KABANATA 13

4 1 0
                                    

"DO YOU LOVE HER?" mapait kong tanong sa kaniya sa kabila ng naging sagot niya sa akin matapos kong sariwain sa isip ang mga lumipas na panahon naming dalawa. Mas ramdam ko na rin ang malamig na hampas ng hangin dahil sa malalakas na alon. Ilang oras na kami rito pero hindi pa rin nabibigyang linaw ang dahilan ng pag-aaway naming dalawa.

"Hindi ganoon, Cleah. Mali ang iniisip mo." natatarantang aniya habang hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

Simula noong bumisita kami kay Seffie sa Maynila ay nagsunod-sunod na ang problema sa relasyon naming dalawa. Noong una ay natitiis ko pa. Pinipilit ko siyang intindihin kahit ang sakit-sakit na.

"Gumaganti ka ba?" hirap na hirap kong tanong.

Ilang beses na kaming nag-away. Kung sinu-sino ang mga nadamay ng dahil sa selos niya.

Muling bumalik sa akin kung paano ko siya sinuyo pagkatapos naming dumalo sa kasal ni Seff. Galit na galit siya noon dahil sa garter game kung saan si Choy ang naglagay ng garter sa hita ko. At ang nakakainis na emcee, talagang ipinasagad iyon hanggang sa singit ko!

Naalala ko rin ang nangyari nitong huling punta namin sa Alibijaban Island kasama sila Renz. Hindi ko alam na nagkausap silang dalawa at pinahagingan siya ni Renz tungkol sa kung paano niya pakitunguhan si Seff at nag-away uli kami ng dahil doon. Hanggang ngayon ay issue pa rin sa kaniya ang pagiging magkaibigan namin ni Renz. At oo, kahit kasal na ang kaibigan kong si Seffie ay napapansin ko pa rin ang kakaibang kilos niya. Pero sa tuwing titingnan ko ang kaibigan ko, mukhang wala sa kaniya ang mga iyon. Nakikita kong masaya siya sa asawa niya lalo na ngayon at magkakaanak na sila.

Gulong-gulo na ako! Hindi ko maintindihan kung bakit masyado siyang malambing kay Seffie. Napansin din iyon ng mga kaibigan namin pero alam kong hindi lang nila ako matanong nang diretso. Wala rin naman akong maisasagot kung magkataon.

Halatang naguluhan siya sa itinanong ko. "Anong gumaganti?"

"Nagseselos ka kay Choy, kay Renz, at sa kung kani-kanino pang lalaki na wala namang lugar sa puso ko. Gumaganti ka ba? Kaya ba ganiyan ka sa kaibigan ko dahil pinagseselos mo rin ako?" habol ang hininga kong himutok kasabay ng tuloy-tuloy kong pag-iyak. Pakiramdam ko ay natutuyuan na ako ng lalamunan.

"No, Clei. You don't understand. You're getting it wrong. Believe me." pambihira! Ipaintindi mo sa akin, Luk!

"Luk, can't you see? I'm trying real hard to understand you, pero anong magagawa ko? Kahit ilang ulit kong sabihin at ipaalala sa sarili ko na psychology graduate ako at trabaho kong unawain at intindihin ang isip at kilos ng isang tao, hindi ko magawa pagdating sa 'yo. I just can't! Dahil ordinaryong tao lang din ako pagdating sa 'yo. I get confused, I get puzzled, and I get hurt. And no matter how I try to become logical, rational, and objective, I can't help but overthink, Luk." mahabang salaysay ko sa nararamdaman kong matagal ko nang kinikimkim sa dibdib ko kasabay ng walang habas na pagbuhos ng mga luha ko. Sobrang nasasaktan ako ngayon. "And you know what's hurting me more? It's the fact that you know my past, Loukas. You know my traumas. You know how scared I was. You know exactly how much courage I took just to trust someone again who is now keeping lies and secrets to me."

