Chapter 14: «The Unexpected Pageant...»

7 2 0
                                    

Chapter 14

«The Unexpected Pageant...»

MAPAPANSIN ang panggagalaiti ni Astrid habang mas sumasama ang tingin kay Astra.

"Tama naman si Astra. Ano? May mase-say kapa ba? Bakit ba't ang agaaga at naninira na kayo ng araw?" Singit ni Rhetta.

"Nananadya kaba talaga, ate Astra? Na-ospital ka lang umaakto ka ng may pake sa nararamdaman ng ibang tao. Simula palang naman noong una, sarili mo lang ang iniisip mo tapo-",

"Oo na, oo na! Matalino kana pero hindi din maipagkakailang mas maganda si Astra kesa sayo. Ano? Tapos kana? Puwede na kayong umalis!" Bigla ay singit naman ni Demi na mukhang wala ng balak pang makinig sa mga babaeng bigla nalang lumapit sakanila.

Talaga namang nakakarinding makipag-away ng maaga.

"Aanhin ang ganda niya kung wala naman siyang utak?" Mahina ang pagkakasabi ni Astrid ngunit dahil kalapit lang nito ang mga kaharap, nadinig padin nila Demi iyon.

"Oh? Aanhin naman ang utak mo kung wala kang maipagmamalaking mukha?" Sarkastikong sabi ni Rhetta.

Mapapansin na mas lalo lang nainis si Astrid. Seryoso at nakatago ang galit na hinarap niya ulit si Astra.

"Kung sasabihin niyong ganda lang ang mas lamang kesa sa utak, bakit hindi ka sumali sa pageant, ate Astra? Tignan natin kung sino saating dalawa ang siyang mananalo. Ipakita natin ang katotohanan kung utak o ganda ba talaga ang dapat na ipagmalaki", Paghahamon ni Astrid na siyang ikinahinto nila Rhetta at Demo ganoon nadin sa tatlong kasama ni Astrid.

Maganda nga si Astra at palagi naman talaga itong nananalo sa mga patimpalak na tungkol sa pagandahan sa barangay nila ngunit ni minsan ay hindi nagbalak si Astra na sumali sa mga pageant lalo kung may Q&A ito. Sa pag-kakaalala nga nila Rhetta at Demi, si Astrid ang siyang palaging sumasali sa mga pageant sa paaralan nila dahil matalino at kahit papaano ay may maipagmamalaki din naman itong mukha lalo na kung naka make-up.

Kinabahan tuloy sila Rhetta, ngunit naalala nilang ni minsan ay hindi nainggit si Astra sa mga pageant na sinasali ni Astrid at mukhang mas wala nga itong pake sa sinasalihan ng kapatid. Totoo din ang sinabi ni Astrid na talagang palaging sarili lang ni Astra ang iniisip nito.

Nagdadalawang isip pa tuloy sila Rhetta at Demi kung ano ang sasabihin dahil para sakanila, iba na ang Astra sa harapan nila tsaka walang maalala si Astra. Anong gagawin nila kung mapahiya ang kaibigan nila? Kahit papaano ay kakaiba ang squad nila dahil halos kilala silang mga maldita sa lugar nila, tanging ang tatlong magkakaibigan lang ang siyang nagkakaintindihan.

"Dove," bigla ay tinawag ni Astrid ang katabing babae.

"E? Huh? Ano?" Mukhang hindi pa nakahanda si Dove sa pagtawag ni Astrid.

Hindi humiwalay ang naghahamon na tingin ni Astrid kay Astra habang itinataas nito ang braso paturo sa di-kalayuan na entrance ng barangay.

"Ilista mo ang pangalan ni ate Astra doon pati nadin ang pangalan ko. Siguraduhin mong mapapalista ang pangalan niya doon" Utos ni Astrid.

"Weeeit!" Sigaw nila Rhetta at Demi at balak na sanang pigilan ang inutos na si Dove.

Kahit na hindi nagugustuhan ni Dove ang pag-uutos ni Astrid, gusto niya din ang plano nito dahil siguradong mapapahiya si Astra kapag matalo siya sa pageant na ito. Naiisip niya palang na pinagtatawanan ng madaming tao si Astra, pati nadin ang panonood ni Killian sa kahihiyan na gagawin nito sa pageant ay sobrang natutuwa na si Dove.

Love Constellation (On-Going)Där berättelser lever. Upptäck nu