KABANATA 5

5 1 0
                                    

I can't believe I am actually living my dreams now. Having a stable job with good credibility where I really excel in everything, receiving praise, awards, and recognition. And now, pursuing my master's degree to become a professional and licensed Psychologist. Nakakatawa lang na kailangan ko munang mawala bago matagpuan ang sarili at makapagsimula uli.

"Miss! Ready na po kami." pukaw-atensyon sa akin ng isang Grade 8 student na kasama ko ngayon dito sa performing arts room. Ngayong linggo na ang Nutrition Month Celebration at bukas na ang performance nila kaya puspusan ang ensayo namin para sa short skit nila.

Ako ang naatasang gumawa ng script ng mga bata kaya ako na rin ang pinakiusapan nilang magtrain sa kanila.

Pasado ala singko na at hinihintay ko na lang makumpleto sila dahil halu-halo ang mga gaganap galing sa iba't-ibang level.

"Okay. Review your script first. Hintayin lang natin ang Grade 10 at sila Sir Gab."

Hindi nagtagal at isa-isa na ring nagsidatingan ang iba pang miyembro ng teatro kasama si Gab na kasama rin si Jacob. Itong dalawang 'to, hindi talaga mapaghiwalay.

"Okay. Last practice na natin ito kaya dapat pulido na, ha?" paalala ko pa sa kanila.

Ang konsepto ng maikling dula ay mga dalawang grupo ng magkakaibigan na ang isa ay hindi kumakain ng gulay at prutas habang ang isa naman ay kabaliktaran nila. Magtatagpo ang mga grupo nila at may dalawang magkakagustuhan mula sa kaniya-kaniyang nilang grupo at ang magiging dahilan ng hindi nila pagkakasundo ay ang pagkain. May pagka kwela ang kwento kaya maging kami ay hindi namin maiwasang matawa buong panahon na nasa practice.

"Yes, Miss."

"Okay. Game, game. Tama na ang ligawan." ani Gab na inaasar ang mga estudyante namin.

"Sir naman." reklamo ng isa at kalaunan ay wala na ring nagawa.

Nakakatawa lang na talaga palang nanliligaw itong Grade 10 namin sa Grade 8 student na kasama nila. At bilang isang considerate director of this skit, sila na rin ang ginawa kong bida at gaganap sa parehong role sa script na ginawa ko. At hindi ako nagkamali dahil mas naging natural ang daloy ng istorya.

"Hi, Mika. Para sa 'yo." sabi ng male lead.

"Saging?" dismayadong sagot ng babaeng nililigawan niya sa istorya. "Mukha ba akong unggoy?" kunwaring bulong pa nito sa sarili.

"Oo. Maganda sa katawan iyan. Lalo na sa puso." nakangiti subalit seryosong turan naman ni Yuri na para bang isang doctor na pinapayuhan ang nililigawan. "Sabi ko naman sa 'yo, aalagaan ko ang puso mo." dagdag pa nito sa malambing na paraan. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti dahil ang cute nilang tingnan. Kahit kasi drama lang ito ay may parte sa akin na hindi maiwasang isiping totoo na rin ang linyahan ni Yuri dahil ang natural talaga. Maging ang ngiti ni Mika ay hindi rin pilit at para bang kinikilig din talaga.

"Oo na!" aniya na siyang ikinalito naman ng kausap.

"Ha? Anong oo na?" tanong ni Yuri.

"Sinasagot na kita."

Nagtalunan ang ibang casts sa gilid namin nila Gab at Jacob. Halatang mga kinikilig na rin ang mga ito pero hindi makapanggulo dahil on going pa ang practice scene.

"T-talaga?"

"Ayaw mo ba?"

"Gusto, syempre!"

"Iyon naman pala, eh. Edi tayo na. Isa pa, natutuwa sa 'yo si mama. Bukod kasi sa maalaga ka, alam mo raw ang halaga ng gulay at prutas kaya nasisiguro niya raw na bubusugin mo ako ng sustansya at pagmamahal."

Nagyakap ang dalawa kasabay ng pagsigaw ni Gab ng "Cut!"

Para namang iisang tao ang mga kasama namin na sabay-sabay sumigaw at pumalakpak.

"Yiiiiiiieeeeee! Sana sa totoong buhay rin sagutin ka na!" kantyaw ng mga kaibigan nila matapos gawin ang huling eksena.

Napailing na lang ako habang nakatawa. Nakakamiss maging estudyante. Nakakamiss ang panahon na simple pa ang lahat.

"Okay na tayo. Galingan niyo bukas, ha? Kailangan maging maganda ang drama niyo para naman hindi masayang ang pinaghirapan nating lahat." ani Jacob.

"Yes, Sir!" sabay-sabay rin nilang sabi.

"Congrats, guys. Ingat kayo sa pag-uwi. Diretso bahay, ha?" natawa naman sila at kalaunan ay isa-isa na ring umuwi.

"Sa wakas! Tapos na rin!" bulalas ni Gab na akala mo ay pagod na pagod kaya natawa ako.

"Thanks sa inyo." sabi ko.

"No." pagtutol naman ni Jacob. "Thanks to you, Cleah. Kung hindi mo kami tinulungan mag conceptualized, baka hindi pa kami tapos ngayon."

"Grabe naman iyon." natatawa kong sagot. Kung makapagsalita kasi siya ay para bang ito ang unang beses na ginawa nila ang ganito samantalang bago pa man ako dumating dito ay may mga ganito na sila.

"But kidding aside, Jacob is right." segunda naman ni Gab. "Dati na naming ginagawa ang ganito pero mas naging madali ngayon dahil sa tulong mo."

Parang hinaplos ang puso ko sa mga sinasabi nila. Hindi ko tuloy alam kung ano pa ang isasagot ko.

"Puwede ko na bang makuha ang mahal ko?" sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Luk!" sigaw ko at agad siyang sinalubong. Alam kong kanina pa siya naghihintay na matapos kami.

"Sino kami para pigilan ka?" natatawang sagot ni Gab. "Mahal ko ang buhay ko so I can't afford to be punched by you." pang-aasar pa nito.

"Mabuti naman kung ganoon." pagpatol naman ni Luk sa biro ng kaibigan kaya sabay sabay kaming natawa. "Sige na. Bye!" aniya at agad na akong hinila palabas ng performing arts room.

Possessive boyfriend.

"I miss you, my Heroine." bulong niya habang nakaakbay sa akin at sabay na naglalakad palabas ng eskwelahan. Nakauwi na ang mga kaibigan namin at kami na lang ang naiwan dahil sa practice.

"Hmm. Ang OA mo." sabi ko sabay hampas sa kabilang balikat niya.

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. "Hindi mo ako namiss?" shocks! Ang cute niya! Para siyang batang nagtatampo.

"I love you." sagot ko na alam kong hindi niya inasahan dahil kitang-kita ang gulat sa mga mata niya na kalaunan ay napalitan din naman ng ngiti.

"That's way better." aniya. "Let's go. Lutuan mo ako ng corned beef with egg." dagdag pa niya at muli akong inakay pasakay ng sasakyan niya. Corned beef with egg? Tortang corned beef lang 'yon eh...

Hindi na ako nagreklamo pa at nagpatianod na rin sa kaniya. Parang kailan lang, naka motor pa siya. Ngayon, de kotse na. What a relief! At least hindi ko na kailangang nerbyosin sa pag-angkas.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now