PROLOGO

12 1 0
                                    

"Have you fallen out of love, Luk?" pigil ang luhang tanong ko sa kabila nang nagbabarang lalamunan ko.

"What?" inis na baling niya sa akin na hindi ko matukoy kung para saan. Just answer me, Luk. Just answer me honestly, please...

Inulit ko ang tanong ko pero sa pagkakataong ito ay mas may diin na ito. "Have you fallen out of love with me, Loukas?"

Kitang-kita ko ang paglukot ng kanyang mukha na siyang mas nagpakabog sa dibdib ko. We never fight like this and I never saw this anger plastered on his face before. Just now. Just this very moment and I can't keep myself calm. Pakiramdam ko ay nagpupuyos sa galit ang kanyang mga mata at anumang oras ay magbubuga ito ng apoy.

"Seriously, Cleah? Seriously?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Ramdam na ramdam ko ang frustration niya katulad ng kung gaano ko nararamdaman ngayon ang labis na sakit.

"Just answer my question, Loukas..."

"Of course not!" iritableng sigaw niya na hindi sa akin nakaharap. "My God, Cleah! What's wrong with you?" narinig ko pang pigil ang gigil na bulong niya sa hangin habang nilalamukos ang hawak na susi ng kanyang sasakyan niya na iniwan namin sa daan para lang magtalo rito sa dalampasigan.

"W-what's wrong with me?" pagak akong natawa at inilipat ang paningin ko sa madilim na paligid. Sa pagkakataong ito ay hinayaan ko nang malayang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa sinusupil kasabay nang pagdampi ng malamig na hangin sa akin at nang malakas na alon mula sa karagatan. "I'm supposed to be the one asking you that..." halos ibulong ko lang iyon. "What's wrong with you? What's with your actions? What's between you two? Why do you act like as if she's everything to you? And why do you have to lie to me so many times?" sunod-sunod kong tanong kasabay nang sunod-sunod at tuloy-tuloy ko ring paghagulgol. "Why... Luk? W-why?" nanghihina kong tanong. "D-do you love her?" hirap na hirap kong sabi. Natatakot sa magiging sagot niya sakaling totoo ang mga hinala ko.

Do you love my friend?

"I-it's not like that... Clei." aniya na hindi katulad kanina ay mahihimigan na ngayon ang pag-aalala. "It's not like what you are thinking." dugtong niya at muli akong ihinarap sa kanya. "I'm sorry... I'm really really sorry."

"Please tell me the truth."

"Shh. I'm sorry, Clei. Please stop crying. Hindi ganoon. Maniwala ka." pakiusap niya at walang sabi-sabi akong ikinulong sa bisig niya. Kahit sobrang higpit at init nito ay hindi nito maaalis ang panlalamig na nabubuo sa puso ko.

Anong ibig sabihin ng mga sorry mo, Luk? At paano pa ako maniniwala kung paulit-ulit ka nang nagsisinungaling sa akin sa pag-aakala mong hindi ko nalalaman ang mga ginagawa mo?

Paano pa ngayong unti-unti nang gumuguho ang tiwalang muli kong binuo at itinayo para sa 'yo?

Pero kaya ko bang itapon ang lahat sa kabila ng mga masasayang pinagsamahan na namin simula noong umpisa? Noong mga panahong ako lang ang mahal niya? Noong wala pang ganitong problema? Isa-isang bumalik sa akin ang lahat.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