KABANATA 7

3 1 0
                                    

Pasado alas kwatro ng madaling araw nang magising ako. Mas maaga ito sa nakasanayan ko na pero wala akong choice. Kailangan kong isakripisyo ang kasarapan ng tulog ko para maging ganap na Psychologist.

Saglit muna akong nagkape at nag-isip. Napansin kong ilang linggo nang hindi bumibisita si Calixx sa akin. Hindi rin tumatawag sila mama. Si Kenji kaya? Mukhang busy silang lahat.

Nang maubos ang kapeng iniinom ay tumayo na ako bago pa man lamunin ng lungkot gawa ng pag-iisip. Agad akong pumasok sa banyo at naligo. Wala pa yatang kinse minutos ay lumabas na rin ako. Hindi ko alam kung bakit hindi na nawala sa akin ang ugali ng pagmamadali. Kahit napaka aga pa ay pakiramdam ko mahuhuli pa rin ako sa klase ko.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay muli ko itong pinasadahan ng tingin sa salamin. Wala kaming uniform sa unibersidad na pinapasukan ko kaya malaya kong naisusuot ang kahit na anong damit na gusto ko. Isang washed jeans at checkered plaid polo shirt lang ang suot ko na tinernuhan ko ng paborito kong chuck taylor.

"Alright. Let the battle begin!" pagkausap ko sa sarili ko tsaka kinuha ang bag ko at huli ang cellphone ko.


1 message received.


From: Seff

Cijz! I'm not single anymore!



Kagabi pa pala ito at umaga na nang mabasa ko kaya agad akong nagtipad sa cellphone ko para tawagan siya. Sabado ngayon at mamaya pa naman ang pasok ko sa masteral ko kaya may oras pa ako para kumustahin siya. Well... Ako lang naman itong nagmamadali palagi.

"Good morning, my so in love friend!" nanunudyo kong bungad sa kanya.

"Cijz!"

"So, how was your sleep? Mukhang ang sarap, ah?"

"Hahaha. Sira." napangiti ako. Halatang nakangiti rin siya ngayon dahil marahil sa kilig.

"Kumusta?"

"Masaya. I never thought that falling in love feels like heaven, Cijz."

"Hahaha. Taray. Parang hindi na heart-broken." huli na nang mapagtanto kong nagkamali akong sa pinakawalan kong biro.

"Well, it's just nice falling in love with the person who is also in love with you. You know, when you both can share your love."

"Tama ka, Seff. Shocks! I'm so happy for you! Basta ha, hinay-hinay lang."

"Yes ma'am. Nandyan ka naman eh."

"Oo naman. My gosh! Can't wait to see you two!"

"Me too, Cijz."

"Sige na. Enjoy your day. Baka tinatawagan ka na niya. Isipin pa may iba ka. Hahahaha."

Hanggang sa matapos ang pag-uusap namin ay hindi na yata nawala ang ngiti sa aking mukha. Totoong masaya ako para sa kaibigan ko. Mabuti siyang tao at hindi mahirap mahalin. No wonder, nagkagusto sa kaniya si Renz. Sayang lang talaga at hindi umayon sa kanila ang tadhana.

"What's with those smiles?" untag ni Luk na siyang ikinagulat ko. "Good morning, my Heroine." aniya at ginawaran ako nang magaang dampi sa noo.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko dahil napaka aga pa.

"I came here to see you, of course." may kapilyuhan niyang turan. "Ayaw mo ba?" aniya at biglang sumimangot kaya natawa ako.

"Para kang bata." kapagkuwan ay sagot ko at ipinulupot ang isang braso sa bewang niya at iginaya siya papasok sa bahay. Lumabas kasi ako noong tinawagan ko si Seffie para lumanghap nang sariwang hangin.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now