KABANATA 1

7 0 0
                                    

SIX MONTHS AGO...

"Hello?" tila bulong na sagot ko sa biglaang pagtawag niya.

Hindi ko alam kung saan itatago ang kabang nararamdaman ko ngayong pinag-uugnay kami ng isang maliit na aparato.

Napakinggan na niya agad? Ang bilis naman. Kaa-upload ko lang, ah? Nakatutok ba siya?

"Clei..." halos mapapikit ako sa lambing nang pakakasabi niya nito. Ibang-iba ito sa Loukas na huli kong nakasama sa bundok. Iyong Loukas na kaswal at malamig ang pakikitungo sa akin. "Was it true? Ikaw ba talaga iyon? Ikaw ba talaga ang boses sa likod ng Puedes contar conmigo na account?"

Napangiti ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sunod-sunod niyang tanong na ito.

"Hindi ka ba naniniwala?" tanong ko. Alam kong nagulat siya pero alam ko rin na alam na niya ang totoo.

The fact that he is one of my consistent listener of my every podcast episodes since then, imposibleng hindi niya pa rin alam ang totoo ngayon.

Ikaw ba naman ang magtapat ng nararamdaman mo sa mismong podcast episode mo at halos ilantad ang pagkatao mo na matagal mong itinago sa lahat para lang suyuin ang lalaking gusto ka pero itinaboy-taboy mo kahit gusto mo na rin pala, pagdududahan pa ba niya?

"Of course not!" dagli niyang pagtanggi. "Naniniwala ako, Clei. I was just surprised." pag-amin niya. Mas lalo akong napangiti. Kahit hindi ko siya kaharap ngayon ay nakikini-kinita ko na ang itsura niya. Mula sa nakakunot niyang noo, nangungusap at hindi nagsisinungaling na mga mata, at nanghahabang mga nguso, alam kong nagsasabi siya ng totoo. At alam ko rin sa sarili ko kung gaano siya kaguwapo.

Sandali kaming binalot ng katahimikan hanggang sa muli niya akong tawagin.

"Clei..." bawing-bawi ata ngayon ang mga panahong hindi niya ako tinawag ng ganito.

"Ano?" hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin at sa totoo lang ay naiinip na ako. Gusto kong marinig ang saloobin niya sa pagtatapat ko.

"Iyong sinabi mo kanina... Totoo iyon, 'diba?" duh? Alangang joke? "Clei? Are you still there?" tanong niya ng walang makuhang tugon mula sa akin.

"Hm." tipid kong sagot.

"Can you please say it again? I want to hear it now." shocks! "Please?" malambing na pakiusap niya. Parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko!

"I-I'm also in love w-with you." nauutal kong sagot.

"You're stuttering." alam ko. Tss. "Say it again, please. Just like how you said it in your podcast. I want to hear it that way. Gusto kong sa akin mo mismo sabihin iyon ngayon." ang arte!

Halos paikutin ko ang mga mata ko sa ere sa pinaghalong inis at kilig. Fine! "I'm in love with you. And I hope we can give it another try. Please?"

"I love you too!" parang hirap na hirap na sabi niya na hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa. Mula sa pagkakaupo ko sa workstation ko ay napatalon ako pahiga sa kama ko! Gustong-gusto kong tumili pero dis oras na ng gabi.

Hindi ko inakala na ngayon din mismo ay tatawag siya. Hindi ako handa. Buong akala ko ay bukas pa magaganap ang ganitong tagpo pero shocks! Napaaga. Makakatulog pa kaya ako nito sa kilig?

"I love you too, Clei. And I can't wait to see you."

Ahhhhhh! Talagang in love na nga ako! At hindi na rin ako makapaghintay na magkita kami.


That scene happened almost a year ago pero hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa rin sa memorya ko at aaminin kong iba pa rin ang hatid na tuwa sa puso ko. Paano ko naman nga ba kasi makakalimutan ang isa sa pinaka masayang tagpong iyon sa buhay ko? Hindi ko na nga yata mabilang kung ilang beses ko nang inulit sa utak ko ang gabi na iyon.

