Chapter 7: «The Clingy Astra...»

5 2 0
                                    

Chapter 7

«The Clingy Astra...»

"ANO na't hahayaan mo nalang ba ang asawa mong matulog buong araw?!" Galit na sigaw ni Rachel nang makabalik galing sa pakikipag chismisan sa mga katulad niyang sumasagap ng chismis sa labas.

Napansin kasi nitong hindi man lang lumabas si Astra sa kwarto kahit na nandito na si Killian galing sa tinatrabaho nitong taga-karga.

"Gigisingin ko na siya, Ma" hindi na nagpatagal si Killian sa paningin ng sariling ina dahil alam niyang mag-iingay na naman ito.

May dala dala siyang isang baunan (lunch box), isang plato at isang plastic bag na may nilalamang ulam.

Pumasok si Killian sa kwarto at talaga namang hindi niya inaasahan na makikitang natutulog pa nga si Astra.

Hindi man lang ito nakapag-almusal at kung hindi lang siya umuwi ngayon, siguradong pati ang tanghalian ay hindi din nito magagawa.

Napabuntong hininga siya bago naupo sa bangkito at inilagay sa maliit na lamesa ang mga dala. Muli siyang tumayo upang gisingin ang babae.

"Astra," tawag niya sa babae at nakahanda na sanang tapikin ito upang magising ngunit bigla namang dumilat ang pares na mata ng babae.

Sa paningin ni Astra, isang good news ang nangyari.

«Successfully Update the new version!»

«Skills Gain!»

«Vocabulary book (Common) 30%»

«Searching bar (Text) 20%»

«Weather update 100%»

«Low charging, 20% energy a day»

Talagang na update niya na ang pinaka bagong version.

Kahit na sobrang kaunti lang ng nakuha niyang skills magandang pangyayari padin ito lalo na at alam niya na kung saan makakasagap ng signal.

Mababakas ang tuwang tumingin si Astra sa lalakeng mukhang nagulat pa sa iniakto niya.

"Anong tingin yan? Bumangon ka na't kumain. Gusto mo atang magka ulcer e", pinilit ni Killian na 'wag pansinin ang emosyon sa mukha ni Astra tsaka ito bumalik sa kinauupuang bangkito.

Si Astra naman ay bumangon ngunit sa huli ay gumalaw lang siya upang makapuwesto sa dulo ng kama habang kaharap ang nakaupong si Killian.

Parang masunuring batang pinanood ni Astra ang binata habang naghahanda ito sa mga pagkain na dala.

Ang dalang baunan ay may laman lamang kanin. Madami ang laman nun, inihati niya ang kanin tsaka inilagay sa isang plato ang kalahati. Inihanda ang ulam na siyang nakalagay sa plastic bag.

Ang nanonood na si Astra ay nadistract nang biglang lumabas sa paningin niya ang system.

«Checking...»

«Safety, 83% for now»

«Checking...»

«Health, 78% for now»

«Condition, 50% for now»

«The system didn't get much nutrition...»

«To know how to be a healthy person, update the new version...»

Napahinto si Astra tsaka napakunot ang noong nakatingin system windows niya.

«Updating the new version...»

Love Constellation (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon