Chapter 15: «Killian's Wife...»

5 3 1
                                    

Chapter 15

«Killian's Wife...»

"ANG lakas ng ulan. Alam ko namang uulan dahil sobrang init kanina pero hindi ko man lang naisip na magdala ng payong" sabi ng katrabaho ni Killian habang nakatingala sa umuulang kalangitan.

Hindi din naman maiwasan si Killian na tumingala din.

Pinagmasdan ang madilim na kalangitan.

"Ahmm, Lian," bigla ay lumapit si Jenny sa lalake.

Walang emosyon naman na tinignan ni Killian ang babae.

Makikita ang nahihiyang reaksyon ni Jenny tsaka dahan dahang inabot ang dala dala nitong payong.

"Siguradong magkakasakit ka kung magpapaulan ka kaya gamitin mo 'tong payong ko. Sasabay nadin kasi ako kay papa kaya hindi ko din 'to magagamit" nahihiyang ani ni Jenny.

Bumaba naman ang walang emosyon na mukha ni Killian sa payong.

"'Wag kang mag-alalang magkasakit ako", Maikling sabi ni Killian at para namang tinamaan ng kupido ang babae na namula.

Sa isip isip pa ni Jenny na ang dahilan kung bakit sinabi yun ni Killian ay dahil alam nitong wala na siyang ibang payong at baka ayaw ng binatang siya ang magkasakit kaya hindi nalamang tatanggapin ang lalake ang hawak niya pero...

Sa isang iglap ay bumalot sakanya ang hiya nang makitang naglabas si Killian ng payong sa dala nitong bag tsaka walang lingon likod na dumeretsong umalis.

Napatulala nalang si Jenny habang pinapanood ang likod ng binata. Hindi niya din mapigilan ang sariling humigpit ang hawak sa payong.

"Hahaha, Jenny, puwedeng ako nalang ang gagamit niyan? Ibabalik ko din naman bukas-" nagbalak pa ang isang trabahador na tanggapin ang payong ni Jenny ngunit ang napatulalang reaksyon niya ay kaagad na napalitan ng inis tsaka nakakunot noong tinignan ang trabahador.

"Maligo ka ng ulan. Para ka namang hindi lalake!" Inis pang ani ni Jenny tsaka nagdabog na lumingon muli sa likod kung saan natatanaw niya padin ang papalayong likod ni Killian.

'Hindi naman ako ganito kung tratuhin ni Lian dati e'

'Hindi niya man lang inisip kung ano ang nararamdaman ko. Ako na nga itong nag magandang loo-tsk! Kasalanan 'to ng Astra nayun!'



HABANG naglalakad, napapaisip si Killian. Tinignan niya pa ang hawak na payong.

"Magdala ka ng payong. Uulan ngayon", Naalala niya ang sinabi ni Astra bago siya umalis kaninang umaga.

Katulad ng trabahador niya, hindi niya din inaasahan na uulan ngayon pero dahil sa paalala ni Astra, hindi siya makakauwing basa.

Malaki talaga ang nagbago kay Astra. Sa lumipas na araw, mas napapansin lang ni Killian na mas naging malapit silang dalawa. Kahit natatakot man siyang aminin, kailangan niya pading tanggapin ang posibilidad na mangyari kung makaalala na si Astra.

Ilang minutong lakad lang ang ginawa niya at nakarating na siya sa madilim niyang bahay. Dahil sa madilim na kalangitan, mas naging madilim ang bahay. Alas-kwatro pa at maaga pa para sa hapunan. Naiintindihan niyang madilim ang bahay dahil wala namang taong nananatili dito tuwing ganitong oras.

Binuksan ni Killian ang pinto ng bahay at bago pa siya pumasok, tinanaw niya pa ang malayong bahay ni Demi.

'Siguro'y mamaya ko na siya susunduin' isip pa ni Killian tsaka dumeretso sa likod ng bahay upang makapaglinis.

Love Constellation (On-Going)Where stories live. Discover now