Chapter 9: «The Twin...»

5 2 0
                                    

Chapter 9

«The Twin...»

10 MINUTES lang na lakad ay kaagad na silang nakauwi. Mag aala singko na at sakto namang ganitong oras ay nasa bahay na ang halos lahat ng mga tao dahilan wala masyadong nakakita sa dalawang magkadikit habang naglalakad.

Walang kamalay malay si Astra sa inaakto niya dahil naiisip niya lang na tuwing magkadikit silang dalawa ni Killian mas lalo lang bumibilis ang update ng system niya.

Magdidilim na at nang makadating naghahanda na ang pamilya ni Killian sa paghahapunan.

Nang makapasok sa bahay ay kaagad na napansin ni Astra kung gaano ka busy ang tao sa bahay sa paghahanda ng kakainin.

"Dumeretso kana muna sa kwarto," Bumitaw na si Killian sakanya at dahil naiintindihan naman ni Astra na hindi palaging nakakadikit sakanya ang lalake, hindi niya na ito pinigilan pa.

Ang problema ay wala siyang balak na manatili sa kwarto.

Sa pagkakaalala niya, ayaw ng pamilya ni Killian sakanya ngunit ayaw niya namang may mga tao pang mas aayaw sakanya. Mas gugustuhin niya pang magustuhan siya ng mga ito.

Sumunod si Astra kay Killian na siyang dumeretso sa kusina ng bahay.

"Kuya, buti't nandito kana din. Puwede bang paki sindi ng apoy dito? Kanina pa ako nahihirapan e. Mukhang nabasa ata ang mga panggatong", Bigla ay pag hiling ni Kira na siyang namomroblema nga sa pagsisindi ng panggatong.

Hindi nagsalita si Killian at tinanggap lang ang pang sindi at pinalitan ang nakababatang kapatid sa puwesto nito.

Si Astra naman ay nanood lang bago nagsagawa ng research.

«Scanning environment...»

«Kitchen made of wood, stone and cement...»

«Quality...»

«78%»

«Clay pots...»

«Iron pans...»

«Plastic and ceramic plates...»

«Plastic, Glass and ceramic cups...»

«Metal spoon and fork...»

«Cooking Stove...»

«Charcoal and woods...»

«Knives...»

«Machete...»

«Cutting board...»

«Vegetables...»

«Garlic, Onion, tomato, potato, and sweet potato...»

«Oil, salt, sugar, vinegar, spice...»

«Scanning more...»

«4 years existing refrigerator...»

Mas gumala ang paningin ni Astra.

«New Washing Machine...»

"Ahmm, puwedeng padaan?"

Naputol ang pagmamasid ni Astra nang may madinig na boses sa likod niya.

Tumingin si Astra sa nagsalita tsaka umalis nadin sa pagkakaharang sa pinto papasok sa open na kusina.

Mabilis naman na dumaan ang babaeng nagsalita habang may dala dala itong malaking basket.

Pinanood ni Astra ang dumaan na babae.

«Object scanning...»

«Kyrie Delphinus...»

Love Constellation (On-Going)Where stories live. Discover now