Chapter 6: «About the Delphinus Family...»

7 2 0
                                    

Chapter 6

«About the Delphinus Family...»

"ASTRA?" Ilang minuto na ang lumilipas at napansin na ni Killian na hindi na gumagalaw ang babae habang nakadagan ito sakanya.

Ilang minuto niya na ding kinokontrol ang sarili at buti nalang at nakayanan niya pa ngunit sa huli ay may napansin siya sa babae.

Pinilit niyang tignan ang babae bago marahang tinapik tapik ito.

Nang walang matanggap na sagot kay Astra, naintindihan kaagad ni Killian na nakatulog na ito.

Para siyang nabigo dahil sa kalagayan ng babae.

Napabuntong hininga siya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla nalang siyang dinaganan ni Astra ngunit ngayong alam niya ng nakatulog na ang babae, alam niyang imposibleng may binabalak ang babae.

Hindi niya tuloy maintindihan kung makaramdam ng pagsisisi dahil walang mangyayari.

'Ha! Pakiramdam ko ay naging manyak na ako'

Marahang inihiga ni Killian ang katawan ni Astra sa kama.

Tinitigan pa ito ng ilang minuto. Pinagmamasdan ang inilalabas nitong ganda kahit nakapikit. Talagang naiintindihan ni Killian kung bakit si Astra ang pinili ng Lola niya.

Kahit sino naman kasi ay hindi maipagkakailang maganda ang babae.

Nang matapos niyang panuodin ang mukha ni Astra, iniayos niya na ang paligid ng kama pati nadin ang kumot na ibinalot sa katawan ng babae.

Nang tumayo, muling napatingin si Killian kay Astra bago tumingin sa malaking kama niya.

'Hindi man lang siya nakapagligo o nakapagpunas. Ha', tumalikod si Killian.

Dinala ang pares na damit pantulog bago lumabas sa kwarto.

Dumeretso sa likod ng bahay kung nasaan ang malaking drum na siyang may lamang tubig. Kahit sobrang lamig ng tubig, pinili niya pading maligo dito.

"Lumabas kana din. Ano na? Hahayaan mo nalang bang umaktong ganito ang asawa mo? Tsk, napakabait niya nama't binigyan talaga ng responsibilidad ang pamilya natin!" Bigla lumabas si Rachel na siyang may dalang basket.

Naglakad ito papunta sa sampayan ng mga damit.

"Tignan mo't pati ang mga damit na to't ginabihan na ng kuha! Argh! Kung ako sayo, Lian, mas pipiliin ko pang pahirapan ang asawa mo't para matuto namang tumulong saatin! Pulos lamon lang siya, wala ng ginawa!" Hindi talaga nagpigil sa pagsasalita si Rachel.

Si Killian naman na siyang nagpupunas na sa sarili ay parang edeneretso lang sa kabilang tenga ang pinagsasabi ng sariling ina.

Kilala niya naman na talaga ang ina at talaga namang mas pipiliin niya nalang na hindi ito pakinggan.

Palagi lang namang nangyayari ito. Naalala niya pa nga kung gaano siyang naghirap noong mga taon na hindi pa dumating ang lola Lara niya sa pangangalaga ng ina.

"Ano na naman ang ikinaiingay mo dyan? Gabing gabi na't sobrang lakas ng boses mo!" Lumabas naman sa likod ng bahay ang ama ni Killian.

Lumapit ito kay Killian tsaka kinuha ang tabo upang banlawan ang dala dalang tsinelas na siyang napuno ng putik.

Ang mataray na mata ni Rachel ay kaagad na nagbago bago binilisan pa ang pagkuha ng mga isinampay.

"Thur, kamusta nga pala ang meeting kanina? Maayos naman siguro ang pag paplano niyo para sa pista diba?", Parang ibang tao si Rachel nang tanungin ang asawa.

Love Constellation (On-Going)Where stories live. Discover now