Isa-isang bumalik ang lahat ng takot na naramdaman ko noon dahil kay Zack. At nasasaktan akong isipin na nauulit ito ngayon kay Loukas.

Ilang beses ko siyang sinubukang biruin noon kung may gusto ba siya kay Seffie pero paulit-ulit niya rin iyong itinanggi kahit hindi tumutugma ang kilos niya sa mga sinasabi niya. Pero naniwala ako dahil ipinaramdam niya pa rin sa akin na mahal niya ako. Kahit paulit-ulit siyang nagsisinungaling. Kahit itinago niya sa akin ang totoong dahilan ng pagluwas niya sa Maynila noon para makita ang kaibigan ko habang ang dahilang sinabi niya sa akin ay may seminar siya.

"L-luk, nagtiwala uli ako, eh. Sumugal ako sa 'yo. Tapos gaganituhin mo ako?"

Hindi ako makapaniwalang muli akong malalagay sa parehong sitwasyon ko noon. At mas masakit ito ngayon dahil bukod sa kami na, kaibigan ko pa ang nagustuhan niya.

Hindi siya nakasagot. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at mahigpit itong hinawakan. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya pero hindi ang init ng pagmamahal niya. "I'm really sorry, Clei." tanging nasabi niya bago ako ikulong sa yakap niya.

Mariin akong napapikit. Hindi ko kayang tanggapin ang sorry lang. Kailangan ko ng paliwanag dahil mababaliw na ako sa sakit at kaiisip!

Marahan ko siyang inilayo sa akin. "Uuwi na ako." malamig na wika ko at hindi na siya hinintay pang tumugon. Takbo lakad ang ginawa ko makalayo lang agad sa kaniya. At sa pagkadismaya ko, hindi niya man lang ako hinabol ni tinawag upang pigilan.


MUGTO ang mga mata kong pumasok sa university. Madilim pa at wala pang ibang tao bukod sa guards.

Sinadya kong agahan ang alis ko sa isip na baka puntahan ako ni Luk sa bahay dahil sa nangyari sa amin kagabi. Walang tigil sa pagtunog ang cellphone ko noon dahil sa tawag niyang hindi ko sinagot. Pagod na ako. Pagod na akong marinig ang sorry niya. Kung hindi niya kayang sabihin sa akin ang totoo, mabuti pang itigil ko na ang kamartiran ko.

"Good morning, my dear classmate." mariin akong napapikit. Wala ako sa mood makipagkulitan sa isang ito. Simula noong magkrus ang landas namin dito ay hindi na niya ako tinigilan. Palagi niya akong kinukulit at binibiro.

Alam naman niyang may boyfriend ako pero hindi ko alam kung anong topak niya at hindi siya nagsasawang kulitin ako. Wala naman akong magawa dahil talagang magkikita at magkikita kami rito.

"Hey." muling tawag niya sa akin ng hindi ko siya kibuhin. Wala na ang mapang-asar na tinig niya. "You cried the whole night?!" hindi makapaniwala niyang tanong at hinawakan ang magkabilang braso ko upang iharap ako sa kaniya.

Naiilang akong nag-iwas ng mukha. Para kami may sariling mundo rito sa bench na tanging mga ibon at kuliglig lang ang kasama.

"Who made you cry that much, huh?" puno ng diin niyang tanong na ngayon ko lang narinig sa kaniya. Parang biglang kumalabog ang dibdib ko sa pagkabigla dahilan para muli ko siyang lingunin. "Is it him?" kitang-kita ko kung paano umigting ang panga niya.

Galit ba siya?

"That bastard!" gigil na usal niya. Muling nangilid ang luha ko nang maalala ang mga nangyari. Mayamaya ay may inilabas na siyang panyo at siya na mismo ang pumahid sa mga luha ko.

Mas nailang ako kaya agad akong lumayo.

"I'm sorry." aniya. Hindi ko maiwasang manibago dahil masyado siyang seryoso.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now