Chapter 3: «Sleeping...»

8 2 0
                                    

Chapter 3

«Sleeping...»

"HINDI ko inaasahan na mangyayari 'to", mababakas ang takot at pag-aalala sa mukha ni Amias habang nakatingin sa anak na babae.

"Talaga bang sinabi ng doktor na maayos lang siyang ilabas sa ospital?", Pagtatanong ni Lola Lara habang magkasalubong ang kilay.

"Ako ang bahala sakanya, La. 'Wag kayong mag-alala", nagsalita ang nasa gilid na si Killian.

Ang naiinis na reaksyon ni lola Lara ay bahagyang nagbago.

Humarap ito sa apo niya habang ipinapakita ang malambot na side nito na siyang nakasanayan na nang mga taong nasa kwarto.

"Hindi naman ako masyadong nag-aalala. Ang ikinababahala ko lang ay baka mapagod ka sa pag-babantay sakanya. Ha, apo, kailangan mong alagaan ng mabuti ang sarili mo. Matanda na ako, hindi ko talaga maiwasang mag-alala sa magiging kalagayan mo kung ganito't kailangan mo pang bantayan ang asawa mo",

Talaga namang sa siyam niyang apo, si Killian talaga ang pinakapaborito nito.

Matanda na nga si Lola Lara ngunit sa bagong teknolohiya ngayon, siguradong mahaba pa ang magiging buhay nito.

"Ha! Ma, 'yan lang ba ang iniisip mo? Paano nalang ang imahe ng pamilya natin? Ang paborito mong apo ay may asawang nasunog ang utak at ngayon ay naging tanga na. Ma, nakalimutan mo nabang hindi ito ang gusto mo sa apo mo?", Bigla ay sumingit si Rachel na siyang kanina pa nagkakaproblema.

Mas mukha pa itong mas namomroblema sa nangyayari kesa sa mga magulang ni Astra o kaya'y ang anak nitong asawa ni Astra.

Galit na naabaling si Lola Lara sa manugang niya.

Oo, nagkakaproblema din si Lola Lara dahil sa nangyari sa asawa ng apo niya pero wala siyang magawa dahil alam niyang gusto ng apo niya ang babaeng ito.

Talaga namang pinapahalagahan niya ang apo dahil pinili niya nalang na balewalain ang hindi niya gusto para lang dito.

Simula palang noong una, napansin niya ng iba ang trato ng apo niya sa babaeng si Astra at talaga namang hindi niya ito nagustuhan ngunit ang problema, importante sakanya ang nararamdaman ng apo.

Kahit nalaman niya ng may lalakeng gusto na ang babaeng gusto ng apo niya, pinilit niya pading ipagkasundo ang dalawa para lang masiguradong maibigay niya ang lahat ng kagustuhan ng apo niya.

Namatay ng maaga ang asawa ni Lola Lara. Labis niya itong ininda dahilan napauwi siya dito sa probinsya upang kalimutan ang mga naiwang ala-ala ng namayapang asawa sa malaking syudad. Ngunit nang makita niya ang limang taon na si Killian, doon nagbago ang takbo ng buhay niya.

Nagsimula sa hirap ang pamilya ni Lola Lara at kasama ang asawa niya, sabay silang sumabak papunta sa syudad upang magsimula ng negosyo at sinuwerte naman silang naging maganda ang takbo ng negosyo ngunit isang pangyayari ang nagpasira sa masayang buhay ni Lola Lara at 'yun ay nang mamatay ang asawa niya.

Umuwi siya sa probinsya upang makalimutan ang lungkot at sakit na naranasan sa syudad at upang makita nadin ang anak at mga apo na naiwan sa lugar na ito.

Hindi niya lang inaasahan ay ang itsura at mukha ni Killian. Parang nagkaroon muli ng silbi ang buhay niya nang makita ang apo.

Mula palang sa berdeng mata, naalala na ni Lola Lara ang asawa dahilan naging priority niya na si Killian.

Sa taong lumipas, mas lalo lang nagiging magkahawig ang pumanaw niyang asawa at ang apo niya dahilan nagbulag-bulagan siya sa kung anong klaseng tao si Astra upang ipakasal ito sa apo niya.

Love Constellation (On-Going)Where stories live. Discover now