KABANATA 11

6 1 0
                                    

"Si Choy ang nagluto niyan, Cijz! Ang galing, 'diba?" pagbibida sa akin ni Seffie sa luto ng kapatid niya.

Kadarating lang namin ngayon sa unit nila at talagang labis ang galak sa puso ko na makita uli siya. Alam kong ganoon din siya dahil simula nang dumating kami ni Luk ay wala pa ring humpay ang bibig niya sa pagdaldal. Namiss ko ang babaeng ito.

Nakita kong natawa lang si Choy sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang may kapatid siya kay Tito Joseph at hindi rin ako sanay makita ang kaibigan ko na may lalaking kasama. Sa palagay ko ay sobrang magkasundong-magkasundo na sila ngayon.

"Mukhang masarap."

"Let's eat?" alok ni Choy.

"Mabuti pa nga." ani Luk na siyang naging hudyat ng pagsisimula namin.

"Okay." nakangiti kong sagot at kinuha na ang isang putahe para lagyan ang plato ng niya.

"Ahh. Ang sweet!" bulalas ng kaibigan ko habang pinapanood ako sa ginagawa. "Ganiyan din si Choy sa akin." aniya at nang linungin sila ay nakita kong ganoon na nga rin ang ginagawa ng lalaki.


Pagkatapos kong lagyan ang sa katabi ay ang sa akin naman. Agad kong tinikman ang mga pagkain at hindi ko napigilan ang sarili na puriin ito. "Ang sarap!" bulalas ko.

"Thanks for that." tipid namang sagot nito.

Para namang kiniliti si Seff sa narinig. "See? I told you. Sobrang swerte ng mapapangasawa nitong kapatid ko."

"I didn't know na may kapatid ka pala, Seffie." hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Luk. Hindi ko naman kasi naidetalye sa kaniya ang tungkol dito. Kung may dapat mang magkwento noon, si Seffie iyon.

"Yeah. It's a long, long, long story." eksaheradang usal niya na para bang sinasabing ayaw na niyang ikwento pa sa haba nito.

Tahimik lang ang kapatid niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon.

"By the way, Cijz. Kumusta naman ang pagsusulat mo?" usisa niya.

"Okay naman, Seff. Medyo nabasawan ang oras ko dahil busy sa school at masters."

"I see. Miss ko na ang magbasa ng mga kwentong gawa mo."

"Naku, Seffie. Napaka masokistang magsulat ng kaibigan mo." reklamo na may kasamang pang-aasar naman nitong isa kaya natawa siya.

"Bakit? Ayos nga iyon eh. Syempre boring kung puro loving loving." natatawa niyang sagot rito.

"Anong isinusulat niya?" mayamaya ay tanong ni Choy na hindi sa akin nakatingin kung hindi sa kapatid.

"Love stories. Gusto mong mabasa?" parang bigla naman akong nahiya sa naisip ni Seff. Hindi ko kasi masabi na matitipuhan ng mga lalaki ang klase ng kwentong isinusulat ko. Katulad ni Luk, he's not fond of love stories.

"Why not?" aniya sa kapatid at tsaka bumaling sa akin. "Do you have the book with you?" tanong pa niya.

Agad akong napailing dahil sa pag-usbong ng hiya. "Hindi pa naka libro." pag-amin ko.

"You mean, e-book?" paglilinaw naman niya kaya tipid akong tumango.

"Wait!" singit ni Seff. "May naisip ako! Hindi ba naghahanap ka ng publishing company, Cijz?"

"Oo. Bakit?"

"I think Choy can help you." nagpalipat-lipat sa kanila ang paningin ko nang biglang tumikhin si Luk.

"Sorry. Nasamid ako." aniya tsaka uminom ng juice. "Paano niya matutulungan ang girlfriend ko, Seff?" tanong niya matapos makabawi sa pagka samid. Hindi ko alam kung bakit parang may diin ang dalawang huling kataga na sinabi niya.

