Chapter 11: «Friend...»

6 2 0
                                    

Chapter 11

«Friend...»

"KUNG ayaw mong manatili dito, puwede kang lumabas at gumala. Siguraduhin mo lang na hindi ka pupunta sa malayo", Sabi ni Killian kay Astra habang pinapasok nito ang baunan sa maliit na bag na dadalhin.

"..." Walang nadinig na sagot si Killian ngunit hindi padin ito humarap sa babaeng nakaupo sa kama.

"Dadaan ako kela Demi para sabihin na samahan ka mamaya. Siguradong gusto nun makibalita sayo", Nakatalikod sa babaeng dugtong ni Killian sa sinasabi.

"..." Wala na namang nadinig na sagot ang binata.

"Wala si Mama mamaya kaya ipapaalam ko na din kay Demi na sakanila ka muna kumain"

"..."

"Tsaka, 'wag na 'wag mong kakalimutan na mag-ingat. 'Wag mag-tiwala ng kung sino sino dahil wala ka namang naa-alala"

"..."

"Astra, nakikinig kaba?" Hindi na kinayanan ni Killian ang hindi pag sagot ng babae sakanya. Sa dami ng sinabi niya, nakakapagtakang sobrang tahimik ng babae.

Humarap siya sa babae, inakala niya pang natutulog pa ang babae ngunit ganoon nalang ang pagkahinto niya ng makita ang itsura nito habang nakayuko at nakatingin lang sa sahig.

Halos tumulis pa ang labi nito habang magkasalubong ang kilay na hindi tumitingin kay Killian.

Hindi napigilan ni Killian na mapabuntong hininga. Hindi niya inaasahan na magmamaktol ang babae dahil lang sa wala siyang balak itong isama papunta sa trabaho niya ngayon.

Nagdadalawang isip pa tuloy si Killian kung ano ang gagawin sa babae. Buti't pinagdesisyunan niya na ang isipan kahapon kaya nakakasigurado na siyang wala siyang balak na dalhin ang babae sa pinagtatrabahoan niya ngayon.

Sinabi niya pa sa manager nila na kahapon niya lang dadalhin si Astra ngunit hindi niya inaasahan na makikita niyang ganito ang babae.

"Anong klaseng itsura yan?" Bigla ay medyo lumambot ang ekspresyon ni Killian tsaka nilapitan ang babae.

"Bawal ba talaga akong sumama?" Ang matulis na labi ni Astra ay nawala tsaka nabibigong tinanong ang lalake.

Muling bumuntong hininga si Killian tsaka hinawakan sa magkabilang pisngi ng babae.

Sobrang lapit ng dalawa ngunit hindi makikitang naiilang ang mga ito. Para nga itong dalawang taon nang magkasama at parang nagawa na nila ang lahat ng mga bagay na siyang ginagawa ng magkarelasyon o mag-asawa, talagang tuluyan ng nasanay ang dalawa kahit na ilang araw palang naman ang lumipas nang maging magkalapit ito.

"Bawal. Nakakadistract para sa trabaho kung isasama kita" Nanghihinang sagot ni Killian.

Talagang ibang iba na ang Killian na ito. Wala siyang planong e-spoiled ang babae pero sa pinapakitang ka cute-an nito, hindi niya na talaga napigilan ang sarili.

Ngayon, isang kahinaan ang nabuo sa pagkatao ni Killian at yun ay ang cute niyang asawa.

"Manonood lang naman ako..." Napabusangot na sabi ni Astra.

Umakto pa ang babaeng dinama at pinakiramdaman ang palad ni Killian.

"Hah!" Sighap ni Killian bago pinilit na i-alis ang atensyon niya sa cute na reaksyon ni Astra ngunit hindi niya naman inalis ang nakahawak na palad nito sa pisngi ng babae.

Love Constellation (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon