KABANATA 8

4 1 0
                                    

Banayad ang ginagawa kong pagtakbo ngayon dito sa park. Kahit kailan yata ay hindi ko pagsasawaan ang lugar na ito. Mula sa mahabang bundok na may matatayog at mayayabong na mga puno na nakapalibot dito, hanggang sa malawak na karagatang may naglalakasang mga alon, at sa sariwa at malamig na hangin, lahat ito ay nakabihag sa puso ko.

"Hey!" pukaw sa akin ng isang pamilyar na tinig. "It's you again."

Sa itsura niya ay mukhang kanina pa siya tumatakbo dahil basang-basa na ng pawis ang suot niyang navy blue shirt maging ang buhok niya. Hindi naman siguro ako sinundan nito, 'diba?

Hindi matatawaran ang ngiti niya. "Good morning, classmate." aniya na halatang idiniin pa ang huling salita sa malambing na paraan.

Natawa ako. "Are you trying to flirt with me?"

"Will you allow me?" aniya sa nakakalokong ngiti. Hindi ko kinakaya ang isang ito. Napakapilyo ng dating niya at kung ibang babae siguro ang gagawan niya ng ganito ay nasisiguro kong bibigay agad ito.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na uli sa pagtakbo pero naramdaman ko ang pagsabay niya sa akin. I don't find him scary though. Mukha lang talaga siyang pilyo pero mukhang harmless naman. Pero kahit na.

"Is that a no?" pangungulit pa niya. "I've been rejected for the second time around."

Kung hindi ko siya narinig mag Tagalog kahapon ay iisipin kong hindi ito Pilipino dahil sa tatas nitong magsalita sa wikang Ingles.

Isa pa, ngayon ko lang siya nakita rito. Pero hindi ko rin masabi na bago siya dahil hindi na rin naman ako araw-araw nakakapag jogging.

"Do you have a boyfriend?" mayamaya ay tanong na naman niya. Hindi pa rin ako nilulubayan.

Tumigil ako sa pagtakbo at taas kilay siyang nilingon pero wala itong epekto sa kaniya dahil ni hindi man lang nito nabali ang maganda niyang ngiti.

"Well, I dare that lucky guy to not make a mistake of hurting you. Because I am very much willing to catch you when he does." parang nanindig ang balahibo ko sa huling sinabi niya. Idagdag pang wala na ang pilyong ngiti nito sa mga mata at tanging sinseridad ang nakikita ko rito. Weird. "I better go. See you again, my dear classmate." aniya at mabilis na dinampian ng halik ang pisngi ko.

What!?

Sa gulat ko ay para akong natuod sa kinatatayuan ko. May kung anong biglang naghabulan sa dibdib ko at hindi ko mahabol ang paghinga ko. Wala sa sariling agad kong inilibot ang paningin sa paligid sa pag-aalala na nandito rin si Loukas at nakita niya ang nangyari. Nang walang makitang bakas niya ay doon pa lang ako nakahinga nang maluwag, pero hindi pa rin makaalis mula sa gulat na ginawa ni Hanz!

Shocks talaga! Ang isipin pa lang na magkikita kaming muli sa darating na Sabado ay talagang nagpapasakit na sa ulo ko.

My gosh! Gusto ko lang naman pong mag-aral ng masters ko pero bakit kailangan pa ng ganito?

"Hi, guys! Kumusta? It's been a while." muli kong naisipan na gumawa ng podcast dahil matagal-tagal na rin ang huli.

Naging abala ako nitong mga nakaraang araw at ngayon ko na lang uli ito napaglaan ng panahon.

"You know the word longing?" tanong kong muli. "Naranasan niyo na ba iyon? Sa tao man o sa bagay? Naranasan niyo na bang masabik o mangulila sa isang bagay, tao, o pangyayari na hindi niyo magawang maabot? Anong pakiramdam?" sunod-sunod na tanong ko. And just like before, parang kinakausap ko lang uli ang sarili ko. I have this feeling inside of me that longs for an assurance of my future with him. At hindi ko alam kung bakit halos iyon na ang umokupa sa isip ko nitong nakaraan linggo.