"Well... kung hindi niyo naitatanong ay graduate ng Mass Communication with Journalism and Media Specialization major itong kapatid ko." buong pagmamalaki niya at inangkla ang dalawang kamay nito sa braso ng kapatid. Napangiti na lang ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito ka clingy sa iba at sa lalaki pa. Pero magkapatid sila so wala namang kaso iyon.

"Really? And then, what?" naiinip na tanong naman ni Luk na hindi tulad ko ay namangha sa nalaman. Mass Comm. Isa iyon sa gusto ko sanang kuhain noon. Malapit rin sa puso ko ang journalism dahil dati akong miyembro ng publication.

"He has connections sa mga publishing company." tipid na sagot ng kaibigan ko. "Right, Choy?"

"Yeah." tipid na sagot nito.

"So puwede mong tulungan ang kaibigan ko?" pangungulit niya rito.

"Sure. Just let me know when you need it already." may kung anong saya ang umusbong sa puso ko. Matagal ko ng pangarap gawing totoong libro ang mga kwento ko at mukhang ito na ang pagkakataon ko.

Pagkatapos naming kumain ay lumipat kami sa sala para ituloy ang kwentuhan. Maganda ang lugar na ito nila Seffie. Maayos at maaliwalas. Hindi nakakahiyang tumanggap ng bisita.

Naiwan kaming tatlo dahil lumabas ang kapatid niya saglit. Pulos kami kwentuhan nang mapansin kong biglang natahimik si Luk. Napansin din iyon ni Seffie at nang tingnan ko siya ay tutok ang paningin niya sa mga picture frames kung saan pulos larawan nila Choy at ng kaibigan ko.

Tinawag ko siya. "Pupunta tayo sa papa ni Seffie. Ayos lang ba?" pag-uulit ko sa tanong dahil mukhang hindi niya kami nasundan sa pag-uusap.

Ilang sandali pa at dumating na uli si Choy. Dinaluhan niya kami sa kwentuhan pero bilang lang sa daliri ang salitang lumalabas sa bibig niya. Mukhang introvert siya at nauunawaan ko ang kilos niya.

"Ayos ka lang?" nag-aalala kong tanong kay Luk nang makarating kami sa Hotel nila Seff kung saan kami magpapalipas ng magdamag. Hindi ko alam kung pagod lang ba siya o may iba pa.

Inalok kami ni Seffie na magpahinga muna. Pumayag na rin ako dahil masakit daw ang ulo ni Luk. Baka napagod talaga sa byahe. Ihinatid lang namin siya ni Seffie sa unit niya tsaka iniwan doon at pumasok sa isa pang unit na katabi lang ng sa kaniya.

Sa kabilang banda ay mabuti na rin ito para makapag kwento si Seff sa akin at ganoon nga ang nangyari.

"Grabe, Cijz! Hindi ko lubos maisip na bukod kay Choy ay may kapatid pa kami. Pero hindi namin alam kung nasaan siya." pagkukwento nito.

Maging ako ay hindi makapaniwala. Nakakabigla ang mga nalaman ko. Ikinuwento niya rin kung paano sila umabot sa hiwalayan ng nobyo. Tinanong ko siya kung ano ng plano niya pero wala siyang malinaw na maisagot sa akin.

"Sino ba talaga sa kanila?" hindi ko naiwasang pag-uusisa dahil kahit ako ay naguguluhan na.


Kinahapunan, bumisita kami kay Tito Joseph. Nakaconfine ito dahil sa atake sa puso. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa kaibigan ko dahil sa dami ng pinoproblema niya.

Medyo nag-aalala rin ako sa pagiging tahimik ni Loukas pati na rin sa mga ikinikilos niya. Hindi ko alam kung bakit parang may sakit at galit akong nakikita sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya. May nagawa ba ako?

"Hindi kaya nagselos kay Choy?" napapaisip na ring tanong ni Seffie. Pilit kong binalikan ang mga nangyari kanina at bukod sa pinuri ko ang masarap na luto ng kapatid niya ay wala na akong ibang maalala na dahilan sa pagbabago ng mood niya.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now