KABANATA 19

5 1 0
                                    

"Welcome to Mayon Volcano!" bulalas ni Franz na halos magsilbi na naming tour guide dahil marami siyang alam sa lugar.

Para akong nahulog sa perpektong hugis apa ng Mayon. Ang ganda! Mula sa berdeng bukanang bahagi hanggang sa naghahalong itim at abong kulay malapit sa bunganga nito ay talagang wala itong kapintasan. Idagdag pa ang makapal at mahabang ulap na nakapalibot sa bandang tuktok nito na wari mo ay nakayakap dito. Talagang kaibig-ibig ito.

"Beautiful. Just like you." bulong ni Luk sa akin. Parang kiniliti ang puso ko sa paraan ng pagkakasabi niya noon. Kasunod ay ang pagsisikop niya sa kamay naming dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kakaibang dulot na epekto nito sa akin. Talagang labis na saya pa rin ang hatid ng mga simple niyang kilos.

"Jacob, saksi ang kagandahan ng Bulkang Mayon." pukaw sa amin ni Gab sa malakas na boses nitong pagkausap kay Jacob. Mayamaya ay lumuhod ito sa harapan nito na siyang ikinagulat naming lahat. "Will you marry me?"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Agad siyang tinabig ng paa ni Jacob kaya napahandusay siya at muntik ng makipag-daupang palad sa lupa. Halatang hindi niya iyon inasahan kaya mas napuno ng tawanan ang paligid.

"Walang hiya ka, pre! Kadiri!" tatawa-tawang asik nito sa kaibigan.

"Ito naman! Nagpapractice lang, eh." reklamo naman nito nang makabawi sa pagkatumba. Pinapagpag nito ang nadumihang damit. "Mabuti na lang at hindi naputikan. Bwisit na 'to."

"Maghanap ka ng babaeng pagpapraktisan. Huwag sa akin. Ayan si Kim, oh!"

"Hoy!" agad nitong pagtutol. "Ako na naman ang nakita mong Hakob ka!"

Hindi na talaga mawawala ang asaran sa barkadang ito. Kaya ang saya nilang kasama, eh.

Hindi ko pinagsisisihan na sumama ako sa kanila dahil bukod sa nadagdagan ang baterya ko ay nakikita ko rin sa kanila ang saya.

"Ang ganda ng punta natin dito ngayon." mayamaya ay sabi ni Franz. "Nagpakita sa atin ang Mayon. Noong kami kasi ay halos matabulan na ito ng ulap."

"Ang ganda-ganda!" ani Nikki.

"Parang ikaw." nakangiting sagot naman nito sa kasintahan. Hindi ko tuloy maiwasang hangaan ang dalawang ito. Buhay na buhay ang pagmamahal sa mga mata nila sa tuwing titingnan ang isa't-isa. Masaya akong sa wakas ay may pinaplano na rin nilang magpakasal.

Nagulat naman ako nang pisilin ni Luk ang kamay kong kanina pa niya hawak. Suot ang pagtatakang nilingon ko siya. "Gaya-gaya si Franz." nakanguso niyang maktol na ang tinutukoy ay ang sinabi nito sa nobya kaya natawa ako. "Mas maganda ka pa sa Mayon." anito. Napaka competitive talaga.

Ilang minuto rin naming nilibot ang paligid. Kaniya-kaniyang kuha ng larawan ang bawat isa at hindi rin nawala ang kuha naming buong barkada.

"Sayang. Wala sila Dianne, Seffie, at Renz." ani Jacob.

"And Miss Marionne." dagdag pa ni Gab.

"Kailan kaya natin makakasama sa gala ang isang iyon?"

"Malay niyo naman. Ganoon din si Cleah noon, eh. Hindi sumasama sa gala. Pero tingnan niyo ngayon, napa absent pa natin sa MA niya." tatawa-tawang wika ni Jacob. Hindi ko rin talaga inasahan na sasama ako.

"Ang hirap niyo kasing tiisin, eh" natatawa kong sagot.

"Tara na! Mag ATV tayo!" aya ni Kenneth na ngayon ko lang narinig ang boses simula nang dumating kami.