Somehow, nailalabas ko ang mga isipin kapag ginagawa ko ito.

"I bet it's hard. Mahirap mangulila kapag wala kang magawa. Mahirap asamin ang isang tao o bagay kung alam mo sa sarili mo na hindi puwede o walang pagkakataon. But I wanna ask you this; anong ginagawa niyo kapag nararamdaman niyo iyon?" this is the main goal of this podcast. Ang pag-isipan kung paano ito lalabanan.

Mahirap malunod sa lungkot. Nakakabaliw.

"When we are sad, we tend to find diversion or distraction. Tama ba? Walang mali roon. You know guys what makes it wrong? It's our actions. Paano? Minsan kapag may pangungulila tayo, sinusubukan natin itong makuha sa iba. And with that, malaki ang posibilidad na makagawa ka ng isang bagay para lang punan ito. Bagay na sa huli ay maaaring pagsisihan mo."

Marupok tayo kapag emosyonal. Lalo na kung nasasaktan. Iyon ang kahinaan ng marami kapag nasa ganoong sitwasyon. Kaya nga minsan, hindi ko masisi ang mga taong nagkakasala. Pero hindi ko sinasabi na tama iyon. Cheating will always be cheating. Nasa tao na lang talagang lolokohin kung magpapatawad siya at magbibigay ng kung ilang pagkakataon ang kaya niya.

"Yes. I know it's broad. Masyadong malawak, but I want to keep it this way. I want you to think about it. I'm not going to give examples. This time, I want you to reflect on yourself. And I hope to help you in a way. So, feeling lost? I got your back!"

Isang malalim na buntong hininga ang hinugot ko nang tapusin ko ang bagong episode. Niligpit ko ang mga ginamit at tsaka nahiga sa kama ko. Mabuti pa si Ate Jax, ikakasal na. Napapikit ako at hinayaan ang sarili kong mangarap ng sariling kasal sa isip ko. Hanggang sa makatulog ako at umaga na nang magising.

Isang magkakasunod na katok ang gumising sa akin.

"Clei?"

"Shocks!" bulalas ko sa sarili nang maalimpungatan. Nang tingnan ko ang orasan ay ala sais na! Shocks talaga! Mahuhuli ako!

Dagli kong tinungo ang pintuan ng bahay para pagbuksan ang mukhang kanina pa kumakatok at iniluwa nito ang nobyo ko. "Hey." aniya na suot ang pag-aalala habang ako naman ay hindi maintindihan ang sarili kung bakit may kung anong bumabagabag sa dibdib. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa kaniya ng dahil sa isang nakaw na halik sa pisnging iyon kahit wala naman akong ginagawang masaya.

"L-luk." kandautal kong sabi.

"What's wrong? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot. Nag-alala ako sa 'yo kaya naisip kong daanan ka na and I'm right because you're still here. Ayos ka lang ba? May sakit ka ba, Clei?" aniya sa tonong nag-aalala at agad sinuri ang noo at leeg ko. Nang walang mapansing kakaiba ay muli itong nagsalita. "Baka ma late na tayo."

Doon lang ako nakakilos at nagbigay daan upang makapasok siya. Ano ba, Cleah? Wake up your senses! Naiirita kong sabi sa isip ko.

"Maliligo lang ako." usal ko at agad na bumalik sa kwarto para kumuha ng tuwalya at panloob na damit.

Aaminin kong nakalimutan ko na ang tungkol sa ginawa ni Hanz kahapon pero bigla itong bumalik nang makita ko si Luk. Pakiramdam ko ay nagtaksil ako sa kaniya kahit hindi naman. Ngunit ang isiping sabihin ito sa kaniya ay hindi rin maganda ideya dahil siguradong gulo ang kasunod na mangyayari at ayoko ng umabot pa roon.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now