Chapter 8: «More Clingy Astra...»

5 2 0
                                    

Chapter 8

«More Clingy Astra...»

"BAKIT ba siya nandito?", Isang lalake may binubuhat na mga kahon ang nagtanong.

"Malay ko. Tanungin mo si Lian kung bakit yan nandito", Isang lalake naman ang sinagot ito.

"Bilisan niyo dyan! Baka nandito lang yan para pagtawanan ang tinatrabaho niyo eh!", Isa namang babae ang bigla nalang sumingit.

"Eh? Anong ginagawa mo dito, Jenny?", Mukhang hindi inaasahan ng dalawang lalake ang pagsingit ng babae.

"Nagtatanong pa eh! Gumalaw na kayo!", Mukhang mainit ang ulo ng babaeng ang pangalan ay Jenny.

Umiling iling nalang na nagpatuloy sa ginagawa ang dalawang lalake.

Habang magkasalubong naman ang kilay ng babaeng si Jenny habang nakatingin sa hindi niya inaasahang babaeng makita sa lugar na 'to. Habang pinapanood ang nakaupong babae na siyang mukhang nagmumuni muni pa sa kapaligiran.

"Tsk, napakawalang kwenta talaga ng babaeng to", Madidinig pang bulong ni Jenny habang nakatingin sa babaeng iyon.

At ang babae naman nayun na si Astra ay walang kamalay malay sa isang masamang matang nakatingin sakanya.

Curious lang siyang nanonood sa trabaho ng mga lalake sa kapaligiran niya. Medyo malayo man siya sa mga ito, tanaw at klarong klaro padin sakanyang paningin ang mga ito.

Bilang isang normal na worker sa dating buhay niya, nababaguhan padin siya sa nakikita niya ngayon. Sa mundo niya, ang mga robot na ang siyang nagtatrabaho sa mabibigat na bagay. Kasali na si Astra sa mga robot nayun.

Namamangha lang siyang makitang ang mga tao ang nagtatrabaho sa ganitong mabibigat na gawain.

Pinanood ni Astra ang mga kalalakihan na magbuhat ng mabigat na bagay papasok at palabas sa mga truck.

Mukhang malaking factory ang lugar na ito at siyang sunod sunod talaga ang pagbubuhat ng mga tao sa di kalayuan.

Kanina pa nakaupo si Astra dito sa tabi at kanina pa din niya hindi natatanaw si Killian ngunit habang nanonood biglang natanaw ng malinaw niyang mata ang lalakeng hinihintay na makita.

May buhat buhat na malaking bagay ni Killian. Nang ibinagsak niya ito, tumingin siya sa kinapupuwestuhan ni Astra.

Ang namamangha namang si Astra ay hindi nagpigil na itinaas ang isang braso at kinawayan ang lalake.

Mukhang nagulat pa si Killian bago yumuko upang ipagpatuloy ang tinatrabaho.

"Buti't pinagbigyan kang hayaan ang asawa mong makapasok dito, Lian?", Isang lalakeng nasa mid thirty ang nagsalita sa tabi ni Killian.

Nahihiya namang tumango si Killian, "Ngayon lang naman", sagot ni Killian.

Wala naman talagang balak si Killian na isama ang babae sa pinagtatrabahoan pero sa tingin na ipinakita nito kanina, wala siyang magawa kundi ang payagan nalang ito. Buti nalang talaga at napakiusapan niya ang manager nila.

Tsaka naisip din niya na baka may mangyari sa babae habang nananatili sa bahay dahil nandoon ang ina niya. Kahit anong pilit niya talagang ayawan, kailangan niya talagang umaktong responsable.

"Sa pagkakaalam namin, hindi maayos ang relasyon niyo? Anong nangyari? Napa-ibig mo naba ang ikatatlong anak ni Samira?", Isa pang lalake ang bigla nalang sumingit na para bang tinutukso siya nito.

Napakunot noo naman si Killian. Alam niyang kilalang kilala ang ina ni Astra dahil sa kapanahunan nila, ang ina nito ang siyang pinakatinitingala dahil sa gandang taglay nito.

Love Constellation (On-Going)Where stories live. Discover now