KABANATA 22

5 0 0
                                    

Tulala akong nakatingin sa kawalan nang biglang may kumatok.

"Heroine?"

Napatingin ako sa orasan. Pasado alas kuwatro. May isang oras na rin pala akong nakatunganga rito at hindi pa rin nakakapagpalit ng damit.

"Luk." bungad ko nang mapagbuksan ko siya ng pintuan.

"Hi." aniya at dinampian ako ng mabilis na halik sa labi. "Kauuwi mo lang?"

"Medyo kanina pa. Hindi lang agad nakapagpalit. Pasok ka."

Magkatabi kaming umupo sa sofa.

"Mukhang pagod na pagod ang Heroine ko, ah. Mabuti na lang pala at binilhan kita nito." aniya at inilabas ang isang malaking cup ng kape.

"Oh. Thanks, Hero. Mukhang kailangan ko nga talaga nito." dahil nababaliw na ako kaiisip sa nalaman ko.

"Malapit na ang birthday mo, Clei. Anong gusto mong regalo? Gusto mo na ba ng baby?" gulat ko siyang nilingon at kitang-kita ko ang pilyo niyang ngiti na kalaunan ay napalitan ng mapang-akit na tingin.

Hinampas ko ang balikat niya dahil sa kapilyuhan niyang iyon! Kapag ganitong may iniisip ako ay huwag niya akong mapaandaran ng mga ganiyang biro, ha!

"Baliw." natatawa kong usal sa kaniya at sumandal sa balikat niya.

Mukha namang wala sa isip niya ang itigil ang kapilyuhan dahil talagang nang-aakit siya. Isiniksik niya ang mukha niya sa akin at inilapat ang labi niya sa leeg ko tsaka bumulong nang mahinang-mahina sa tapat ng tainga ko. "Sige na. Please?" nanunuyang pakiusap niya. Katakot-takot na boltahe ng init ang ibinigay nito sa buong sistema ko at halos pangilabutan ako sa gumapang sensasyon sa buong katawan ko.

Hindi ito ang unang beses na nagpahiwatig siya sa akin ng ganito. Kahit sabihin kong biro lang ang mga iyon ay nauunawaan kong may parte sa kaniya na nagnanais gawin iyon at idinadaan niya lang sa biro para malaman kung papayag na ba ako o hindi. And I'm glad that he is sensitive enough to sense that I am not.

Alam kong nasa tamang edad na kami, at totoong nauunawaan ko siya dahil naiintindihan ko ang pinanggagalingan niya lalo pa at napag-aaralan ko ito sa MA ko. Alam ko ang tulong nito sa kaniya maging sa relasyon naming dalawa. Both physical and psychological, and I can't blame him for wanting that. I am well aware that their drive is stronger than women.

"I want you, Clei. My heroine." puno ng pagnanais niyang pakiusap. It doesn't sound disrespectful, though. I can still feel his respect for me out of his desire to have me. And it makes me want to grant his request but there is still one thing that is stopping me. I cannot give it to him now. I just can't. Not until we tie the knot.

Maharan akong lumayo at hinarap siya. "Tsaka na. Kapag kasal na tayo." saad ko at dinampian siya ng halik sa pisngi. "Alam mong mahal kita, at alam kong mahal mo rin ako. And I hope that it won't change just because I can't surrender myself to you now."

"Of course." mabilis niyang sabi at niyakap ako kaya napangiti ako.

Alam ko namang mas higit pa roon ang dahilan niya sa pagnanais na gawin iyon. It's beyond my body. It's more than that. It's the feeling... the validation... and more things I can not discuss further.

"Thank you."

"I love you, Clei." bumitaw siya sa akin at muli akong hinarap. "I'm sorry. Napressure ba kita?"

"Sort of." natatawa kong sagot.

Muntik na iyon. Muntik na akong mag give in. If it wasn't for my religious belief, baka pinagsasaluhan na namin ngayon ang isa't-isa.

"Sor—" akmang hinging-tawad niyang muli na agad kong sinawata.

"Shh. I understand, Luk. And I really appreciate you for respecting my decision." ayokong isipin niyang ayoko sa kaniya dahil hindi iyon totoo. Gusto ko siya. Sadyang hindi ko pa lang talaga kaya. Hindi ko kayang magpalamon sa konsensya ko sakaling gawin ang bagay na iyon ng hindi pa kami kasal. "We will do that. Okay? When the time is right." dagdag ko at walang pasabi siyang binigyan ng isang banayad na halik.

Nagulat naman ako ng bigla siyang bumitaw. "Okay. Stop." naguguluhan akong tinitigan siya. "You're turning me on, Heroine. So you better stop while I can still control myself." nauubusan ng pasensya niyang wika na siyang nagpatawa sa akin. Agad akong umayos ng upo at muling sumandal sa balikat niya.

"I love you, Hero ko." saad ko. I can't lose this man in my life. He's everything to me. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng pagod ko.

"I love you, too. My Heroine."

"Luk?"

"Hmm?"

"Paano kung hindi si Seffie ang kapatid mo?" tanong ko ng hindi man lang tumitingin sa kaniya. Nanatili akong nakasandal sa balikat niya habang nakaupo kami rito sa sofa.

"What do you mean?"

"Like... what if it's Choyen? You know. Paano kung nagkabaliktad?"

"No. That can't happen."

Bahagya akong natawa. "Bakit naman?"

"Ayoko."

"Bakit? Ganoon ba kalaki ang selos mo sa kaniya?" may panunukso kong tanong.

Naramdaman ko ang paglalaro niya sa buhok ko. Pinapaikot niya ang ilang hibla nito sa daliri niya.

"Sort of." natatawa niya ring sagot.

"Hindi nga. Paano nga kung ganoon?" pagbabalik ko ng tanong. "Matatanggap mo rin ba siya katulad ng kung paano mo tinanggap si Seff?"

Narinig kong humugot siya ng malalim na hininga. "I don't know. Baka hindi."

Napabangon ako at napaharap sa kaniya. "Bakit?"

"I don't like him." aniya. Makikita sa mga mata niya ang halu-halong emosyon. Muli ko siyang binigyan ng isa na namang bakit. "Basta. It's a guy thing, though." guy thing? Ano naman kaya iyon?

Katulad niya ay napahugot din ako ng malalim na hininga. Hindi naman na siya nag-usisa pa.

Paano ko ngayon sasabihin sa kaniya ang nalaman ko?

"Date tayo bukas, Heroine?"

Paano ko sasabihin gayong alam kong hindi niya magugustuhan ang malalaman niya?

"Clei?"

"H-ha?" nauutal kong sagot nang marinig ang pangalan ko.

"Labas tayo bukas."

Bigla akong nataranta. Hindi puwede!

"Ahm. Can we do it the other day?" puno nang pangungumbinsi kong tanong. "I have an appointment tomorrow."

"Kahit Sunday?" malungkot niyang tanong. "Ang busy mo na, Heroine." mahihimigan ang pagtatampo sa boses niya.

This is for you, Luk. I'm doing this for you.

"Babawi na lang ako sa Monday. Kumain tayo sa labas."

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now