ng mga sugat dahil sa pagpoprotekta sa 'kin kagabi. "Salamat Amil. Ikaw ba, maayos lang ba ang lagay mo?"

Ngumiti lamang siya. Bukas ang pinto ng aking kuwarto at pumapasok ang amoy ng nilulutong pagkain sa kusina. "Sino'ng nagluluto?"

"Ang Ate Oleen mo. Tinutulungan din siya ni Adaly ngayon."

Pinagmasdan niya ako saglit at para bang sinusuri ang mga sugat ko sa mukha. "Nagugutom ka na ba?" tanong niya. Isang haplos sa aking pisngi ang natanggap ko mula sa kaniyang kamay.

Mabilis ko namang ibinaling sa kabilang direksiyon ang ulo ko. "Bakit mo ito ginagawa Amil?"

"Nais ko lang malaman mo na may poprotekta na sa iyo ngayon. May kakampi ka na Lia at hindi mo na kailangan pang matakot. Hindi ka na mag-iisa ulit," paliwanag nito at mariing pinisil ang kamay ko. Pumikit siya at hinalikan ang likod niyon. Naramdaman ko ang pag-aalala sa kaniyang paghinga.

Mabilis kong kinuha sa kaniya ang kamay ko. "Salamat Amil, pero.."

Paano ko ba ipaliliwanag?

"Hindi ko gusto ang pagiging malapit natin sa isa't isa," tugon ko.

Naramdaman kong nasaktan siya sa sinabi kong iyon.

"Bakit Lia? Dahil ba hindi mo pa rin ako napatawad sa mga nagawa ko sa 'yo noon?"

Umiling ako. "Matagal na kitang pinatawad Amil."

"Kung gano'n, bakit tila iniiwasan mo ako? Hindi ba't ako ang kailangan mo noon Lia? Nandito na 'ko ngayon. At hindi na 'ko aalis pa sa tabi mo."

Tila mas sumakit ang ulo ko sa kaniyang mga sinasabi.

"Noon iyon Amil. Akala ko, akala ko noon ay ikaw ang kailangan ko. Pero nagkamali ako.. dahil sa mga panahong nag-iisa ako, ang Diyos ang naging sandalan ko sa lahat ng mga bagay-bagay. Nadiskubre kong, kahit Siya lang ang mayroon ako, sapat na sapat na pala iyon para sa akin."

May ngiti sa mga labi niya, pero hindi ko maintindihan ang ipinahihiwatig ng kaniyang mga mata.

"Pasensya ka na at binigla kita. Bigla na lamang akong sumulpot ulit sa buhay mo at.."

Iniibig KitaWhere stories live. Discover now