KABANATA 27

5 1 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas pero wala pa ring paramdam mula sa kaniya. Pareho-pareho na kaming nag-aalala ngunit wala rin namang magawa kung hindi ang maghintay lang kung kailan ang balik niya. At sa bawat araw na lumilipas, unti-unti na akong naniniwala na wala na rin kaming dalawa.

Pero kailangan kong magpatuloy. Hindi na ako papayag na mawala uli. At kung sakali mang dumating sa punto na maghiwalay kami, siguro ay mamahalin ko na lang ng mag-isa ang aking sarili.

"Here." pukaw sa akin ng isang pamilyar na tinig. "There's a buy one, take one there so..." aniya na hindi maitutok sa akin ng diretso ang paningin.

Tinanggap ko ito. "Thank, Hanz."

"Try it. Masarap." aniya at nauna ng uminom sa sarili niyang kape.

"Hmm. Masarap nga. Iba talaga kapag libre." pagbibiro ko tsaka natawa sa sarili kong sinabi. Nakita ko namang napatulala siya sa akin kaya nagtaka ako. "Bakit?"

"It's been a while since I saw you smile." mataman ang tingin niyang sabi sa akin.

"Baka naman busy ka lang sa pagtingin sa iba." panunukso ko.

"Wow. Are you accusing me?"

Nakangisi ko siyang sinagot. "Slight."

"Hah! How many times do I have to tell you how loyal I am to you?" walang bakas ng panunukso o pagbibiro niyang tanong at talagang sineryoso niya ang sinabi ko.

Napangiti ako. Somehow, I'm thankful to this man because he's making me forget about my problems temporarily. Kahit isang araw sa isang linggo lang kami kung magkita, I can't deny the truth that he's saving me from so much sadness. But I can't be selfish. And I have to be honest with him.

"Hanz..."

"Stop. Don't you dare continue what you're about to say." aniya sa matigas na wika.

"Please listen to me."

"No. I know what you are going to say and you don't have to remind me about it once again."

"I just wanna be clear."

"Everything is clear to me, Cleah. You love him, I know. So please don't reject me for the nth time. Siya lang naman ang malabo rito at kahit gaano ko gustuhin na saluhin ka, alam kong hindi iyon mangyayari hanggat nakakapit ka sa kaniya."

"I'm sor—"

"Quit that, Cleah. I told you. I don't expect anything in return. I just wanna be with you. It's the least that I can do, so please... Isipin mo na lang na ginagawa ko ito as a friend."

"As a friend. Okay." pagsuko ko. "Thank you."

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay. At hindi ko rin alam, kung mayroon pa ba akong hinihintay.


Pagkatapos ng MA ko ay umuwi na rin ako. Katulad ng dati ay para na naman akong pagod na pagod. Ilang sandali pa lang akong nakaupo sa sala ay may biglang kumatok.

"Tito Jim?"

"Iha."

"A-ano pong ginagawa niyo rito?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siya agad ang pumasok sa isip ko nang makita ang ama niya sa harapan ko.

May nangyari ba kay Luk? Shocks!

Mataman niya akong tinitigan kapagkuwan ay sinagot. "Gusto sana kitang makausap."

"Sige po. Tungkol saan po ba?" tanong ko sa kabila ng mga kung anu-anong isipin.

"Alam kong nahihirapan ka na sa anak ko, iha." nagitilan ako. Kita sa mukha niya ang simpatya at may kung anong parang humaplos sa puso ko. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ba ako sa sarili ko. "But please don't leave him." paano ko po siya iiwan Tito, kung ako itong iniwan na niya? "Mahal ka ng anak ko, Cleah. Nakikita at nararamdaman ko iyon sa kaniya. At malaki ang naitulong mo para sa kaniya." pero hindi pa rin po mabubura noon ang katotohanang natatapakan ko ang ego at pride niya.

At masakit isipin na ganoon niya ako nakikita. Simula nang maging kami ay wala akong ibang hinangad kung hindi ang ayusin ang sarili ko at galingan ang bawat ginagawa ko dahil gusto kong maging proud siya sa akin. Dahil isa siya sa mga inspirasyon ko. Kaya nagulat ako nang malamang isa pala akong sampal sa pagkatao niya.

Napapaisip tuloy ako ngayon kung karapat-dapat pa ba ako sa kaniya gayong tanging sakit pala ang naibibigay ko sa kaniya ng hindi ko alam. Paano ko pa buburahin sa isip ko ang katotohanang nasasaktan ko siya sa bawat papuri at paghangang ibinibigay sa akin ng iba? Paano ko maaatim na manatili sa tabi niya kung alam kong nasasaktan ko pala siya?

I thought he was proud of me. I thought he would never leave me and love me for the rest of his life.

Akala ko lang ata ang lahat. Humawak na naman ba ako sa mga salitang hindi ako kayang ilaban hanggang sa kadulu-duluhan?

"Believe me, iha. Ikaw ang gusto niyang makasama habang buhay."

"Pero wala po siyang planong pakasalan ako, Tito. He told me himself... that he doesn't believe in marriage." hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. "Anong assurance kong mahal niya talaga ako kung hindi niya ako ihaharap sa dambana, Tito?" parang gumuho ang mundo ko sa sarili kong tanong.

"I'm sorry. I think I'm the one to blame. He doesn't believe in marriage because of me. Because of us. Because of our failed marriage. For the longest time, nagalit ako sa mama niya. And he grew up feeling the same. That's when he told me that he will never fall in love with anyone. Not until you came, Cleah anak. You changed him. You made him believe in love. And I'm sure, you can make him change his perspective about marriage, too. He just needs time, anak."

Gustong kong panghawakan, Tito. Gusto kong maniwalang kaya kong gawin iyon. Pero ang hirap. Ang hirap magmahal ng taong hindi pa tapos masaktan sa nakaraan. At hindi ko na kayang maubos uli. Kailangan kong magtira para sa sarili ko dahil hindi ko na alam kung paano pa babangon sakaling masagad uli ako.

"I know my son. He doesn't give up easily. And I can assure you that he will make things up to you. Just please believe in him." hindi ako nakakibo. Aaminin kong pasuko na ang malaking parte ng puso ko. "Please wait for him."

Can I still wait for him?

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now