Chapter 2: «Astra's Memories Absorbing»

8 2 0
                                    

Chapter 2

«Astra's Memories Absorbing»

DAHAN dahan ay napadilat si Astra. Sumalubong dito ang grey na kesame.

Mula sa paningin ni Astra, may nakikita siyang information na tanging siya lang ang nakakakita.

«12% energy»

«Searching...»

«Searching about the environment...»

«Ding! An Urban Hospital»

«Checking...»

«Safety, 71% for now»

«Checking...»

«Health, 70% for now»

«Condition, 56% for now»

«Ding! Reviewing the data detected!»

Bigla ay may ala-alang nag flash sa utak niya. Para iyong mabilis na imahe na dumaan sa memorya niya.

"Sinabi ko nang ayaw ko eh", galit na sigaw ni Astra habang masamang nakatingin sa isang binata.

"Pero kailangan nating magka-anak", seryoso namang sabi ng binatang nakatayo sa dulo ng kama.

Madilim ang kapaligiran dahilan hindi masyadong klaro ang mukha ng lalake ngunit klarong klaro naman sa mata ni Astra ang pigura nito.

"Kung gusto mong magkaanak, magbuntis ka." Simpleng ani ni Astra tsaka nagtago sa kumot na hawak.

"Astra, ganito ba kalala ang pagka digusto mo saakin?" Sobrang lamig, seryoso at diin ng pagkakasabi ng binatang ito.

Hindi naman nakapagpigil si Astra at napabangon sa kama,"Manahimik ka nga! Kung hindi dahil sayo hindi naman ako matatali sayo eh", nakahanda ng magwala si Astra habang nakatingin ng masama sa binata.

"Pero asawa na kita", maikling sagot ng binata na para bang ipinapaintindi nito kung magkaano-ano silang dalawa.

"Sabing manahimik ka! Alam mong hindi kita gusto pero pinilit mo ko!" Galit muling sabi ni Astra.

"Kahit anong dahilan mo, asawa na kita", muling pagdidiin ng lalake sa sinasabi.

"Tss, wala naman sa pamilya namin ang pag a-arrange marriage eh, nang dahil lang naman sayo napunta ako dito. Porket may pera kayo!" Halos lumuha na ang babae sa galit.

"Astra...", May bakas ng pagbabantang tawag ng lalake dito.

Sumampa pa ang lalake sa kama.

"Manahimik ka! 'Wag na 'wag mong balaking hawakan ako", walang balak ang babaeng mapadikit sa lalake.

"Dahil ba 'to sa Jade nayun?", Napahinto ang lalake at bigla ay parang natahimik ang buong kwarto.

Nanliksik ang pares na mata ng babae."Ha! Ang lakas ng loob mong banggitin ang pangalan niya! Oo! Dahil ito sakanya! Kahit anong gawin mo, hindi kita magugustuhan, Killian, simula noong una si Jade lang ang gusto ko!"

Napahinto ang lalake.

"Ayaw ko tong gawin sayo, Astra, pero...",

Bigla ay nagsimulang gumapang ang lalake sa kama papalit kay Astra.

Love Constellation (On-Going)Where stories live. Discover now