Chapter Thirteen

128 16 0
                                    


Jax had always been playful since the moment he became a college boy. He had dated several girls, and had bedded down a number of them. But one thing that he never did was force a girl to be with him, especially when she didn't want to. It was just against his codes.

May nanay at nakababatang kapatid na babae rin siya kaya hindi niya kailanman maaatim na mambastos ng isang babae. Madalas din ay hindi niya naiintindihan kung bakit hindi nagagawa ng ibang lalaking makapagpigil.

Kaya nang malaman niya kay Axel ang nangyari kay Vannessa sa isang beach sa Zambales ay kaagad nag-init ang kanyang ulo at wari bang nawala siya sa katinuan.

"Vannessa seemed stunned. Sabi ni Santi, ilang minuto rin nilang hindi nakausap si Vannessa. Nakatulala lang daw habang umiiyak. Nang nahimasmasan, nagpaalam na aalis na, but it was already dark, so Santi made sure not to leave her until it was already alright to leave," dagdag ni Axel. Katulad niya'y nakakuyom na rin ang mga kamao nito.

Nagtiim ang bagang ni Jax. "Alam ba nila kung sino 'yong lalaki?"

"Oo, Santi pinned him against the ground so he wouldn't be able to escape. After a while, his friends went there to negotiate. Lasing daw kasi at hindi naman daw sinasadya," sagot nito. "Jacob Macapagal 'yong pangalan. Nagpatulong na si Santi para ma-trace 'yong lalaki tapos I told her to send whatever information she'd have to me."

Umupo si Jax sa sofa tsaka ipinagsilop ang mga kamay niya. Huminga siya nang malalim habang malalim din ang iniisip. Gusto niyang kumalma pero hindi niya magawa.

He hated thinking about the things that the guy possibly did to Vannessa that resulted to her acting that way. He hated it. Just by thinking of it, he felt like punching someone.

"Tangina niya, tangina nila," matigas na tugon ni Jax.

Hindi niya alam kung anong magagawa niya sa Jacob na iyon kapag nalaman niya kung saan ito nakatira.

Tinapik-tapik ni Axel ang balikat niya bago ngumiti nang marahan, pinakakalma siya. "Let's just wait for Santi, erp. We'd deal with that guy by then."

Jax nodded before closing his eyes. They were in Axel's house. When the guy messaged him about the news, he immediately drove to his house to know more details. Hindi nila kasama si Joaquin dahil sinamahan na naman nito si Chorine sa Palawan. Hindi na rin sila nag-abalang sabihan ang binata, lalong-lalo na't kasama nito ang nobya. They already knew how Chorine would react if ever she'd read a message about a girl she didn't know.

Simula noong eksena sa convenience store ay madalas nang nag-uusap sina Axel at Santi. Axel still showed her admiration for the girl.

They waited for what it seemed like a century. When they heard the doorbell ring, the both of them stood up before racing towards the gate.

Much to Jax's surprise, it was Santi who was with Greg. He remembered talking to Greg a few years back. Alam ata nito ang feelings niya para kay Vannessa noon. Ito ang palaging kasama ni Vannessa at may isang beses na pinagselosan niya ito dahil akala niya'y magjowa ang dalawa. Nang dahil doon ay hindi niya mapigilang makaramdam ng kaonting kahihiyan.

Tumango ito sa kanya tsaka ngumiti nang tipid. Nginitian din niya ito pabalik.

"Come on, boys. No time to waste," sabi ni Santi bago sila hinilang dalawa papasok sa nakaabang na kotse.

"Saan—"

"Mamaya na ang tanong, Ruiz. Pasok sa kotse," pagpuputol ni Santi kay Axel.

Pumasok na sila sa kotse habang ramdam ni Jax ang malakas na pagkabog ng dibdib. Nangangati na ang kanyang mga kamao.

Maginoong Medyo BastosWhere stories live. Discover now