"Yieee! Solo solo, ah." ani Kimberly.

"Oo. Dahil walang may gustong samahan ka sa ATV mo!" tudyong sagot naman ni Jacob. At ang kasunod na naganap na ay ang habulan nilang dalawa na sinabayan pa ni Gab.

"Sino kaya sa kanila ang may gusto kay Kimberly?" tanong ko sa katabi kong maganda ang ngiting sa akin pala nakatingin.

"I don't know." aniya at hinila na ako palakad sa mga kasama.

Tulad nga ng hiling ni Kimmie ay nagkaniya-kaniya kami ng ATV. Ayoko rin ng may kasama dahil gusto kong masubukang magmaneho mag-isa dahil ngayon pa lang ako sasakay sa ganito. Sorry, Luk.

"Ang ganda talaga!" bulalas ni Nikki na hindi ko masisisi dahil ako man ay talagang gandang-ganda at humaling na humaling sa bawat nakikita.

Kasalukuyan kami ngayong nananakbo sa isang trail na ngayon ay papalapit na sa isang ilog. "Waaaaaah! Mababasa ang sapatos ko!" parang baliw na sigaw ni Sammie.

Mababaw lang ang tubig pero mukhang may kahabaan ito. At dahil hindi patag ang daan ay tumataksil sa amin ang tubig dahilan upang mabasa talaga kami.

"Hoooooooh! This is fun!" sigaw ni Kenneth.

"Tara, paunahan!" hamon ni Gab sa mga lalaki. Hindi naman kami nagpatalo at nakipag-unahan din sa kanila. Pero 'di hamak na mas mabilis talaga sila kaya naiwan kami. Napagdesisyunan kong busugin na lang ang mga mata sa bawat nakikita. Sobrang ganda talaga. Para akong nasa ibang dimensyon ng mundo kung saan may munting gubat at ilog patungo sa napakagandang Mayon.

Nang marating namin ang dulo ay iniwan namin ang ATV at naglakad sa mga batuhan. Ayon sa mga tour guide, itong mga batong ito raw ay galing mismo sa bulkan noong pumutok ito at tumaas na mula sa orihinal nitong lebel.

What a beautiful disaster.

Tanaw na tanaw na ang bulkan mula sa kinaroroon namin ngayon. Nagpatuloy pa kami sa paglakad hanggang sa marating ang helipad. "I hope worth it ang pag absent mo." mayamaya ay bulong sa akin ni Luk at kinabig ako palapit sa kaniya.

Magkaakbay naming pinanood ang magandang bulkan na para bang nagpapakitang gilas sa amin dahil litaw at lantad na ang kabuuan nito.

"I will love you for the rest of my life, Clei." dinampian niya ng halik ang ulo ko. "I'm really sorry for what I have done. I promise not to hurt you again."

"You don't have to promise me anything, Luk." seryoso kong usal na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa bulkan.

"But I want to."

"I told you, promises are just made to be broken." at natatakot akong hindi mo mapanindigan ang mga sinasabi mo Luk.

"Then I will prove you wrong." aniya at marahan akong ihinarap sa kaniya. Pinisil niya ang tungki ng aking ilong at tsaka marahang kinuha ang mga kamay ko. "Hindi ako mawawala sa 'yo, Clei. Hindi ako hahanap ni titingin sa iba kung iyan ang iniisip mo. Well, except kay Seffie dahil kapatid ko siya. Other than her, ikaw na lang at wala ng iba pa." sunod niyang pinisil ang kamay ko. "Mahal na mahal kita, Cleah."

"Mahal din kita, Luk." at hindi na ako makapaghintay na pakasalan mo ako nang sa gayon ay makapagsama na tayo.


Dumiretso kami sa Farm Plate pagkatapos sa Mayon. Dito na kami kumain ng tanghalian at dito na rin magpapalipas ng magdamag. Maganda rin dito. I think it's the best place to relax with nature and animals. Masasarap din ang mga pagkain at presko ang simoy ng hangin. I can say that this is worth my escape.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now