Chapter Twenty-Two

43 1 0
                                    

Jax was really well damned.

It was for real now.

Just sitting there beside Vannessa, her head resting against his, and smelling her perfume—musky vanilla, he realized that he was barely any different from the person that he was from high school. He was still madly smitten by the girl, and he doubted she even had an idea.

Ayaw niyang gumalaw. Natatakot siyang baka sa maliit niyang kilos ay magising niya ito. Baka magkailangan pa. Kaya ang ginawa niya ay ipikinit na lamang ang mga mata, damang-dama ang malakas na pagkabog ng dibdib habang naririnig itong mahinang humihilik.

He wished that the plane would slow down a bit. It wasn't part of the choices.

It wasn't very long until the plane landed, and the pilot announced that they had successfully reached their destination. Vannessa jerked awake, muttered a quick apology before wiping the sides of her mouth. Her cheeks looked flushed, probably because of the embarrassment. Jax couldn't help but smile.

"Hala, nakatulog pala ako. Pasensya na," sabi nito.

"Ayos lang," tugon naman ni Jax.

Si Bee ay gising na rin kaya noong pwede na ay kaagad inalalayan ni Jax ang dalawang makababa ng eroplano. Siya na rin ang nagpresentang dalhin ang mga maleta nito. Noong una ay tumanggi pa si Vannessa pero kalaunan ay pumayag na rin ito at naglakad na papalabas ng airport, hawak-hawak ang kamay ni Bee.

Magkausap ang mga ito at pansin din ni Jax na binabagalan ni Vannessa ang lakad para kay Bee. Noong nagdaang mga araw nga ay madalas itong tumatawag sa bahay nila at kinakausap ang kapatid niya. Kung wala naman itong trabaho o hindi masiyadong abala sa mga gawin ay pumupunta pa talaga ito para lang kay Bee.

"Inggit ka, kuya, 'no kasi ako 'yong pinupunta ni Ate Van dito," tukso pa ng kapatid niya.

Minsan lamang din sila nakakapag-usap nang silang dalawa lang kasi ayaw naman niyang kumuha ng oras para sa sarili niya. Kapag naman hinahatid niya ito pabalik ng Metro ay nakakatulog ito sa biyahe, dahil siguro sa pagod, kaya hindi na rin sila nakakapag-usap. Besides, Jax was fine with the set-up. He was just happy watching her.

He couldn't be thankful enough. He didn't even expect that she'd agree to convince the heads for Bee to be with them. Yet here they were.

Kung tatanungin si Jax, kailanman ay hindi niya nakita sa tanang buhay niya na mangyayari ang nangyayari sa kasalukuyan. With Vannessa and with Bee.

It hadn't been easy seeing his sister slowly getting weaker and weaker each day. Ilang doctor na ang kinausap niya, hinihiling na kahit kaonting tsansa lang—panghahawakan niya iyon. Kahit isang porsiyento lang sa isang daan—kahit kalahating porsiyento nga lang ay hindi niya bibitawan.

"I apologize, Mr. Dela Fuerte, but the only thing that we can do for your sister is to make her remaining time comfortable for her." —Not that. He didn't want to hear that. Anything but that.

Life was that cruel. Nasa sinapupunan pa nga lang siya ng mama niya ay ganoon na ang tadhana. Pero sana siya na lang. Kasi kung siya, maiintindihan pa niya kasi sanay na siya. Maliit pa lamang siya ay alam na niyang ekstra lamang siya sa kwento ng iba. Ba't sa lahat ng tao, ang kapatid pa niya?

Sabay siyang nilingon nina Bee at Vannessa kaya bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. For a brief moment, he felt scared that they might've heard what he was thinking. "Pwede ako matulog sa kwarto nina Ate Van sa hotel mamaya?"

Napakurap-kurap siya sa sinabi nito, tuliro pa rin ang utak bago ang mga mata ay dumapo kay Vannessa na nakatingin sa kanya. Kahit na magulo nang kaonti ang buhok dahil sa biyahe ay sobrang ganda pa rin nito sa paningin niya.

Maginoong Medyo BastosWhere stories live. Discover now