Chapter 16: «The News...»

5 2 0
                                    

Chapter 16

«The News...»

WALANG balak si Astra na sabihin kay Killian ang katutuhanan na nararanasan niya dahil natatakot siyang baka hindi siya nito paniwalaan o kaya'y iisipin nitong may sayad na nga ang utak niya.

Si Killian lang ang mapagkakatiwalaan niya sa mundo at lugar na 'to pero may limitasyon ang pagtitiwala niya dito dahil sa takot na baka ayawan siya ng lalake kapag nalaman ang totoong siya.

Sinabi ni Astra yun kay Killian upang may maidahilan siya kung bakit sobrang galing niya sa ingles o kahit ano.

Alam niyang hindi lang isang beses kung magtanong si Killian o kaya'y ang mga taong kilala ng dating Astra kaya ito ang idinahilan niya upang sana ay hindi na muling magtanong o magtaka pa ang mga nasa paligid niya sa kung paanong naging matalino siya kahit na wala naman siyang ala-ala.

Kaya lang, mukhang hindi naniniwala si Killian sa dahilan niya...

"Tumalino? Hindi mo nga kayang subuan ang sarili mo. Hahaha, tigilan mo na nga yan tsaka mag-ayos na. Kakain na tayo" Bigla ay bumitaw sakanya si Killian tsaka mukhang wala na ngang balak na makinig sa sasabihin niya.

Bigo nalang na pinanood ni Astra na lumabas si Killian. Gusto niyang pigilan ito ngunit nagdadalawang isip naman siya sa kung ano pa ang ipapaliwanag dito.

'Ganoon naba talaga ka hindi kapani-paniwala ang dahilan ko kaya hindi niya man lang naisip na hintayin pa ang paliwanag ko?' hindi napigilan ni Astra na malungkot at mapanguso.

Napakamao nalang si Astra tsaka seryosong tinignan ang nakasarang pinto ng kwarto.

"Kung ayaw mong maniwala, ipapakita ko nalang sayo" Mahinang sabi niya sa sarili.

"Astra?" Tawag ni Killian mula sa labas ng kwarto.

Napabuntong hininga siya. Kahit na anong mangyari, susundin niya padin ang lalake...

Nakanguso nalang siyang gumalaw. Nag-ayos bago lumabas ng kwarto.

"LA, bakit ngayon lang kayo? Nagiging busy na kayo nitong nakaraang araw ah" Sabi ni Killian ng makita ang matandang pumasok galing sa labas ng bahay.

"Oh, Lian, namiss talaga kita, hijo. Oh ito, pasalubong ko sayo" Makikita sa matanda ang pagkakapagod ngunit umakto padin itong masaya ng makita si Killian.

Tinanggap naman ni Killian ang plastic bag na iniabot ng matanda ngunit mas inuna nito ang pag-alalay sa matandang makaupo sa kawayan nilang upoan.

"La, bakit ngayon ka lang?" Pagtatanong ulit si Killian.

"Mamaya ko na sasabihin at ipaliwanag. Halika na't kumain muna tayo. Hindi ako nakasabay sainyo kagabe e" Pagpipilit ng matanda.

Wala namang nagawa si Killian kundi ang tulungan ulit ito papasok sa hapagkainan ng bahay.

"Kira, nasaan ang tatay niyo? Diba't sinabi kong dapat sabay sabay tayong kumain?" Pagtatanong ng matanda sa naghahanda sa hapagkainan na si Kira.

"Kyrie," tinawag ni Kira ang kakambal at naintindihan naman ng babae ang tawag niya.

Naglakad si Kyrie papunta sa kwarto ng mga magulang nila.

Love Constellation (On-Going)Where stories live. Discover now