"Happy first anniversary, Heroine." buong lambing na bati niya sa akin kasabay nang magaan na paggawad niya ng dampi sa aking labi.

Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang, umalis ako sa bayang sinilangan at kinalakhan ko para hanapin ang sarili ko at napadpad ako rito sa Quezon. I was so lost at that time.

Tapos nalaman kong ang kinilala kong kapatid sa loob ng dalawampu't walong taon ay hindi ko pala totoong kapatid. At ang isa sa pinaka pasaway na estudyante ko rito pala ang nakapalitan niya at totoong kadugo ko.

Ang liit ng mundo. And life is really unpredictable.

Mas napatunayan ko iyon ng mula sa Ilocos ay magkita kami rito ng high school first love ko. My gosh! What a playful life! Sa mismong school na pinagtatrabahuhan ko pa talaga!

Muntik na ring mawala sa akin si Loukas dahil akala ko ay hindi pa ako nakakalimot sa sakit ng nakaraan.

Mabuti na lang at may mga kaibigan akong gumawa ng paraan ng hindi ko alam.

Ngayon, ito kami. Nandito sa bahay para ipagdiwang ang ika-isang taon naming dalawa. Totoo palang may rainbow after the rain.

"Happy first anniversary, Hero." tugon ko nang makabawi sa kiliting naidulot ng kaniyang ginawa.

Ito at isang taon na kami pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pumapalyang palundagin ang puso ko sa saya. Nakakatawa lang isipin na sa edad kong ito ay kinikilig ako na parang isang teenager. Well... Ito siguro ang disadvantage kapag late na nagka boyfriend.

"I love you, Clei." aniya at marahang bumaba ang mga palad niyang nakasapo sa magkabila kong pisngi papunta sa mga kamay ko at magaan itong pinisil. Nakaupo na kami ngayon dito sa sofa galing sa paghahanda ng pagkain namin. "Let's dance." wika niya sa akin suot ang mapanuyong mga tingin. Iyong tingin na nagsusumigaw nang nag-uumapaw na pagmamahal.

Bahagya naman ako natawa. "Ng walang tugtog?" kunot-noo subalit nakangiti kong tanong.

"No music, no problem." aniya na akala mo ay napakasimple ng problema ko. "Fine. Let me just serenade you, then." pagsuko niya sa sariling ideya at inakbayan ako bago maingat na hinila palapit sa kanya at mula roon ay sabay kaming sumandal sa sofa.

Natatawa man ay hinayaan ko siya at buong pusong nagpaubaya. Kita ko ang saya sa mga mata niya at ayokong sawatain ito ng dahil lang sa nahihiya ako. Hindi ko kasi maisawang isiping hindi na akma sa edad namin ang ganito.

Mayamaya ay bigla siyang kumanta na siyang ikinasurpresa ko. "I'll be your dream, I'll be your wish, I'll be your fantasy..." kumpara sa orihinal na kanta ay mabagal ang sa kaniya na para bang ipinauunawang mabuti sa akin ang mensahe ng kanta. Hindi ko tuloy alam kung saan magtutuon; sa boses niyang lalaking-lalaki at nakahahalina o sa liriko ng kanta.

Mas inilapit niya ang ulo ko sa kaniya at halos nakahiga na ito sa dibdib niya kaya rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya pati na rin ang vibration ng boses niya mula rito habang patuloy sa pagkanta. "I wanna stand with you on a mountain, I wanna bathe with you in the sea, I wanna lay like this forever, until the sky falls down on me."

Hindi ko naiwasang balikan ang mga panahon kung paano siya nagsimulang iparamdam sa akin ang pagmamahal niya. Isa-isang bumalik ang mga ito sa akin kaya hindi ko na napigilan ang pangingilid ng luha ko. Hindi sa lungkot, kundi sa saya. I wanna lay like this forever too, Luk. Sa piling mo, sa mga bisig mo.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now