Chapter 4: «Where's My Signal?...»

6 2 0
                                    

Chapter 4

«Where's My Signal?...»

"KAIN", pinanood ni Astra ang platong may nilalaman na pagkain na siyang ibinaba ni Killian sa harapan niya.

Habang nakaupo at hindi pinapansin ang masasamang tingin ng pamilya ni Killian. Tinitignan ni Astra ang pagkain sa plato.

«Seaching...»

«Object is called ginataang kamote...»

«Seaching for information...»

«Object is good for the body...»

«Object has a vitamin A and C...»

«Potassiom...»

«Research is limited...»

«Update for more information...»

«Automatic update...»

«Update failed...»

«Low Signal...»

«Researching of how to gain more signal...»

«Researching failed...»

Napakunot noo si Astra nang makita ang isinagot ng system niya.

'Paano ko ma-a-update ang system kung hindi ko magawang e-research kung paano makakakuha ng mataas na signal?',

Sa unang pagkakataon, ang robot na pakiramdam ni Astra ay nawala at tuluyan na talaga siyang nakakaramdam ng normal na nararamdaman ng isang tao.

Naiinis siya sa kaisipang hindi niya malaman laman kung paano makakakuha o makasagap ng malakas na signal.

Special ang system ni Astra at alam niyang hindi mag kokonekta ang system niya sa connection sa mundong ito. Ang tanging magagawa niya lang naman sa mundong ito ay pumasok sa internet ng buong mundong ito at sagapin ang siyang gusto niyang malaman.

Para siyang virus na siyang sumasagap ng impormasyon sa mundong ito. At dahil high advance ang system na meron siya, hindi lang basta basta nasasagap ang system niya ng mga tao sa mundong ito lalo na at sobrang hina pa ng technology sa mundong to sa ngayon.

Ngayon ay 2003, at sa ala-ala niya, ang mundong pinanggalingan ay nasa year 3092 na. Hindi niya alam kung konektado pa nga ba ang mundong pinanggalingan niya at ang mundong kinatatayuan niya ngayon. Sobrang layo ng high technology na kinasanayan niya ang lugar na ito.

Hindi niya na kailangang problemahin kung konektado pa nga ba ang mundong 'to sa mundo niya o kaya'y ibang dimension na ang mundong 'to dahil alam niya na naman na wala ng posibilidad na makakabalik siya sa dati niyang mundo.

Ngayon, ang problema niya nalang ay kung paano gumawa ng paraan upang makasagap ng signal na siyang sigurado siyang hindi lang normal na signal.

Nakakamangha na ngang nakapag update siya kahit na sobrang hina ng signal niya ngunit ng dahil dito, alam ni Astra na may paraan upang palakasin ang signal na hinahanap niya.

Kailangan niya talagang makapag-update upang makuha ulit ang mga features na dating meron siya.

Kahit hindi niya man makuha lahat ng features niya sa dating buhay, kailangan niyang masigurado na makakakuha siya ng mga skills na siyang makakatulong sakanyang mabuhay sa mundong ito.

Kung ito't hindi niya man lang magawang palawakin ang pag re-research, wala nadin siyang kaibahan sa tangang tao kung wala siyang common sense sa mundong ito.

Love Constellation (On-Going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن