Chapter 17: «Anger For Pageant...»

6 4 1
                                    

Chapter 17

«Anger For Pageant...»

"MA, bakit kayo sumisigaw?" Biglang nagpagitna si Killian gamit ang braso niya kay Astra at sa sariling ina.

Hindi niya inaasahan ang galit na reaksyon ng ina sa asawa niya at mas lalong hindi niya ito maintindihan.

"Ha! Tanungin mo 'yang asawa mo't ano ang pinag gagawa niyan!" Gigil na sabi ng ina.

Napakunot noo nalang si Killian. Nasa pangangalaga na niya si Astra ngayon. Hindi niya kayang hayaan nalang ang inang sigawan ang asawa sa hindi malamang dahilan.

Normal lang naman na makitang magalit ang ina kay Astra dahil palagi naman itong nangyayari dati pero iba na ngayon dahil ayaw ni Killian na nakikitang may sumisigaw sa asawa niya.

Para sakanya, napakalambot ni Astra na siyang kinakatakutan niya pang baka masaktan ito sa isang salita lang. Naalala niya pa tuloy nang maligo si Astra sa malamig na tubig na siyang wala man lang emosyon na giniginaw.

"Chel, kakapasok nga lang ni Mama sa kwarto. Ano bang gusto mo? Palabasin siya para sawayin ka?" Sumingit ang ama niyang si Arthur.

Makikita namang galit na napasinghap si Rachel.

"Paano ko mapipigilan ang sarili ko nang malaman ang pinag gagawa ng babaeng 'to?" Galit na sabi ni Rachel.

"Ano bang ginawa niya't nagkakaganyan ka? Chel, kontrolin mo 'yang boses mo" Muling banggit ni Arthur.

"Dahil kasi sakanya hindi na makakasali si Kira sa pageant", bahagyang humina ang boses nito ngunit may pang-gigigil padin.

"Ha? Sinong may sabing may balak akong sumali sa pageant nayan?!" Gulat pang singit ni Kira na siyang napahinto sa pagpupunas ng lababo.

"Ako! Ako ang may sabing sasali ka kaya pagsinabi kong sasali ka, sasali ka!" Muli pang lumiit ang boses ni Rachel upang pigilan lang ang sariling mapasigaw habang nakaduro kay Kira.

"Ma, sinabi ko na ngang hindi ako sasali dyan e. Kayo nalang palagi ang gumagawa ng mga desisyon ko e", pati ang boses ni Kira ay bahagyang tumahimik dahil alam niyang hindi tamang suwayin ang kung anong sinasabi ng sariling ina.

Ano pa nga ba? Kailangan niyang makinig sa mas nakakatanda upang ipakita dito ang pag rerespeto.

Sadyang hindi niya lang talaga gusto ang mga desisyon ng ina para sakanya o sakanilang magkakapatid.

"Manahimik ka! Uulitin ko, Astra, ano sa tingin mo ang pinag gagawa mo?! Pumunta ako sa barangay para ipalista ang pangalan ni Kira pero malalaman ko nalang na bawal na, hindi lang dahil sa puno na ang participant kundi dahil bawal ang dalawang participants sa iisang pamamahay? Pinilit ko pa ang taga bantay na ipakita kung sino ang sumali na nanggaling sa pamamahay ko tapos malalaman ko nalang na ikaw pala 'yun? Ano? Nasunog naba talaga ang utak mo't kung ano ano na ang pinag gagawa mo para ipahiya ang pamilya namin?" Mataas na litanya ni Rachel habang galit at nanggigigil na idinuduro si Astra.

Ang tahimik naman na Astra ay napapikit pikit pa at dahan dahan na naiintindihan ang mga sinabi ng biyenan.

Hindi niya aakalaing aabot kaagad sa pamamahay na 'to ang tungkol sa pag sali niya sa pageant. Alam niyang malalaman din nila ang tungkol sa nangyari kanina ngunit hindi niya inaasahan na agad agad pala.

Napansin ni Astra na nagtataka pang tumingin si Killian sakanya dahilan bigo siyang napayuko.

Gusto niyang magpaliwanag sa lalake, pero pakiramdam niya ay hindi tamang magsalita habang nandidito ang hindi niya pinagkakatiwalaan na si Rachel. Wala siyang pake sa sasabihin ng biyenan, mas iisipin niya pa ang iniisip ni Killian tungkol sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Constellation (On-Going)Where stories live. Discover now