EPILOGO

5 0 0
                                    

"Mommy, mommy! Si Kenshin po ayaw ako pahiramin ng toys." sumbong na reklamo nito sa kapatid.

"Hindi nga kasi ito pang girl, Paris."

"Ninang Cleah, I will let Paris borrow my toys na lang po." ani Kazuya na ngayon ay tumakbo na papunta sa mga anak namin.

Sinundot ako ni Seffie sa tagiliran. "Don't you find them cute together, Cijz?" nakangisi niyang tanong na tinutukoy ang mga anak namin.

"Hoy! Bata pa iyang mga iyan." natatawa ko namang asik sa kaniya.

"Bakit ba? Ang cute kaya." aniya na tutok ang paningin sa mga bata. "I can't still believe it, Cijz. Grabe. Ang liit ng mundo para sa ating apat nila Luk at Choy. Kaya ka siguro napadpad dito sa Quezon. To bind us all together."

"You think?" natatawa kong tanong kahit ang totoo ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Hinampas niya ako sa braso. "Napaka mo!" maktol niya. "Pero bilib din ako sa 'yo dahil sa mga pinagdaanan mo. I'm sorry kung hindi kita nadamayan during those times."

"Ano ka ba, Seff. Ayos lang. Hindi ko rin naman gugustuhing mapahamak kayo ng inaanak ko, ano."

"But I'm glad na naayos niyo pa rin ni Luk. And look! Kambal pa talaga! Ang galing galing niyo, Cijz! Paano niyo ginawa iyon? Pabulong naman, oh. HAHAHA!"

"Sira. Hindi ko rin alam."

Hindi ko maiwasang mapangiti sa pagbabalik tanaw naming magkaibigan. Buong akala ko ay wala na talaga. Hindi ko na inasahan pang babalikan niya ako. At sa ganoong paraan pa talaga! Pero aaminin kong sobrang saya ko noon. I never imagined that he will lower his pride to really marry me. Not once, but twice!

Tinotoo niya ang sinabi niya noong araw na nagkita uli kami. Talagang pinakasalan niya uli ako sa simbahan. Noong una, akala ko ay hindi valid ang kasal namin sa bundok pero nagkamali ako. Totoo iyon at sila Choy mismo ang witness. Hindi ako makapaniwalang nagawa nila iyon. At pagkatapos naming ikasal doon ay talagang nag honeymoon na kami. Ilang linggo lang pagkatapos ng kasal naming iyon ay ikinasal uli kami sa simbahan.

Masyadong mabilis ang lahat, pero mukhang iyon ang inatupag niya noong mga panahong wala siya. Hindi ko tuloy alam noon kung maiinis ba ako o matutuwa dahil halos mabaliw ako noon sa paghihintay at kaiisip kung babalikan niya pa ba ako habang siya pala ay kasal na namin ang pinaghahandaan.

Paano pala kung hindi ako pumayag?

Pero napakaimposible noon! Dahil wala akong ibang pinangarap kung hindi ang mabuhay kasama siya, habang buhay.

"Can I borrow my wife, Seff?" sabay kaming napalingon sa dumating.

"Sure." agad na sagot nito. "I'll look after our kids." dagdag pa niya na masayang pinapanood ang pitong taong gulang naming mga anak.

Seventh Birthday ng kambal naming sila Kenshin na ang ibig sabihin ng pangalan ay Truth at ni Paris na sa City of Love naman kinuha. We both agreed to base their names on our love story where we managed to overcome the challenges between doubts and trust, and love and pride. Ilang buwan lang ang tanda sa kanila ni Kazuya at tuwang-tuwa si Seffie roon dahil ayon at magkakalaro na sila.

"Thanks." sagot ni Luk at inaya na ako palayo sa mga tao.

"Saan tayo pupunta?"

"Wala. Lalayo lang sa kanila."

"At bakit?"

"Kasi gusto kitang masolo."

"Sira."

Dinala niya ako sa may garden nitong private resort at tulad ng sinabi niya ay talagang solo niya ako dahil walang ibang tao rito maliban sa amin.

Inaya niya akong maupo at tsaka tinabihan. Magkaakbay kaming pinapanood ang papalubog na araw nang bigla siyang kumanta. "When the visions around you bring tears to your eyes."

Napangiti ako. Isa ito sa kanta noong kinasal kami. Hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa rin sa akin ang tagpong iyon. Hindi iyon ang pinakamagarbong kasal ngunit para sa akin ay iyon ang pinaka espesyal dahil kasama namin ang pinaka importanteng mga tao sa buhay namin. Higit sa lahat, buo na uli ang pamilya niya, kasama si Choy.

"And I will take you in my arms, and hold you right where you belong. 'Til the day my life is through, this I promise you." pinag-isa at pinagsagpong niya ang mga kamay namin at isinandal ako sa dibdib niya.

Sa loob ng pitong taon, bumawi siya. Ginawa niya ang lahat para mapawi ang mga sakit na naidulot niya. At ganoon din ako sa kaniya. Simula noong naikasal kami ay ginawa ko ang responsibidad ko sa kaniya bilang isang asawa. Finally, I surrender my all to him.

"Every word I say is true, this I promise you. Ooh, I promise you."

I can finally say now that he is showering me with the love and intimacy that I deserve. Kasama ng mababait at mapagmahal naming supling.

"I love you forever, Clei. My Heroine. My lovely wife."

Napangiti ako at mas sumiksik sa dibdib niya.

I can never ask for more. He's not perfect, but he is doing his best. I'm not perfect though, but I am doing all that I can as well. He deserves all the love that the world has withheld from him.

Walang perpektong relasyon, but I believe that love can heal our wounds. And of course, through Him, nothing is impossible. I'm so glad I didn't give him up. That I didn't let my pride and pain rule me. I am now the happiest woman with the love of my life, Loukas.



WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE

April 4, 2023-May 4, 2023

By: Skyesha

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now